"Come on,"sabi ni Elliot sa mahin pero mapanuksong boses. "I need a favor from you today."
Kinaladkad niya patungo sa department store ang sekretarya niyang si Rose. Nagkataong ginulo siya nito sa pagbabasa ng newspaper. Kahit na may pagdududa siya. Hinayaan niya ang sarili na huwag nang mahimasok sa buhay nito. Ang mahalaga ang pagiging professional nito.
Mahigpit niyang hinahawakan ang kamay nito. Kumislot ang dalaga kaya nabalik siya sa hwesyo. Nilingon niya ito. Nakapaskil sa mukha nito ang pagkalito.
"This is your favor to me,"aniya na pinipigilan ang ngiti nang huminto sila sa harap ng kanilang destinasyon. Saka nilibot ang paningin sa naka-display na mga damit.
Namilog ang mga mata nito."po?"tanong nito.
Binitawan niya ang kamay nito. "I need you to help me pick out a suit for the company gala,"kaswal niyang paliwanag, sinalubong niyang maitim niyang mga mata sa mga mata nito.
Tumango kaagad ito. Tinutop pa ang dibdib. Nahahalata niyang kinaabahan ito bagama't pinanatiling professional ang tindig. Pumasok sila sa department store at nag-umpisang pumili ang dalaga. Makalipas ang ilang sandali, matapos itong mamili ng may pag-iingat ay nagustuhan nito ang makintab na black suit, pinakita agad sa kanya at inaakala yata na perfect yon para kanya. Sumimangot siya. Kumibit balikat sabay iling.
"No, that's too easy,"bulong niya, mapaglarong kumikislap ang kanyang mga mata.
Pumili ulit ito. Sinundan niya lamang kung saan ito makarating.
She scanned the racks, her fingers grazing the fine fabrics before she finally pulled out a sleek, charcoal-grey suit.
"Ano po'ng masasabi niyo rito?"tanong niya habang pinapakita ito.
Ginalaw niya ang ulo, nagkunwari siya na pipiliin yon, pero umiling pa rin siya sa huli. "Not bad,"amin niya. "Pero...naisip ko mabuti pang pumili ka rin ng sa'yo. I want to see you in a dress."
Kumurap si Rose, napanganga ito sa gulat. "A-Ako? Pero secretary niyo-"
"Oo nga,"putol niya habang malapad na nakangisi. "My secretary who needs to look perfect for the gala too. Wait, let me pick something out for you."
Bago man ito makawelga sa kanya ay agaran niyang hinalukay ang mga eleganteng gowns. Matapos ang ilang sandali ay inabot niya rito ang deep red drees, isang satin fabric na kumikinang sa gagawan ng liwanag ng store.
"Subukan mo ito,"pamimilit niya, bigla sumeryoso ang boses. "I want to see how it looks on you."
Nag-alinlangan si Rose ng ilang sandali. Kinagat pa ang labi nang sinulyapan siya. Tinignan niya ito ng matagal. Kinukumbinsi. Wala itong nagawa. Tila talunan na kinuha sa kamay niya ang dress and mabilis na pumunta sa fitting room. Ngumingisi siyang umupo sa couch.
Napauwang ang bibig niya nang lumabas ito sa fitting room. Ilang beses pa siyang napakurap habang pinag-aaralan ang itsura nito. Perpekto ang kulay pula sa balat nito at eksakto sa balingkintan nitong katawan. Parang maglalaway siya sa lula.
Tumayo siya. Ilang segundo s'yang naumid, malambot lamang siyang nakangiti. "That's the one,"pakli n'ya sa halos pabulong na boses. "You look...stunning, Rose."
Gumuhit ang ngiti sa labi ng dalaga kasabay ng pamumula ng mga pisngi nito. Hindi niya naman maalis-alis ang mga titig dito.
Alas dos ng hapon na sila natapos mamili. Kagaran siyang umuwi dahil may pupuntahan pa siya. Habang papalabas siya ng parking lot na pansin niyang makulimlim ang panahon. May iilang pumapatak na butil ng tubig ng ulan. Wala siya sa sariling hinahawakan ang steering wheel, lumilipad naman ang isipan niya sa nakaraang eksena. Hindi niya makalimutan ang magandang mukha at hubog ng katawan ni Rose. Bumagay iyon sa damit na pinili niya para sa darating na charity gala. Iniwan niya ito, nagpupumilit kasi na sumakay sa taxi nang inalok niya ito ng libreng sakay.
Bumuntong hininga siya at binalik ang sarili sa pagmamaneho. Narating niya ang magulong kalsada. Kanya-kanyang abala ang mga tao. Unti-unti ring lumalakas ang patak ng ulan na tumutulo sa windshield niya. Lumilinga-linga siya, eksaktong nakita niya si Rose. Nasa gilid ng labas ng mall, niyayakap ang paper bag. Paroon at parito ang tingin na may halong pag-alala habang naghihintay ng taxi. Pumalatak siya. Bigla siyang sinundot ng kosensiya.
"Rose?"he murmured to himsel, slowing the car as a pang of worry clenched at his chest. He couldn't just leave her like that. Not in this weather.
Huminto siya sa harap nito at binaba ang bintana ng sasakyan. "Rose,"tawag niya, sinusubukang agawin ang atensyon nito sa naglalakasang patak ng ulan."Do you need a ride?"
Bumaling ito sa kaya, nakasalpok ang kilay sa sorpresa. Kumislap ang alinlangan sa kanyang mga mata, hinigpitan lalo ang pagyakap sa bag. "Okay lang po ako,Sir,"tugon nito. "Maghihintay na lang po ako ng taxi."
He pressed his lips into a thin line. Bakit ang tigas ng ulo?
Muhkha biglang nagalit ang langit sa kanila. Lumakas ang buhos ng ulan. Bumabaha na ang tubig sa mga paa nito, napansin niya ang takot sa mata nito nang tumingala ito sa langit.
Siguradong mababasa ka,"rason niya sa mahina pero matigas na tono. "Please, pumasok ka na kung ayaw mong magkalagnat."
Kinagat nito ang labi. Nag-aalinlangan pa rin. Nababasa na ng ulan ang mukha nito. Hindi ito komportableng humakbang, na realize siguro na tama siya pero parang may pumipigil pa rin. Pinagmasdan niya ito. Hinihintay ang pagkakataong susuko ito.
Lumakas lalo ang ulan na may halong hangin. Lumiwanag ang mukha niya nang humigot ito ng hininga. Saka tumakbo at mabilis na binuksan ang passenger seat. Inabot niya kaagad ang kanyang towel na iniwan niya sa back seat.
"Salamat,"usal nito sa boses na halos pabulong.
Pinaandar niya ang sasakyan. Tahimik silang bumabyahe habang pinapakinggan ang tumutulong ulan sa bubong ng sasakyan. Ilang sandali, sunulyapan niya ito sa gilid ng kanyang mga mata. Lumambot ang puso niya sa magandang tanawin na ito. For him, she looked so small, so vulnerable.
Hindi yata siya maka-concentrate ngayon. Kumakabog ang puso niya na wala sa oras. May kakaiba siyang nararamdaman habang kasama ito.
"You really didn't have to wait for a taxi,"maginoo niyang binasag ang katahimikan. "I"m always her, you know."
Bahagya nitong inikot ang ulo sa kanya. Bumuka ang bibig nito na tila gustong tumugon pero walang lumalabas na salita. Bumaling ito sa bintana. Napipilitang pagmasdan ang tanawin sa labas.
"Ayoko po sana kayong abalahin,"anito sa pagak na boses, hindi niya narinig masyado dahil sa ingay ng ulan.
His grip tightened on the steering wheel. He slowed the car at a red light and turned his head fully toward her, his gaze soft yet intense. "You could never bother me. Don't worry."
Niyakap nito ang hawak na paper bag na may lamang dress nito. Tumaas ang kilay niya nang malaman na hindi nito binitawan. Masyadong nagustuhan siguro nito kaya ayaw nang pakawalan. Ngumiti siya sa loob-looban niya. Hindi niya ma-explain ang kasiyahan na nasa puso niya ngayon. Pawang sekretarya niya lamang si Rose. Ni hindi niya pa ito buong kilala. At halos magdadalawang buwan pa lamang itong nagtatrabaho sa kanya. Subalit parang naging espesyal ito sa kanya. Ginayuma ba siya nito? Hindi niya matagal-tagal sa isipan ang mukha nito. Ito ang magandang babae para sa kanya ngayon.
"Salamat po ulit, Sir. Sa damit at sa libreng sakay. Promise, hindi ko na po kayo guguluhin next time,"pahayag nito habang iniikot ang ilang strand ng buhok.
Bigla niyang nagustuhan ang kakaibang mannerism nito. Tinapik niya ang hintuturo na nasa manubela. "You're my employee,Rose. Kapakanan ko na alagaan kayo. Saan ka ba umuuwi?"
"Ah sa New Manila po,"dagli nito.
Matapos non ay pareho silang natahimik.
BINABASA MO ANG
Stealing Elliot
RomanceOwning the Billionaire's Heart #1 COMPLETED ON GOOD NOVEL "Just steal my fiancé. Seduce him. Make him love you. And then... break his heart." Halos umigtad si Rosette Valentino sa sinabi ni Juliette Mortez sa kanya. Para sa pera at sa ko...