Nakaupo si kama si Rosette. Nagugulumihan. Hawak niya ang kanyang cellphone at kanina pang gustong tawagan ang kanyang fiance. Kakauwi niya lamang mula sa mall. Salamat kay Elliot, ang boss niyang kuripot pero gentleman naman. Binilhan na nga siya ng bagong damit, may palibreng sakay pa siya.
Malaki ang problema niya ngayon. Hindi niya magawa-gawang tuldukan ang naguguluhan niyang feelings para sa boss niya. Ano 'to? Bakit siya humihina sa tuwing magsalubong ang kanilang mga mata. Minsan parang nabibitin siya kapag tinatapos agad nito ang pag-uusap nila. Bigla-bigla niya itong nami-miss. Pinapaniginipan niya palagi. Bulong niya palagi ang pangalan nito. Tuwing maririnig niya naman ay para siyang matatalon sa kilig.
Hoy! Umiinit naman itong pisngi niya. Kumakabog ng malakas ang puso niya. Nangigil siya. Gusto niya palaging kasama si Elliot. Para siyang maloloka.
"Bumalik ka nga sa katinuan,Rosette!"binatukan niya ang sarili. "Misyon mong paibigin at sakat si Elliot. Hindi ang main-love sa kanya!"
Nangigil siyang sumisigaw. Sinipa pa sa ere ang mga paa kaya nagtalsikan ang suot niyang tsinelas. Humiga siya sa kamay at kinakalmot ang mukha.
"Gumising ka sira ulo!"sumbat niya ulit sa sarili. Hindi ako pwedeng ma-in love. No!
Nagsisigawan na innerself niya pero hindi sumasang-ayon ang puso niya. Bumalikwas siya at tumayo. Hindi kayang kalimutan ang nararamdaman niya. Sure siyang pag-ibig tong nasa puso niya. Hindi lamang attraction sa kagwapuhan nito. Why? Why she suddenly yearn for him?
Paroon at parito siyang naglalakad sa loob ng kanyang silid. Tulalang nakikipag-deal sa gyerang nangyayari sa loob niya. Hindi siya pwedeng ma-fail. Nakataya ang kompanya niya rito.
Kumislot siya ng marinig ang kalimpang ng mga kaldero sa kusina. Baka dumating na si Tia. Nagtatrabaho ito sa restaurante ni Sirius. Mabuti pang bumaba siya at makainom ng kape. Alas kwatro pa naman ng hapon.
"Oh! Tia dumating ka na pala,"bati niya habang kumukuha ng tasa.
Tumulis ang nguso nito. Hindi agad siya sinagot. Kinuha nito ang kaldero at nilagyan ng isang basong bigas sa loob.
"Naiinis ako sa isang waiter doon. Akala mo kung sino. Ang yabang-yabang. Ang sarap tirisin!"sabi nito matapos ang ilang sandali.
Kumibot ang gilid ng labi niya. Nilagyan ng tubig ang heater. Saka kumuha ng 3in1 na kape. Binuhos ang laman non sa tasa. Bumuntong hininga siya habang nakatukod ang dalawang kamay sa gilid ng lababo.
"Sino ba 'yan? Ako na ang titiris para sa'yo?"suhestyon niya na nakangiti.
Nilagay nito ang kaldero sa gas stove. "Ay, Miss kung ikaw sa pwesto ko mahihirapan kang tirisin siya. Lahat doon ka-close niya lalo na si Sir Sirius. Ang hirap kalabanin ng feeling maganda na 'yon. Kung hindi lang mataas ang sahod doon matagal na sana akong nag-resign."
"Tia naman eh, ganyan talaga sa trabaho. Hindi lahat makakasundo mo. Kailangan lang ng maraming pasensiya. Hayaan mo siyang mag-pa-feeling d'yan. Ang mahalaga ginagawa mo ng maayos ang trabaho mo,"masigla niyang saad habang sinasalin ang tubig sa tasa niya.
Pinalitan ng ngiti ang inis sa mukha nito. "Ah teka, ipagkuha kita ng kutsarita,"anito na mabilis humakbang para kunin at iabot sa kanya ang kutsarita.
Tumango na may ngiti sa labi bilang pasasalamat.
"Ang swerte ko talaga dahil nakilala ko kayo Miss. Na-miss ko tuloy ang mansiyon niyo. Kung hindi lang ako pinabalik ni Mama rito, mas gugustuhin kong mag-stay sa inyo. Ang babait niyong mga Valentino eh. Lalo na si Sir Rosario, para kaming magkapatid,"proud na proud na pahayag nito.
Tumaba ang puso niya sa sinabi nito. Nakangiti siyang inamoy ang aroma ng kape. Na-miss niya bigla uminom ng mocha sa coffee shop ni Rosario.
"Open palagi ang masyon para sa iyo, Tia. I'm sure na miss ka rin ni Rosario,"aniya saka simsim ang kape.
BINABASA MO ANG
Stealing Elliot
RomanceOwning the Billionaire's Heart #1 COMPLETED ON GOOD NOVEL "Just steal my fiancé. Seduce him. Make him love you. And then... break his heart." Halos umigtad si Rosette Valentino sa sinabi ni Juliette Mortez sa kanya. Para sa pera at sa ko...