XXVI

6 3 0
                                    

Nasa kwarto niya si Rose. Hindi siya pumasok sa trabaho dahil may meeting ngayon si Ranier kay Elliot. Sapat na si Rosario ang makahuli sa kanya, ayaw niyang gawing komplikado ang lahat. Mas malala kapag si Ranier.

Mauuwi sa lahat ang pinaghirap niya.

Tumatambay siya sa kwarta. Nanood ng romantic comedy film sa netflix. Mag-isa siya sa bahay dahil may pasok si Tia. Timing na umuulan ngayon kaya mas masarap gumulong-gulong sa malambot na kama na walang ginagawa habang kumakain ng junk foods.

Nagdahilan siya kay Elliot na may diarrhea siya dahil sa kinain na lobster kagabi. Pinadala kasi sa kanya 'yon. Siya rin ang nakiausap na huwag iwan ang pagkain. First in her life, makatikim ng ganoon kasarap na putahe. Deserve na deserve si Sirius at kudos sa mga chef.

Sapat na sanang dahilan iyon para pumayag ang boss niya. Mag-e-enjoy muna siya ng life niya habang nagde-disguise siya.

Gandang-ganda na siya sa kissing scene nang maalala ang mukha ng dalawang bruha. Grabe, kung hindi lang siya nagpapanggap, ginantihan niya sana. Tapunan ba siya ng tubig sa mukha.

Bumalik ulit sa isip niya ang nangyari kagabi.

"My brother deserves someone who actually cares about him,"singhal ni Euphemia nasa tono nito ang contempt nang pinag-krus nito ang braso.

Katabi nito si Chiara na kanina lang ay binati siya ng pagmumura nito. Nakakalason ang bawat tingin nito sa kanya. "Akala mo ba hindi namin alam ang ginagawa mo? Trying to act all innocent, like you’re just his secretary. We all know the truth, Rose. You’ve wormed your way into his life, hoping for a piece of what he’s got."

Kalahating totoo, kalahating hindi. Napatiim bagang siya kahit pilit na pinapakalma ang sarili. Iba talaga mag-isip ang taga-alta sosyedad. Iniisipan siya ng masama na wala namang ginagawa.

"Out ako sa personal life ng boss ko. Secretary lang po ako, saka labas na ako kay  sir Elliot kung anuman ang ginagawa niya maliban sa trabaho. Hoy, wag nga kayong marites,"rason niya pero lalo niyang pinaigting ang inis sa dalawa.

Ginulo siya ni Chiara sa nanunudyong halakhak nito. "Oh, please." Lumapit ito sa kanya. "Do you think we’re stupid? You think you can just walk away and leave him vulnerable to your little tricks? I know what you’re up to, Rose. And I’m not letting it happen.”

Gusto niyang sagutin ito ng straight english. Pero wag na baka mahalata siyang mayaman.

Pumalatak siya. "Napaka-irrelevant naman ng iniisip niyo. Aminin nyo, obsess lang po kayo sa kanya. At alam niyo hindi po 'yon healthy. This constant stalking, these little games, it’s not going to win you his heart.”

Bigla siya naging proud sa pa-english niya sa dulo. Kaso nakalimutan niya ang magiging reaksyon ni Chiara.

Huli niyang nalaman na hawak nito ang isang basong tubig at walang pag-alilingang itapon sa mukha niya.

Out of shock...nagising siya sa realidad. Sumabay ang pagtili ng ringtone niya. Nataranta siyang bumangon at halos madapa nang bumaba sa kama para kunin ang cellphone na pinatong niya sa cabinet.

Pangalan ni Elliot ang nasa screen. Malamang tapos na ang meeting nito. Pero alas tres pa lamang ng hapon.

"Hello po,sir?"sagot niya sa magalang na boses.

"Where are you now?"tugon ng baritonong boses sa kabilang linya. Gumapang ang lamig sa tyan sa lambot ng boses nito.

Napinigilan niyang huminga. "Sa...sa bahay po. Bakit po,Sir?"

"Come here immediately in my office. I have something urgent,"utos nito sa maawtoridad na boses. Nanginig ang mga paa niya. Kung hindi niya ito susundin, malamang kangkongan ang aabutan niya.

Stealing ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon