XII

15 6 0
                                    

Maingay ang yapak ni Elliot nang pumasok siya sa grand hall ng kanilang mansyon. Ang bahay na kinalakihan niya. Naamoy niya kaagad ang mabango at masarap na pagkain mula sa kusina. Pinagagaan nito ang tensiyon sa loob niya.  Ayaw niya sanang dumalo sa buwanan nilang hapunan kaso napilitan siya nang pumunta ang ina niya kanina sa opisina.

Nang pumasok siya sa dining room, inangat agad ni Edmund ang ulo. Ang tatay niyang hindi mabasa ang ekspresyon gaya ng dati. Nakaupo ito sa uluhan ng lamesa. Nasa kanan nito ang ina niya Magarbo ang suot nitong bestida. Katabi nito ang kapatid niyang babae na si Euphemia na nasa cellphone ang atensyon sa harap nito ang kakambal na si Efraime na nababagot. Iniwanan ng mga ito ang dalawang bakanteng pwesto malapit sa ama niya.

Umupo siya at kinuha ang table napkin na parang walang nakita. Tumikhim ang ina niya. Napansin nito na hindi niya sinama si Juliette.

Sumingkit ang mga mata ni Margaery. Kumislap ang ilang strand ng buhok nito mula sa liwanag ng chandelier. Binasag nito ang katihimikan nila. "Where is Juliette, Elliot?"pagde-demand nito sa matalim at walang tawad na tono.

Nagtama sila ng mga mata habang napatiim bagang siya. "She's not coming tonight,Mom."

Sinuntok nito ang lamesa na kinaigtad ni Euphemia. Nakasimangot itong binaba ang phone.  

"Not coming?"asik nito saka mariing tinikom ang mga labi. Huminga muna ng malalim. "What excuse could she possibly have for missing another family dinner? Engaged kayo, Elliot. Hindi ko matatanggap ito."

Sinapo ng ama nito ang noo. "Elliot, you're always been an obedient son. Simple lang naman ang gagawin mo hindi mo pa magawa? I thought you and Juliette are closed enough to be engaged."

Naikuyom niya ang mga kamay sa gilid niya. Nawalan tuloy siya ng ganang kumain. Pumunta siya dito para magpasermon sa mga magulang niya. "Kayo ang may kagustuhan na i-engage ako sa kanya. You already know that Juliette is not in love with me-"

"It's not about love. It's about business, Elliot itatak mo yan sa kukuti mo! Mortez family had helped us for a long time. Bilang utang na loob, pinagkasunduan namin kayong ipapakasal,"mariing sambit ng ama niya sa matigas na ekspresyon. Bawat salita nito ay tila kutsilyo na sinasaksak siya. 

"Yeah, you have a point,Dad. But maybe it's time you realize that I won't be controlled like a puppet on strings." Tumayo siya para iwan ang mga ito. "I'll make sure to cancel our engagement as soon as possible."

"How dare-"

Bago siya tuluyang umalis nilingon niya muna ang mga ito. Nakauwang ang labi ni Euphemia samantala si Efraime ay nakatukod ang siko sa lamesa, nababagot. Umaapoy ang papgmumukha ng mga magulang niya.

"I'm done with your charade!" Singhal niya. Saka tinungo ang pintuan. Subalit sinundan siya ng ina niyang balot-balot ng galit.

"Elliot, don't you dare walk away from me!"

Hindi niya 'yon pinansin.  Pinatuloy niya ang paglalakad palabas ng dining room hanggang sa labas ng bahay. Naramdaman niya ang malamig na simoy nhangin na dumampi sa mainit niyang balat. Gumaan ang loob niya mula sa bigat ng pinapasan niya nang sinara ang pintuan ng bahay. 

For the first time in a long while, he felt like he could finally breathe.

Tahimik niyang tinungo ang makintab at itim niyang sasakyan na malayo ang iniisip. Nasa isip niya pa rin ang mga ganapan kanina. Ito ang unang beses na sinuway niya ang kanyang mga magulang at kailangan niyang paghandaan ang susunod na mga consequences. Alam niya kung gaano ka powerful ang chairman ng Mallary Group. May kakayahan itong sibakin siya sa pwesto. 

Wala siyang pake. Buo na kasi ang desisyon niyang i-ca-cancel ang engament. Para sa kaligayahan ng mga kaibigan niya, gagawin niya ang lahat mawalan man siya ng sariling kaligayahan. Kaya sinanay niya ang sarili mamuhay ng normal dahil darating ang araw na maghihirap siya.

Stealing ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon