XV

14 4 0
                                    

"How to solve your master's problem," malakas na basa ni Rosette nang ma-curious sa titlo ng libro na dinanan niya. Nasa mall siya ngayon. Tutal day-off niya. Gagala muna siya sandali at magpalamig.

  Namiss niya ang pagmo-mold ng mga paso. Kapag wala siyang trabaho ay tutungo siya sa likod ng bahay nila para humulma ng ilang paso. Kapag matapos na itong misyon. Gagawin niya muli 'yon.

  Binuklat niya ang libro matapos basahin ang teaser. Binasa niya ang ilang lines. Tumaas ang kilay niya na nagkataong rated-18 yong eksena. Mabilis niyang sinara ang libro at binalik sa bookselves.

  Masyado siyang inosente sa mga ganoon bagay. Kahit na 25 years old na siya, never pa siyang nagka-boyfriend. Saka ang ganoon bagay ay ginagawa lang matapos ng kasal. Maka-tradisyonal pa kasi siya hindi gaya ng mga kabataan ngayon mahilig sa adventures.

  Tinungo niya ang jewellery shop. Na-miss niyang bumili ng bagong alahas. Kung hindi lang nalulugi ang kompanya ng tatay niya, malamang buwanan siyang bibili para pandagdag sa kanyang koleksyon. Alahas, ang nag-iisang luho ni Rosette Valentino.

  Masaya siyang tinitignan ang mga kumikinang na gemstone at perlas. Sayang, wala siyang pera pambili ngayon. Sana meron siyang boyfriend na gagastahin lang ang pera para sa alahas niya.

  Abala siya sa pag-delulu nang biglang tumunog ang cellphone niya. Nabulabog lahat ng tao sa shop. Ang lakas kasi ng ringtone. Pinalitan niya ng rap ni Suga. Sinagot niya ang tawag habang tumatakbo palabas.

  "Rosario?"aniya nang malaman na ang kapatid pala 'yon. "Ba't napatawag ka?"

  Hindi ito mahilig magtawag. Palaging text message lang ang pinapadala sa kanya. Siguro tinamad magsulat.

  "Wala lang Ate. Gusto lang kita batiin. Kumusta na d'yan sa Bukidnoon? Nagkita ba kayo ng mga old friends natin?"tugon nito na kinaangat niya ng kilay.

  Anong kasinungalingan ba ang sasabihin niya?

  "Maayos naman ako rito saka minsan dumadalaw sila sa bahay. Regards nga pala sabi ng crush mo noon,"aniya. Na-guilty sa sinasabi.

  Sumigla ang boses nito. "Talaga? Naalala pa ako ni Thea. Sabihin mong rebound."

  Sumalpok ang kilay niya. Luminga-linga muna soya bago sumagot. "Wow, ha! Para kayong mga high school. Sige, sige. Sasabihin ko agad. Halatang na-miss mo si Thea ha,"biro pa niya.

  Tumawa ito. Pero naging seryoso ulit ang tono. "Kailan ka ba uuwi, Ate? Kailangan na kita sa coffeeshop ko."

  Hindi na maipinta ang mukha niya. Ang hirap magsinungaling. Kung hindi lang sana pera. Inikot niya ng isang daliri ang ilang strand ng buhok. Nagugulumihan.

  "Malapit na. Don't worry, pagkabalik ko. Tutulungan agad kita,"kaswal niyang tugon.

  "So, ang kasal niyo? Balita ko magpapakasal na kayo ni Kuya Ranier sa pagbalik mo,"usisa nito.

  Lalong lumukot ang kanyang mukha. Naglakad siya patungo sa grocery store. Hindi siya mapakali. "Oh! Ewan kung ako lang, gusto ko next year..."

  Huminto siya nang matanaw ang isang pamilyar na mukha. Nakatayo sa cashier counter, binabayaran lahat ng binili na grocery. Nasa tenga ang cellphone at abala sa pagsasalita sa cashier.

  She blinked her eyes. Twice. Thrice. It's him. He's brother. What's he's doing here? No, she forgot. Nasa Manila kaya siya.

  Mabalis siyang tumakbo. Tumago sa loob ng fastfood chain. Sinulyapan ito, ayon papaalis na si Rosario.

  "Ate? Are you still there?" Nakita niyang huminto ito. Nilibot ang paningin sa paligin habang bitbit ang isang bag ng grocery. 3 months niyang hindi nakita ang kapatid pero laki ng pinagbago ng pisikal na anyo. Tumaas pa ng kaunti. Halatang pumupunta sa gym para magpa-muscle. Nakabakat ang muscle ng bicep nito sa suot na blue t-shirt.

  "Ah! Oo. Text mo na lang ako, kailangan kong umalis eh. Gagala kami ni Tita Jane kasama mga pinsan natin,"pagdadahilan niya.

  "Ganoon. Sige enjoy dyan, Ate. Regards mo na lang ako sa kanila. Kung hindi lang sana ako busy sasama rin sana ako sa'yo."anito na nakaharap sa fast food na kinaroroonan niya ngayon.

  Kung papasok ito. Lagot! Mahuhuli siya.

  "Sure! 'Ge bye!"pinindot niya agad ang red telephone icon.

  Nakita niyang papasok si Rosario. Wala pa sa alas kwatro siyang tumakbo at sumiksik sa lalaking estrangherong nagbabasa ng dyaryo. Wala siyang modong inagaw iyon at tinakip sa mukha niya. Hindi naka-react ang lalaki. Natunganga ito sa pagiging bastos niya. Kinakabahan siyang sinilip ang kapatid na kasalukuyang um-o-order ng pagkain. Ilang sandali rin siyang nanatili hanggang sa makita niyang bitbit na nito ang tinake out na pagkain. Nakahinga siya ng maluwag nang lumabas na ito.

  Ibabalik niya sana ang dyaryo sa lalaki nang matigilan siya. Nalaglag ang panga niya nang makita ang nakadekwatro sabay kibit balikat niyang boss habang tinititigan siya ng malamig.

  Nakalimutan niya na mahilig tumambay ang kuripot niyang boss sa ganitong lugar. Nagkataon na ito ang nabiktima niya. Paano ba ya? Ito lang naman ang may newspaper.

  Ngumiti siya at marespeto itong binati. "Good morning, Sir."

  "Miss Mendoza," tugon nito na may iritasyon sa tono. "What exactly are you doing... on your day off?"

Nakalimutan niya yata huminga. Mabilis niyang tinupi ang diyaryo at pinatong sa lamesa. Sigurado siyang namumula ang pisngi niya kahit na morena siya. "Hindi po... hindi po ako magtatago,"pakli niya. "I'm just reading."

Umarko ang ang kilay nito, kumibot ang gilid ng labi na tila nilalabanan ang pagngisi o malamang ang sumimangot. "Behind my newspaper? In the fast food?"

Mariin siyang napalunok. Tila magiging bato na sa sobrang kaba. "It's... just a coincidence, really," she mumbled, casting a nervous glance around.

Sumingkit ang mga mata nito habang pinag-aaralan ang ekspresyon niya. Nakaramdam yata ng pagdududa. "Coincedence lang ba talaga o may bigay kang tinatago sa 'kin?"

"Wala po,Sir. Nagkataon lang na gusto kong basahin ang newspaper niyo. May nakita kasi akong picture na nagpaintriga sa akin,"mabilis niyang depensa na may halong pagsisinungaling.

Hindi ito naniwala. "Para kang may tinatakbuhan? May inutangan ka ba kaya hinahabol ka nila? Kung gusto mo pautangin kita, ah, no, ikakaltas na lang natin sa sweldo mo,"napaisip nitong wika.

Tumaas ang kilay niya. Malas naging amo niya ang kuripot na ito. Inangat niya ang dalawang kamay at winagay-way sa harap nito.

"Wala po akong inuntangan. Salamat sa offer. Sorry po sa abala, Sir. Alis na po ako,"palusot niya at umakma siyang tumayo.

Pinigilan nito ang kamay niya. "Akala mo ba pakakawalan kita? Pagbayaran mo muna ang pag-abala mo sa akin."

Her heart skip a beat. Nahilo siya bigla. Halatang hindi siya makakawala sa boss niya kahit day-off niya ngayon. Hinigpitan nito ang pagkahawak sa kamay niya.

"S-Sir? Ano... ano po ang balak niyo?"

"Simple lang naman. Halika!" Hinatak siya nito patayo. Mabilis itong maglakad kaya halos masubsub siya sa sahig. Mabuti nakasuot siya ng doll shoes pero madulas pa rin ang sahig.

Kinakabahan siyang pinaubaya ang sarili kay Elliot.



Stealing ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon