XXV

4 3 0
                                    

Nailagay ni Elliot ang isang kamay sa beywang samantala hawak ng isang kamay ang kanyang cellphone na nasa tainga niya. Pumwesto siya sa nakatagong angolo ng restaurant matapos iwan si Rose.

“Of course, I’ll send over the revised proposal right away,” aniya habang nakatingala sa kisame. “Thank you for your patience. We’re committed to making this work.”

Binalik niya agad sa bulsa matapos ang tawag. Umikot siya para bumalik sa table. Nakatuon ang kanyang tingin sa baba kaya hindi niya napansin na may papasalubong. Halos matumba sa lakas ng impact ng banggan nila. Hinawakan siya ni Sirius, ang kaibigan niya at may-ari ng restaurant.

"Watch out,dude,"dagli nito.

Inayos niya ang sarili. At seryosong tinignan si Sirius.

Nakangiti ito na halos mawala ang mga mata.“Elliot! It’s been a while. How’s business?” Sirius boomed, his deep voice cutting through the restaurant's ambient noise.

"Busy as always. Just managing the usual whirlwind,"siwalat niya sa nakaarkong kilay. "I didn't expect you to be here tonight."

"May kaunting abirya lang sa branch na to,"tugon nito na kinamot ang pisngi. "Kumusta na pala 'yong secretary mo?

Elliot waved a hand dismissively. “She’s fine. Just a little shaken, but she’s not letting it affect her work. There's no need to worry.”

Napabungisngis ito. "Glad to hear it. She's tough one, I bet."

"My employees are like me, you know?"mayabang niyang wika.

Umismid si Sirius. "Parang nagkaka-interest na ako kay Rose, I like brave women,"pabirong saad nito.

Saglit nilamon siya ng inis. "I warn you, never commit my employee. She's mine. Find yours!"

"Uh-ho! Nagbibiro lang! Saka ano'ng pa-mine mine diyan? Posissive ka pala sa mga employee mo,"sarkastikong saad ni Sirius.

Bumunga siya ng hangin. Na-fu-fustrate siya ng wala sa oras. Mabuti na layasan niya agad ito bago siya maubusan ng pasensiya.

"Think whatever you want. Mauuna na 'ko!" Mabilis niyang tinalikuran ito.

Papalapit siya sa table nila nang matanaw ang dalawang bulto ng babae. Malinaw na si Euphemia at Chiara Elizabeth ang kausap ni Rose. Hindi simpleng pag-uusap kundi puno ng pang-iinsulto at pagtatangka. Nakatayo si Rose, nalilito ang mukha habang hinaharap ang dalawa.

Binilisan niya ang hakbang para pigilan si Chiara nang itinaas nito ang water goblet subalit hindi niya naabutan. Tinapon nito ang tubig sa mukha ni Rose. Nanlaki ang mga mata habang basang-basa ang mukha.

His  heart pounded with anger. He stormed over to the table, his jaw clenched. “Chiara! What in the world do you think you’re doing?” His voice cut through the restaurant like a blade.

Hindi niya inanda kung matuun man sa kanila ang atensyon ng lahat.

Inangat ni Chiara ang ulo para isalubong sa kanya ang mala-inosente nitong mukha.“Just having a little fun.”

Naging bloke ng yelo ang kanyang mga titig. “Fun? You’ve crossed the line. Don’t ever let me see you do something like this again. If you show your face around me or my associates with such disrespect, I won’t hesitate to make sure you regret it.”

Pumwesto sa harap niya si Euphemia na may mukhang puppy. Balak pang makisawsaw. "Kuya, please, let’s not make a scene.”

Hindi mapigil ni Elliot ang pag-alala kay Rose kaya binaling niya ang atensiyon dito. Kasalukuyang pinapahirapan ni Rose ang mukha nito. "Okay ka lang ba,Rose?"tanong niya sa malambot na tono.

Stealing ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon