VII

16 7 1
                                    

"Anak, kumusta ka na diyan? Hindi ba umuulan dyan? Kumusta mga pinsan mo?"sabi ni Gabriele sa kabilang linya ng cellphone.

Hindi inaasahan ni Rosette na tatawag ang ama niya. Nasa opisina pa siya. Mag-a-alas siete na at hindi pa rin tapos sa pagme-meeting ang boss niya.

Yumukod siya. Hawak-hawak niya ang cellphone gamit ang dalawang kamay. Nakasalpok ang kilay at ninerboyos na binalik-balik ang tingin sa pinto ng opisina ng boss.

"Pa, okay naman po ako. At mas okay pa sila sa akin. Inikot na po namin ang buong bukidnon. Sa ngayon, ako ang nagaalaga ng mga kabayo sa rancho,"aniya, halos matawa pa sa pagsisinungaling.

"It's good to hear anak. Kung hindi lang sana ako busy. Pupunta rin ako diyan,"wika nito sa masayang boses. Ini-imagine niya ang maliwanag nitong mukha at ang pagsingkit ng mga mata nito tuwing nakangiti.

Bigla siyang nag-alala. Hindi pwedeng malaman ng ama niya ang totoo. Ayaw niyang mabuliyaso at ma-bankcrupt ang business nila. Si Juliette Mortez, anak ng mayaman na pamilya mortez na nagmamay-ari ng bus and airline company ay sekretong nag-invest sa kompanya nila. E kapag mahuli siya, babawiin nito lahat ng investment at malulugi sila. Saka masasaktan din ang ama niya kapag malaman nitong con-artist siya.

"Pa, next year babalik tayong magkasama rito. Isipin mo muna ang kompanya. Saka dalawang buwan nalang uuwi na ako,"bulong niya na kasing hina ng boses ng ibon.

"Anak, hindi mo ba kukumustahin si Ranier?"tanong nito na kinataas niya ng kilay.

"Ah, siguro okay naman siya. Alam kong healthy siya palagi,"tinatamad niyang rason.

"Sana magpakasal na agad kayo ni Ranier para bigyan niyo na ako ng apo,"sabi nito na parang nagtatampo.

Sinundot siya ng inis ang puso niya. "Apo? Papa naman! Kailangan ko munang makipag-close kay Ranier para mangyari yon!"napataas niya ang boses.

"Mabait naman si Ranier. Magkakasundo agad kayo,"tumatawang saad nito.

"Darating din kami dyan Pa. Wag kang mag-alala magkaka-apo ka as soon as possible,"napapikit siyang sinagot yon. Bigla siyang kinabahan.

"Apo?"sabi ng pamilyar na boses.

Inangat niya ang tingin at napanganga.  Ang gwapong mukha na parang statwa na perpektong hinulma ng boss niya ang bumungad sa kanya. Kumikislap ang kuriosidad sa mga mata nito.

Mabilis siyang yumuko at nagpaalam sa ama niya at binalik ang tingin kay Elliot.

Hindi niya napansin na lumabas na pala ito.

Nakatayo ito sa harap ng desk niya. Nakahalukipkip na. Biglang na inip sa matagal niyang sagot sa tanong nito.

"H-Hi sir,"nahihiya niyang bati. "Pinaguusapan po namin ng Papa ko tungkol sa bunsong kapatid na kailangan niya nang mag-asawa para magkaapo agad."

Tumango-tango lang ito. Sana naniwala sa white lies niya.

Tumayo siya habang nagtatarantang niligpit ang mga papel.

"Bro, thank you so much for the swift action on the project.Makakahinga na ako ng maluwag at makapaggimick na,"sumulpot si Johannes sa likod nito. Halos mawala ang singkit na mata nito habang nakangiti.

Tinapunan siya ng masamang tingin ni Elliot. "I remind you. Don't overlook our theme park on Cebu. Dadalawin mo paminsan-minsan. Malay mo nandoon ang forever mo,"biro nito. Inakala niyang galit ito.

Napaubo si Johannes kahit wala namang ubo.  "Mauna na nga ko, Bro. Nagsisimula ka namang mangtudyo sa akin purket may fiance ka na,"sabi nito.

Hindi maalis ang tawa ni Johannes hanggang sa lumabas sa opisina na may habilin kaway pa sa kanya. Kinaasiman yon ng mukha ng boss niya.

Stealing ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon