XIII

17 5 0
                                    

Bumagsak ang panga ni Rosette nang maabutan niya ang boss na dinudumog si Johannes. Lasing na lasing si Elliot, halos nakasandal na sa kaibigan nito na mukhang matutumba sa bigat. Tumatawa ito na tila sira ulo, winawagayway nito ang mga kamay habang sinusubukang yakapin si Johannes at tinangka pang hahalikan ito. Tinutulak ito ni Johannes pero hindi makawala sa kanyang mapanganib na kilos hanggang nagtagumpay itong halikan sa pisngi.


"Sir Elliot!"nanlalaking mga mata niyang tawag habang nagmamadaling lumapit sa mga 'to. Inawat niya agad ang boses kahit hindi siyan nito pinansin.

Pumiglas ito kaya nabitawan niya at halos mapaupo siya sa couch. Bumalik ito kay Johannes. Nagtangkang halikan ulit ito. Parang nalulunod sa kumunoy ang kaibigan nito, namumula ang mukha at pawisan, pilit iniiwasan ito. Hindi magawang tignan siya sa mata ng lalaking kausap niya kanina sa coffee shop sa sobrang embarassment nito.

Ito ang unang beses na nakakita siya ng lasing na humahalik sa kung sinong madiskitahan nito. Ang malamig niyang boses nanhahalik pala kapag lasing. Sekretong siyang tumawa. Malamang itong ang tinatagong kapintasan ng boss niya. Kapag malaman nito bukas ang ginawa ngayon, tiyak mamatay ito sa hiya.

"Sir, lasing na po kayo! Tama na po 'yan!"sinubukan niyang awatin muli ito. Hinila niya ng malakas ang braso nito kaya halos madikit ito sa kanya. "Tara na. Uwi na tayo!"

Mabibigat ang talukip nitong tinignan siya. Kumibot pa ang labi habang naguguluhan siyang tinuturo. "S-Sino ka?"tanong nito. Nasinghot niya ang amoy ng halik. Kahit mabaho mukha pa rin gwapo. 

"Ako ang sekretarya mo, si Rose Mendoza, naalala niyo?"pakilala niya na kinasimangot nito saka biglang tumawa.

Sira ulo pala ito kapag lasing. Sumasayaw ito habang hinihila niya paalis sa pwesto nila.  Tumingal muna siya kay Johannes. Tumango at nagpasalamat gamit ang mata. Binunat iyon ng tinik na tinungo ang bar counter. Samantala siya, mukhang maloloka sa inaasal ng amo niya. Naging isip bata ito at panay ang bungisngis habang kinakaladkad niya palabas ng exit. Pawisan at hinahapo siya habang pasan ito. 

"Where...are we going?"he mumbled, his legs wobbling beneath him.

"Ano pa? E di uuwi! Ihahatid ko na po kayo, Sir,"sagot niya habang nagtitimpi pa siya. 

Bigla itong huminto sa paglakad, tinignan siya ng deretso sa mata. "You're...you're my secretary?" Puno ng pagtataka ang boses nito na parang nadiskubre nito na may superpower siya.

Ngumiwi siya at sinubukang hilain ito. "Yes, Mr. Mallary. I'm your secretary. You've seen me every day for the past one and half month,"nauubusan niyang pasensiyang paliwanag.

He suddenly burst into laughter, throwing his head back like she'd just told the world's funniest joke. "My mysterious... very mysterious secretary! I like her! Teka- you're her!" He pointed at her dramatically, as though piecing together a conspiracy theory.

"Yeah, yeah, ako nga siya. Umuwi na tayo Sir, bago ka pa makahanap ng ibang hahalikan." Hinila niya ulit pero hindi ito kumilos.

He clutched her shoulder,leaning in with a goofy grin. "K-Kung hindi...kung hindi lang ako engaged kay Juliette, you know what I'd do?"

Bumuntong hininga siya. Inirapan niya na lang imbes na sumagot.

"I'd marry you instead. You! My mysterious secret-"

Hindi natapos ang pagsasalita nito nang biglang sumuka. Para siyang sasabog sa inis. Loko-loko, pakasalan daw siya? Wala sa katinuan kaya kung ano-ano na lang ang sinasabi. Naku! Kadiri pa ang ginawa nito sa kanya. Bwesit talaga ni Elliot!

Inikot niya ang mga mata. Hinatak niya ito papasok sa front seat nang umakma itong magsalita. Sumakay siya sa driver seat. Pina-andar niya ang engine nang kumapit ito sa braso niya. Inalis niya kaagad yon. Tumawang sumandal ito at panay ang bulong sa sarili.

Stealing ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon