III

20 9 1
                                    


Humugot ng malalim na hininga si Rosè, inaayos ang skirt habang papasok sa opisina ng bago niyang boss.

Ito ang unang araw niya bilang secretary ni Elliot Jon Mallary. Ang ceo ng sikat at marangyang Mallary Group. Pero isa siyang fake. Magdi-disguise siya ayon sa deal nila ni Juliette. Napa-believe din siya rito kasi nagawa nitong papasukin siya na walang problema. Binayaran lahat ni Juliette ang mga taong pwedeng humadlang sa plano. Pinaalis nito ang dating secretary at ginawa nitong accomplice ang HR manager.

Bago pa man simulan ang misyon niya, dalawang beses niya itong na- emcounter. Una sa cafe na inaway pa niya at pangalawa kahapon, sa daan iyon at muntikan na siyang mabangga.

Sa anong kadahilanan bakit kailangan nilang magkita? Nakilala niya agad na si Elliot yon dahil nasa forbes at time magazine ang mukha nito at sikat pa sa social media. Siya malamang ang hindi kilala nito.

She finally entered Jon Mallary's sleek office. It is filled with modern decor and floor-to-ceiling windows overlooking the city.

Nakalimutan niyang huminga nang malamang nasa harap na siya ni Elliot. Inangat kaagad nito ang tingin nang maramdaman ang presinsiya niya.

"Good morning, Mr. Mallary,"bati niya.

Kinakabahan siya sa bawat titig nito. Elliot's deep-set eyes scanned her face intently, and she felt the heat rise in her cheeks.

"Ah, you must be my new secretary,"malamig na saad nito pero bahagyang kumibot ang gilid ng labi. Nasa ekspresyon nito na nakilala na siya.

"Yes, I'm Rosè Mendoza,"pagpakilala niya sa sarili sa pekeng pangalan. Sinusubukang pakalamahin ang tono. Sana lang naman magmukha siyang professional sa mga mata nito.

Sumandal ito sa upuan sabay taas ng kilay, "Nice to see you again... after our, what should I call it, eventful encounters?" Sabi nito sa malamig na tono.

Hindi siya umimik. Tila ba matutunaw siya sa harap nito. Matapang siya, isa rin siyang leader pero sa harap para siyang tuta. Kitang-kita ang pagiging ma-awtiridad nito.

"How come I met my new secretary not once but twice before meeting her in my office? Is this they call fate?"sabi nito saka binigyan siya ng sarkastikong ngiti.

Napalunok siya ng wala sa oras. Nilamig pa ang batok niya, " no, Sir. I-It's just a coincidence,"tugon niya.

"I didn't expect you to actually show up after that... incident at the pastry shop,"sabi nito na kinuha ang papel sa desk nito.

"Sabihin na lang natin na medyo stubborn ako. Kasi hindi ko hahayaang ibigay ang huling cake- lalo na kapag favorite ko ito,"sabi niya na pinipigilan ang tawa.

"Stubborn, or just reckless? You almost got hit by my car yesterday, you know,"sabi nito sabay ngisi sa kanya.

"Aksidente lang po yon. I can assure you I'm a lot more careful in the office,"depensa niya.

"Enough about the past. We'll focus on your responsibilities moving forward,"sabi nito. Binaba nito ang papel at binuksan ang laptop.

Inayos ni Rosè ang tindig. "Right! Of course. Handa po akong tulungan kayo sa lahat ng pangangailangan niyo."

Mataman siya nitong tinitigan. "Very well, then. I expect full dedication in this role,"saad nito at tinuun ang pansin sa laptop.

"You'll get it, Mr. Mallary,"confident niyang salita.

Sumandal ulit ito para pag-aralan ang kanyang reaksyon, "tignan natin kung makakaya mo ang pressure,"sabi nito sa matigas na ekspresyon. China- challenge pa yata siya.

"I thrive under pressure. Just don't expect me to let you take that cake again,"determinado niyang pahayag sabay ngiti.

"That's a bold stance, Rosè,"turan nito sabay ang pagkislap ng amusement sa mga mata nito.

"Well, someone has to keep you on your toes,"tugon niya. Humalo ang intriga at nerbyos sa kanyang puso.

"Tatandaan ko yan,"sabi nito na hindi pinahalatang nakalitaw ang ngiti sa mga labi.

Bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi mahuli ang sarili sa pagkaroon ng attraction dito. "Okay, then. What's first on the agenda?"

"We'll start with a meeting,"sabi nito na may banayad na pahiwatig ng kuriosidad sa tono nito matapos ibalik ang atensiyon sa mga gawain.


Umupo si Rosè sa bagong working desk niya. Nakalatag doon ang mga paperworks niya. Bumuga siya sa hangin. Nakalimutan niya yatang huminga sa sandaling yon. Medyo intimidating si Elliot. Malamig ito. At parang walang interest sa kanya. Paano ba niya paamuhin yon. Kinuha niya ang ilang strand ng buhok at sinimulang ikut-ikutin gamit ang hintuturo.

Mayamaya may mga duma-dumadaang co-workers niya at binabati niya. Akala niya mababait ang mga yon pero parang nagiging bully ito sa kanya. Grabe ang sama ng ugali ng mga empleyado dito kagaya ng amo ng mga ito. She can't tolerate it.

Napatiim bagang na lamang siya.

Makalipas ang ilang sandali. Marahas na bumukas ang pinto ng opisina ng boss niya. Niluwa si Elliot. Umaapoy sa galit ang mukha.

"Rosè!"tawag nito sa kanya sa mataas na boses.

Dagli siyang tumayo,"Yes, Sir! Is everything alright?" Sabi niya sabay lapit dito.

"No, everything is not okay! I need you to cancel my appointment with Kinnison. Now!"ora-orada nitong saad saka nag-dial sa cellphone.

Bigla siyang ninerbyos, " opo! Pero may specific reason po ba Sir? Pwede ko namang i- reschedule imbes kung gusto niyo..."

"I don't care about rescheduling! Just cancel it! I don't want to deal with him today,"putol nito. Kumukulo ang frustration sa mukha nito.

Bumuntong hininga siya saka sabi ng "Okay po. I will take care of it right away."

"I can't believe this. That woman, she really ruining our friendship,"mahinang sabi nito sa sarili nang tinalikuran siya.

"May iba pa ba kayong ipapagawa, Sir?"she asked tentatively.

Bumaling ito sa kanya. Nakakasulasok na tingin ang binigay nito sa kanya. " Wala. Gawin mo kung ano ang sinabi ko."

"Absolutely, I handle it,"kalmadong niyang pahayag.

Pumalatak ito. Tinalikuran siya at humakbang palayo. Um-echo ang bawat apak nito sa sahig bago tuluyang naglaho sa view. Bagsak ang balikat niyang bumalik sa desk. Umupo siya at pinatong sa mesa ang dalawang kamay.

That arrogant Elliot...mukhang mahirap paibigin.

Stealing ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon