"What?"Naiiritang bulyaw ni Elliot Jon Mallary sa secretary niya. Kumunot ang noo niya. Tinitigan ng may pagkalito ang babae sa harap niya. "Magre-resign ka na? Kaka-hired ko lang sa'yo last week. I found you reliable and diligent. Sayang naman kung aalis ka. Kung alam mo lang kung gaano kahirap maghanap ng mga employee na mapagkatiwalaan."
Yumuko ito. "Sorry po talaga Sir. Sinabi kasi ng asawa ko na mag-stay na lang po sa bahay para maalagan ko ng mabuti mga anak namin. Maraming salamat po kahit short stay lang ako,"kalmado nitong paliwanag.
"Hay! Sayang,"sinapo niya ang noo. "Fine. I dismiss you. Thank you also for everything. I hope I can find another one like you."
Sumandal siya sa swivel chair. Nanghina siya sa desisyon ng secretary niya. Mawawalan naman siya ng isa pang trustworthy na manggagawa.
"Maraming salamat po ulit, Sir,"nakangiting sambit nito bago lumabas ng opisina niya.
Bumuga siya sa hangin. Sumikip ang dibdib sa tumatambak na frustration sa loob ng dibdib niya. Tumingala siya sa kisame at nagzo-zone out na naman.
Isa siyang bilyonaryong CEO, ang chairman ng Mallary Group. Mayaman siya. Maraming pera. Mabibili lahat ng gusto pero malaki ang responsabilidad niya. Akala ng lahat kapag nakahiga sa bed of roses ay walang mga tinik. Nagkakamali siya dahil araw-araw patong-patong ang mga problema at gawain. Halos hindi na siya makahinga at limitado ang oras para makipag-gimmick sa mga kaibigan. Umuuwi siyang pagod at diretsong matulog.
It's been 7 years since he became the CEO of this corporation. Sa edad na 27 marami na siyang nagawa para mailago ang negosyo.
Born to a wealthy family, Elliot is the eldest of three siblings. His father, a powerful businessman, has always had grand expectations for him, including an arranged marriage to Juliette to merge their families' wealth.
Kahit na tutul siya sa desisyon ng mga magulang, sinunod niya pa rin para sa ikakabuti ng kompanya.
Juliette Mortez, she is her childhood friend, and he never had a love interest with her. Alam niyang may gusto ito sa isa pa niyang kababata, si Magnus Eldrich. Simula high school hanggang ngayon hinahabol pa rin ito ni Juliette kahit isa na itong international fashion model. He felt sorry for her. And he is aware that she loathed him so much. For the sake of their families, both of them will suffer that loveless marriage.
Ngunit nag-iisip siya ng paraan para hindi matuloy ang kasal nila. Gagamitin niya si Magnus. Sisikapin niyang ma-inlove din ito kay Juliette.
Napangiti siya sa sarili sa naisipang ideya. Tinukod niya ang siko sa desk at kinuha ang cellphone. Nagsimulang mag-dial saka nilagay sa tenga.
"Raffy, magsimula ka ulit maghanap ng secretary,"utos niya sa HR manager.
"No need, Sir! Nalaman naming aalis si Gretchen kaya dali-dali kaming humanap ng pampalit sa kanya. At may na hired na kami. She will begin tomorrow,"masayang balita ni Raffy sa kabilang linya.
Sinundot ng galak ang puso niya. "Well done, Raff. I will surely increase your salary."
"Oh! Thank you, sir!"
Pagkatugon non ay pinatay niya ang cellphone. Tumayo. Kinuha ang black coat niya. At humakbang palabas ng opisina habang sinusuot yon.
He's getting late for his business meeting to the new client.
As he hurried through the rows of vehicles, Elliot fumbled with his keys, his mind racing with thoughts of the agenda he needed to discuss.
Finally spotting his car, a black sedan parked at the far end. He dashed towards it, weaving in and out of the other parked cars. He quickly unlocked it, tossed his bag into the passenger seat, and slid into the driver's seat with barely a moment to catch his breath.
BINABASA MO ANG
Stealing Elliot
RomanceOwning the Billionaire's Heart #1 COMPLETED ON GOOD NOVEL "Just steal my fiancé. Seduce him. Make him love you. And then... break his heart." Halos umigtad si Rosette Valentino sa sinabi ni Juliette Mortez sa kanya. Para sa pera at sa ko...