IV

17 8 1
                                    

"Is there something about your new secretary?" Umalingawngaw ang boses ni Magnus.

Kasalukuyang nasa mini-bar si Elliot sa bahay ng kaibigan. Tinamad kasi itong pumunta sa labas. Kaya siya na lang ang tumungo rito.

Umismid siya. Hindi niya ito napansin kasi bigla siyang nawala sa sarili sa kakaalala ng mukha ni Rosè.

"Nothing. Why?"sabi niya saka nilagok ang gin na hinanda ni Magnus.

Kumunot ang noo nito,"na-curious lang ako. Since na dumating ka dito palagi kang nakatulala. Bakit maganda ba ang secretary mo?" Biro pa nito.

Binigyan niya ito ng masamang tingin. "Wala akong interes sa kanya saka may fiancé na ako,"rason niya.

Ilang sandali silang nagahimik.

"Sa dami ng babae bakit si Juliette pa,"bulong nito.

"Did I upset you, Magnus? Kung ako lang ang masusunod hindi ko gagawin ang arranged marriage na 'to,"maingat niyang lahad.

"What are you talking, bro? Wala akong ni katiting na feelings kay Julie. Saka wala akong problema kung pakakasalan mo siya,"mabilis nitong paliwanag pero obvious sa mga mata nito ang sakit.

"Since elementary hayagan nang pinapahayag sayo ni Julie na ikaw ang gusto niya. Paano mo magawang tanggihan siya? Pagkaalala ko, nasa 49th confession na siya."

"Wala akong pakialam, bro! Kahit kailan hindi ako magkakagusto sa kanya!"sabi nito sa mataas na boses.

"Kilala kita, bro. You're really upset when my family announced our engagement,"lahad niya na kinaasim ng mukha nito.

"Elliot, ano pa ba ang gagawin ko para i-convince ka na wala talaga akong feelings sa babaeng yon,"naiinis na saad nito saka nilagok ang gin.

Bumagsak ang balikat niya. Sigurado siyang may feelings talaga ito. Hanggang kailan ba i dedeny ni Magnus? Inakala niya na magmo-move na ito matapos ang engagement nila ni Julie. Naawa siya sa dalawang 'to. Parehong papatayin ang mga feelings dahil sa kanya. Tila naging handlang tuloy siya sa dalawa.

Lumagok ulit siya ng gin.

Magsasalita sana si Magnus nang marinig ang ingay ng heels na palapit sa kanila.

"Speaking of the devil,"naiirita nitong salita sa mahinang boses.

Pumasok si Juliette na may hawak ng fancy box of chocolate. Casual ang suot nitong damit pero she looks effortlessly stunning. Lumiwanag ang mukha nito nang mamataan si Magnus.

"Well, well, what do we have here? Two handsome men enjoying some gin without me?"pilyang pahayag nito.

"Nagpapalipas oras lang,"nakangising saad niya.

Lumapit si Juliette kay Magnus para iabot ang hawak nitong kahon. Wala itong ibang choice kunin iyon.

"Thanks. Nag-abala ka pa,"sabi nito sa neutral na ekspresyon. Sinadya ni Juliette na hawakan ang kamay niito nang kinuha niya ang box. Ilang segundo natigilan ang dalawa. Halos mapatawa siya.

Nang mahimasmasan si Magnus agad nitong nilayo ang kamay kay Juliette. Matamis na ngiti ang gumuhit sa labi ng dalaga, yumukod pa ito palapit kay Magnus. "Gusto ko lang ipaalam kung gaano ka kaimportante sa akin,"sambit nito habang sinalubong ang mga titig ni Magnus na tila hinahanap ang reaksyon nito.

Ino-oserbahan niya lamang ang dalawa habang iniinom ang gin. Ito ang unang beses na tinanggap ni Magnus ang regalo ni Juliette kaya parang nababaliw ito sa kasiyahan.

"Oh, come on, Julie. You know Magnus has a heart made of stone. You might need more than chocolates to break through,"sabad niya.

Inangat ni Juliette ang tingin sa kanya. Ngumuso ito.

"You're just jealous because I'm trying to put a little sunshine in his life,"sumbat nito saka binalik ang tingin kay Magnus.

She likes flirting him, though he's oblivious with her feelings.

"Magnus, pwede mo ba akong samahan sa..."

"Julie, your engaged now. You should ask your fiancé not me,"saad nito sa hindi komportableng tono.

Kumunot ang noo ng dalaga. "Wala naman problema yon kay Elliot,"madrama itong bumuntong hininga.

"Walang problema sa akin. I'm rooting for you both,"tumango siya saka umakmang tumayo. "I think I need to go."

Napadilat ng mata si Magnus. Una itong tumayo sa kinauupuang stoll. Tumayo siya na inaayos ang kusot sa damit.

"Where are you going?"bulong nito nasa mukha ang pangamba. "Don't tell me, iiwan mo akong mag-isa kasama siya."

Nakaloloko siyang ngumisi rito.

"Luboslubusin mo na ang moments nyon dalawa. Nakalimutan kong may pupuntahan pala ako,"pagsisinungaling niya sa mahinang boses.

"Akala ko ba wala kang gawain ngayong sabado. Utang na loob, bro. Dalhin mo na rin ang fiancé mo,"pamamakaawa nito.

Tinapik niya ang likod ng balikat nito.
"Ikaw naman sadya ni Julie dito. Sige, alis na ko,"huling sabi niya bago tuluyang iniwan ang dalawa.

Dinadasal niya na sana ma-realize na ni Magnus ang totoong nararamdaman nito para kay Juliette.

Napagpasyahan niyang tumambay muna sa isang pub. Gagala lang siya saglit sa dati night club na tambayan nilang magkakaibigan. Actually, pito silang lalaki na magkaibigan, nagkakilala sila noong college at parehong business course. Silang lahat ay mga anak ng ceo at kasalukuyang may-ari din ng kanya-kanya nilang kompanya.

Gusto niyang kalimutan ang lahat ng problema niya pero pabalik-balik sa isip niya ang itsura ni Rosè.

Naiirita siyang umupo sa stoll matapos um-order ng tequila. Pilit niyang winaksi ang masamang iniisip sa sekretarya.

Iniinom niya ang alcohol nang may babae na tumabi sa kanya. Blanko ang mukhang tinignan niya ito. Sakto namang nakangiti sa kanya. Nais yata siyang akin. Lumaki ang inis niya. Nagsalita ang babae pero hindi niya pinakinggan. Tumatango-tango lang siya sa pagitan ng bawat lagok ng tequila.

Aakmang hawakan siya ng babae nang bigla siyang tumayo. Inagaw ang atensiyon ng babaeng dumaan sa kanila. May kasama itong babae at masaya silang nagkekwento sa gitna ng ingay ng club.

Natukoy niya ang pamilyar na mukha nito. Ito lang naman ang sekretarya niyang si Rosè. Sinundan niya ito ng tingin. Niyaya ata ito ng kaibigan na sumayaw. Masayang nagsasawayan ang dalawa nang may tatlong lalaki ang lumapit sa kanila. Na-alerto siya. Binigyan siya ng pagkakataong lumapit kay Rosè nang biglang hinablot ng isa sa mga lalaki ang braso ng dalaga. Pumiglas ito. Pilit makalayo pero sadyang malakas ang lalaki. Kaya kumilos siya at wala pa sa alas kwatrong hinawakan ang kamay ng lalaki. Sa sobrang inis niya halos mabali niya ang kamay nito matapos niyang ikutin yon.

Nanlalaking mga mata ang nakita niya sa ekspresyon ni Rosè. Magkahalong takot at gulat ang pusamkil sa mukha nito.

Stealing ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon