X

19 5 0
                                    

"Sorry,"bulong ni Elliot habang nilipat sa ibang direksyon ang tingin niya. He just trying to mask his embarassment.

Hindi niya maiwasang mapahiya sa inasal niya matapos makita ang nagdurugong hintuturo ni Rosè. Awtomatiko niya yong sinipsip. Nang matauhan ay binitawan niya kaagad ito. Napansin niyang namula ang pisngi ng dalaga. Bumayo ang puso niya na wala sa oras.

Tumakbo sa gripo si Rosè para hugasan ang daliri. Nataranta siyang hinalughog ang mga drawer para kumuha ng band aid. Nagkatagpo silang dalawa ng bumalik sila sa dating pwesto. Hindi nila maiwasang magtagpo ang kanilang mga mata. Naghari ang katahimikan ng ilang sandali. Narinig niya ang malakas na tibok ng puso niya o malamang ng puso nito. Sa sobrang lakas hindi niya alam kung kanino.

Ngayon niya lamang napansin ang kagandahang taglay ng sekretarya niya. Mayroon itong nakakaakit na caramel brown at maalon na buhok. Mapupungay na mga mata at mahabang pilik mata. Katamtaman ang tangos ng ilong nito na sumakto lang sa oval shape nitong mukha. Maliit ang mapupula nitong labi. Hindi ito masyadong maputi pero malakas ang karisma nito. Naramdaman niya ang pag-init ng mukha niya.

"Akin na ang kamay mo,"mahina niyang saad na pinapanili ang pagiging maawtoridad.

Marahang nilahad ni Rose ang kamay. Kinuha niya 'yon habang kinokontrol ang pangiginig ng kanyang kamay. Napatigil sila nang makaramdam ng awkwardness. Patay-malisya niyang nilagay ang band-aid palibot sa daliri nito.

"Salamat po Sir. Pasensiya na po, inabala ko pa kayo,"paghinging paumanhin nito na hindi makatitig ng deretso sa kanya. Namumula ng bahagya ang makabilang pisngi nito.

"Wala yon, Rose. May mga bagay talaga na hindi mo inaasahang mangayri. Mabuti pa ihanda mo ang table. I will finish cooking,"suhestyon niya.

Tumango si Rose, naputol ang dila para magreklamo at tahimik na tinungo ang dining table. Bumalik naman siya sa ginagawa niya.


Pagkalipas ng ilang sandali, harapan silang nakaupo sa dining table. Nanatili sa pagitan nila ang awkwardness. Tahimik silang kumakain ng hapunan, tanging ingay ng mga kubyertos ang pumupuno sa loob ng condo unit niya. Sa huli, tumikhim siya nang malamang patapos na sila sa pagkain. Inangat niya ang tingin kay Rose. His expression is now back to it's usual businesslike calm.

"You know, Rose,"basag katahimikan ni Elliot. "We're launching a new resort project. I think, it will be a game changer. I've just had a meeting with the investors. Siguro naman, magtatagumapay kami this time. Marami na rin kaming nasayang na pera sa papg-aakalang maging successful ang project. But I do believe in Ranier. He's a good businessman. Hindi ako malulugi sa pagkakataong 'to."

Ngumiti lang ito, tinatago yata ang nerbyos kahit halata naman sa mukha nito. "I-It sound ambitious. Pero nakasisigurado akong magiging successful po kayo this time. Ano po ang sinabi ng investor?"

Gumuhit ang hilaw na ngiti sa labi niya kahit nanatiling seryoso ang mga mata niya. "Gaya ng inaasahan, maingat sila. Gusto nila ang concept pero may kaunting concern lang sila sa location pati sa projected revenue. Sinisugurado ko sa kanila na tutulong ang market research sa project na 'to, kaso hesitant pa rin sila."

Tumango ito na napaisip pa. "Nakaka-challenge ang location pero sigurado akong may potensyal iyon. Kung ma-i-market natin iyon ng maayo, it could attract a nihe clientele looking for something unique."

Lumambot ang tingin niya, sumandal siya sa bangko matapos kunin ang wine glass. "That's exactly what I told them. It's not just about another luxury resot; it's about creating an experience. If we execute it well, it'll set us apart from the competition."

Kumislap ang mga mata nito. Matapos non ay pinatuloy nila ang mahabang usapan nang masulyapan ang oras sa wristwatch niya. Lumalalim na ang gabi. Mabuti pa ay pauuwiin niya na ito.

Stealing ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon