XXVIII

7 3 0
                                    

"You're late,"narinig ni Rose na sabi ni Elliot nang natataranta siyang huminto sa harap nito habang humihingal. Nakatayo ito malapit sa glass door ng condo nito. Nakapamulsa at nakasulat ang pagiging impatience sa mukha. His sunglasses were perched on top of his head, which, judging by his grimace, might have been a tactical decision to stop him from hurling them across the room in frustration.

"Pasensiya na po. Natulog ako ng late kagabi at nilagay ko ang alarm ko pero tinaidor niya ko. Hindi siya tumunog sa tamang oras—"

"We’re not playing tennis anymore," he interrupted, tapping his foot. "We're leaving now."

Naliit siya sa hiya kay Elliot. Hindi niya inaasahan na ma-meet niya ito kahapon at makasamang maglaro ng paborito niyang sports. Na-miss niya kasi bigla maglaro kay pinilit niya si Tia na samahan siya. Tapos hindi niya rin alam na si Cassio ang kasama ni Elliot. Iyon pang may hinala sa identity niya ang sinama. Mabuti hindi siya nakilala nito.

Humayo na sila. At nagpatiunang lumakad si Elliot. Hila-hila nito ang luggage. Kukunin niya sana kaso nagalit ito. Kaya sariling trolley niya ang dala. Tumungo sila sa parking lot. Hinihingal naman siya sa kakahabol dito dahil mabilis itong maglakad.

Binuksan ni Elliot ang compartment. Pinwesto ang mga bagahe nila. Mayamaya ay sumakay na sila sa makidtab at bagong bili nitong Lamborghini. Prente siyang umupo sa front seat hababg tinatago ang hiya sa pagiging late. Dahil sa kanya, makakarating sila ng alas kwatro sa Bagiuo. Hindi siya umimik nang pinapatakbo na ni Elliot ang sasakyan.

Habang inaayos nito ang rearview mirror, binuhay nito ang radio. Pumintig ang puso niya at lumiwanag ba parang Christmas light ang mukha nang marinig ang kanta na My You ni Jungkook.

"No way! Kanta ko to!” she gasped, bouncing in her seat like a hyperactive puppy.

Umarko ang kilay nito, pero kumibot ang labi nito para ngumiti.  “Your song? Jungkook didn’t exactly dedicate it to you personally.”

"Lahat ng kanta niya ay naka-dedicate sa aming mga fans niya. Come on, sing with me,"aniya sa malapad na ngiti habang niyaya ito.

He glanced over at her, clearly amused. “I don’t sing.”

"Sige na,Sir!"pamimilit niya.

Tinignan siya nito ng masama. Nakalimutan niya na tawagin niyang Elliot ito, walang sir kapag dalawa lang sila. Ngumiti lang siya. "Sige na,Elliot!"

Umiling ito. At na-a-amused sa kabaliwan na ginagawa niya. Nawawalan kasi siya ng kontrol kapag marinig niya ang mga paboritong kanta.

"Sige na, Elliot. Kahit na isang bilyonaryong ay kayang ibaba ang sarili para sa karaoke session sa kanyang sasakyan. Alam kong may boses ka, kailangan lang natin hanapin,"biro niya.

Sumalapok lang ang kilay nito pero pumayag din sa huli. Sumabay sila sa chorus, tamatawa ito nang makaramdam ng hiya pero kinikilig siya sa ganda ng boses nito. Pumikit siya at sinabayan ito.

Kahit na hindi mag-sync ang kanilang boses kasi puro kain lang ang ginagawa ni Elliot sa mga salita. Walang problema sa kanya. Nasi-sexy-han siya sa boses nito.

All these lights are colored in by you
All these times are precious due to you
Four seasons have passed with you
Four scents were left 'cause of you

Ilang saglit,binuksan niya ang isang mata para sulyapan ang side view ng mukha nito. Hindi maalis ang ngiti nito sa mukha. Pinatuloy nila ang pagkanta.

All the reasons why I can laugh out
All the reasons why I sing this song
Thankful to be by your side now
I'll try to shine brighter than now

Iyong iba korean na kaya hindi na sila nakasabay. Dinilat niya ang mga mata. Ninakawan niya ng tingin ito habang nasa daan ang mga mata. His sharp features were softened by a rare moment of relaxation, his lips slightly curved as he sang—or, well, attempted to.

Sumabay ulit sila sa chorus.

Nakaramdam siya ng kakaiba. The more she looked at him, the more her heart seemed to do funny little flips. Na tila ba may pinapahiwatig sa kanya.

Tumigil ka na,sinaway niya ang sarili. Boss mo siya. Siya ang gwapong mong boss. Siya ang dapat ang i-seduce mo. Hindi ka dapat magpapadala. Gumising ka Rosette. Don't swoon yourself! Focus!

Matigas niyang kinalog ang ulo. Bumalik siya sa pagkanta at sa pagkakataong ito ay lalong lumakas ang boses niya. Mas malakas pa sa music. Para mawala sa utak ang maruruming iniisip. Matapos ang kanta, nilinis niya ang lalamunan at excited magkwento tungkol sa musika.

"Alam mo ba hindi lang si Jungkook ang sikat sa Kpop industry,"pasimula niya. Yumukod pa na tila makikinig sa kanya si Elliot. "Alam mo ba ang grupong Enhypen. They’re, like, the kings of synchronization. I swear, they move as if they’re one single person. Ginaya ko panga sila kaso halos mabali ko ang paa ko."

Suminghap si Elliot, sinulyapan siya nito sa gilid ng mga mata. "You? Dancing?”

“Hey, I’m a multi-talented woman!” she retorted, pinapakita na na offend siya pero mukhang miserable. "May ritmo ako, balang araw ipapakita ko sa'yo na marunong ako sumayaw ng hiphop. Gusto mo bang turuan pa kita?"

"Absolutely not."

Binagsaka niya ang mga balikat. "Ay,sayang naman. You’re missing out on being the life of the party. Saka wait, gusto mo bang magbugtong ako?"

Hindi niya hinintay na sumagot ito. "Dalawang batong itim, malayo ang nararating."

"E di mata."

Bumagsak ang mukha niya. "Dapat mag-isip ka muna ang matagal. Ang dali-dali naman non!" Nagda-drama niyang reklamo, pero hindi rin ng tagal ay napangisi siya. "Isa pa nga. Ito mas mahirap. Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin."

"Walis,"pasimple nitong tugon.

Eksasperada siyang umungol. Ginulo ang buhok saka pumalatak. "Paano mo nalaman lahat 'yon?"

“I’m a billionaire, Rose. We know everything,” wika nito, sa blankong ekspresyon pero may kumislap na kapilyohan sa mga mata. “O baka ang dali ng mga bugtong mo. Kahit bata masasagot yon."

"Next time maghahanap ako ng bugtong na mahihirap. Tignan natin kong masasagot mo,"aniya sabay halukipkip.

Bumuga ng hangin si Elliot. At hindi na umimik. Habang pinapatuloy nila ang byahe ay wala siyang sawa sa pagkukwento ng mga iba-ibang storya na puro fairytales.

"Rose,"tawag nito. "Pwede horror stories naman?"

Nanlaki ang kanyang mga mata. Ang salitang ayaw niyang marinig dahil hate niya ang mga storyang katakutan. Tinukom niya ang bibig. Binaling ang sarili sa view ng palagid.

Napansin iyon ni Elliot kaya tumanong ulit ito. "Bakit tumahimik ka? Wala kang alam na horror stories? Alright, I will be the one to—"

"Elliot, parang awa mo na. Pwedeng ibang kwento na lang. Hindi ko mati-take ang horror baka atakehin pa ako sa puso,"sinserong tapat niya na may nagniningning na mga mata.

Bumungisngis ito. "Kaya pala puro fairy tale ang alam mo. One day, I'll buy you some princess's gown. I'm sure you will like it."

"Why not? Susuotin ko ba sa next na company gala?"

Halos mabulunan ito sa ininom na tubig. Inabutan niya ito ng tissue. "Magmukha kang katawa-tawa niyan. Pero okay lang, bagay naman sa'yo."

"Ang corny niyo po mag-joke. Pero kahit anong iregalo niyo sa akin ay tatanggapin ko. And thank you in advance,"

Pinakawalan nitto ang hindi maitagong tawa. Naa-amused talaga ito sa kanya. Naging memorable event niya ang araw na ito at ayaw niyang lumipas ito.

Ilang sandali ay bigla siyang ginutom. Narinig nito ang matakas na pagreklamo ng tyan niya kaya dumaan sila sa drive thru para um-order ng ilang pagkain. Kumain muna sila ng tanghalian bago pinatuloy ang byahe.

Nalaman niyang nakapatong ang ulo niya sa balikat nito. Hindi niya namalayan na nakaidlip siya. Sa ganitong sitwasyon hindi niya dapat iwan mag-isa ito. Inaayos niya ang sarili at nagsimula magsalita ulit. Nag-imbento kung anu-anong kwento para mapaniti ang pagiging gising nito hanggang makarating sila sa kanilang destinasyon.

Stealing ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon