Hindi pa na-absorb ni Rose ang mga naganap sa kanyang buhay noong nakaraan. Mula sa charity gala, kahapon, sa opisina ni Elliot at ngayon madadagan na naman. Pinatawag siya nito sa opisina para bigyan ng task. Bibili siya ng regalo para kay Juliette. Dahil susuyuin daw nito ang fiance.
Ouch! Biglang kumirot ang dibdib niya. Natatakot siya na baka may posibilidad na magkagusto si Elliot kay Juliette. Matapos ang kaguluhan saka naman manunuyo. Ano 'to? Bakit siya nang-a-assume na may gusto si Elliot sa kanya matapos ang magtangka nitong halikan siya. Ano'ng ibig sabihin nito? May gusto ba siya sa boss niya? Hindi pwede! Disguise lang ito. Hindi dapat totohanin.
Humayo siya at tinungo ang mall. Habang naglalakad siya sa matao at makulay na mall, saglit ay bumayo ang dibdib niya. Tila binabalaan siya na may masamang mangyayari. Iniisip niya si Elliot pati ang meeting nito kay Ranier bukas. Tutungo na naman ito sa office niya. What if, um-absent kaya siya bukas?
Binilisan niya ang pagbili ng ilang mamahaling bag at jewelry. Umikot-ikot muna siya para tumingin para sa kanya. Minsan lang siya maparito kaya lubus-lubusin na lamang.
Nang lumiko siya sa isang sulok ay bigla siyang binuhusan ng malamig na tubig nang makita ang bulto ng kababatang kapatid. Si Rosario Valentino. Nakatingin sa mga naka-display na sapatos. Napapadalas 'ata sa Mall. Shet! Kailangan niyang tumago. Hindi siya pwedeng mahuli nito.
Lilihis na sana siya nang umikot ito sa kinaroronan niyan. Pareho silang nanlaki ang mga mata. Pumitik ang isang segundo'y matulin pa sa kidlat siyang tumalikod at tumakbo palayo rito.
"Ate! Teka!"sigaw ni Rosario.
Sucks! Napasin nga siya. Hindi siya nakinig at patuloy na tumakbo. Isa lang ang nasa isip niya ang tumakas. Ramdam niya ang presensiya nito. Malakas ang tunog ng mga yapak habang masigla siyang hinuhuli.
Naalala niya. Palagi 'tong nananalo sa mga fun run marathon. Mas athelic ang kapatid niya kumpara sa kanya. Mahilig ito mag-jogging at mag-hacking. Bagama't wala siyang pag-asang matakasan ito. Gagawin niya ang lahat ng makakaya niya. So, plan b. Sasabihin niya ang rason kaya nandito siya pero hindi lahat.
Tumakbo siya sa gitna ng mga mamimili, hindi inanda ang reaksyon ng mga 'to at umaasang mawala siya sa paningin ng kanyang kapatid.
"Ate, Stop running! What's going on?" Angal pa nito. Napatiim bangang siya. Ang tigas talaga ng ulo. He really wants to win over her.
Sa huli, sa nakaka-desperadong pagkakataon, narating niya ang parking lot. Putik sa parking lot pa talaga. Lalong huli siya. Ano'ng magagawa niya dito siya dinala ng mga paa niya. Sa palagay niya ay mawawalan na siya ng hangin sa walang tigil na pagtakbo. Pawisin din ang noo pati ang buong katawan. Putik! 'Pag tinadhana naman oh. May galit ba si Lord sa pagiging fake niya kaya pinaparusahan siya ng ganito.
Ang dilim ng underground parking lot. Okay lang, makakahanap siya ng paraan para makatago. Next time hindi na talaga siya pupunta ng mall kahit pipilit pa siya ni Elliot. Abala siya sa iniisip n nang maramadaman ang kamay na kumapa sa braso niya. Kinabit siya nito at mahigpit siyang hinawakan. Halos mabitawan pa ang dalang paper bags.
"Huli ka!"sigaw ni Rosario. Pumagting sa tainga niya ang husky voice nito. Nanlamig siya imbes na mang-init ang katawan dahil sa pawis. Habol ang hininga niyang bumaling kay Rosario. Pumaskil sa mukha nito ang pagkabahala't kalituan.
"What the heck are you doing here? 'Kala ko ba nasa Bukidnon ka?"naguguluhan nitong tanong pero hindi nito binitawan ang kamay sa braso niya.
Humugot siya ng malalim na hininga. Hindi pinahalata ang panic sa mukha. "I-I'm not supposed to be here,"aniya. "Nagsinungaling ako sa inyo. Ang totoo niyan nandito ako sa Manila, nagtatrabaho."
BINABASA MO ANG
Stealing Elliot
RomanceOwning the Billionaire's Heart #1 COMPLETED ON GOOD NOVEL "Just steal my fiancé. Seduce him. Make him love you. And then... break his heart." Halos umigtad si Rosette Valentino sa sinabi ni Juliette Mortez sa kanya. Para sa pera at sa ko...