XXIX

6 3 0
                                    

Narinig ni Elliot na napahikab si Rose matapos itong bumaba sa sasakyan. Inunant-unat nito ang mga kamay at paa. Matapos ang halos anim na oras ay narating din nila ang kanyang pribadong bahay bakasyonan dito sa Bagiuo.

"Para nang jelly 'yung mga binti ko!”reklamo pa nito.

Ngumiti lang siya at kinuha kaagad ang mga bagahe nila. Dumating si Mang Izar kasama ang bunsong anak nito para tulungan siya.

"Magandang hapon po,Sir Elliot. Tulungan ko na po kayo,"bati nito.

Magalang siyang tumango. "Salamat mag Izar."

Sinulyapan niya si Rose. Nakadipa at umikot-ikot habang nakapikit. Sinisinghot nito ang sariwang hangin na may halimuyak ng mga pine trees na humahalo sa amoy ng basang lupa. Huminto ito saka tinitigan ang malawak na hardin ng mga punong namumunga at malawak na taniman ng strawberries.

Kitang-kita ang buong tanawin dahil nasa mataas na bahagi sila ng burol.

"Rose!"tawag niya.

Hindi ito tumugon. Pinapatuloy nito ang pagnamnam ng kagandahan ng natura.

"Ang ganda ng side na 'to. Much better ito sa Bukidnoon,"wala sa sariling anang ni Rose. Kumanta ito at inaakala na walang nanood dito.

Lumapit siya para kilibitin sa balikat nito.
"Rose!"tawag niya ulit.

Lumukso ang dalaga. Inayos nito ang sarili at tila na hiya sa pinangagawa nito kanina.

"Sorry po,nadala lang ako. Ang ganda kasi ng view saka ang sariwa ng hangin,"nagkikislapang mga mata na saad nito habang tinitignan ang maayos na nakahilirang mga halaman.

"Let's go eat the dinner first. Tomorrow, I'll show you the whole farm,"aniya na nagpatiunang pumasok.

Pagpasok nila, kaagad nila naamoyan ang masarap na pagkain. Sa dining room sila dumeretso para maghaponan. Tahimik silang umupo at hinintay na i-serve ang mga pagkain.

Mayamaya'y lumabas si Elsa kasama si Mang Izar, tinutulak nito ang serving cart. Si Elsa ang asawa ni MAng Izar. May tatlong anak at lahat ay naninilbihan sa kanya. Ito ang sarili niyang bahay–sariling pera niya ang ginamit para bilhin ang lupa.

Nakangiti si Elsa na binati siya. Lumiwanag ang kuriosidad nito ng makita si Rose.

“Sir! May kasama ka ngayon!” wika ni Elsa, kumikislap ang mga mata habang tinitingnan si Rose. “Girlfriend n'yo po ba ito?”

Nanlaki ang mga mata ni Rose at mabilis na nagtaas ng mga kamay. “Ay, naku, hindi po, hindi po! Sekretarya lang ako! Hindi kami mag-jowa, strictly business lang po!”

Tumawa nang malakas si mang Izar.“Ang bilis sumagot ah. Bagay kayo, sakto lang para sa'yo, Sir,"pabirong pahayag nito.

"Tsaka nga pala si Mang Izar at si Manang Elsa, ang mga caretaker ko,"pakilala niya.

Magalang na ngumiti si Rose. "Nagagalak po akong makilala kayo. Tawagin niyo na lang akong Rose at executive secretary po ako ni Sir Elliot,"pangatwiran nito.

Nilapit ni Elsa ang paborito niyang putahe. Ang kare-kare. Lalo niyang nagustuhan dahil niluto yon ni Elsa, magaling at masasaral ang luto nito kaya sa tuwing mapapadalaw siya rito ay mapatataba siya ng isang kilo.

"Rose, try this. This is my favorite dish." Inabot niya ang bowl dito.

Nilayo nito ang pinggan na nakakunot ang noo. "Sorry po, allergic po ako sa peanuts,"tapat nito.

Tumango siya at bigo na binalik sa pwesto niya ang bowl ng kare-kare. Sayang hindi nito matitikman ang paborito niyang ulam.

"Rose, gusto mo ng caldereta?"alok niya ulit.

Hindi sinayang ni Rose ang effort niya nang mabilis itong tumango. Kinuha nito ang bowl na hawak niya. Sekreto siyang napapangiti habang minamasdang nagse-serve ito ng ulam.

"Calderetang Kambing po ba ito, Mang Izar?"biglang tanong nito.

Yumuko si Mang Izar at nakangiting tinango ang ulo.

"Compliments po. Masarap po,"sabi ni Rose kahit puno ang bibig nito.

Habang kumakain, napansin ni Elliot ang mga pabirong sulyap ng mga caretaker sa kanyang sekretarya, at tila sobrang saya niya dahil sa nagtatakang tanong ng mag-asawa.

Masarap sa tainga pakinggan ang salitang girlfriend. How he wish na sana girlfriend niya ito.

Sa iniisip na yon ay bigla siyang nabulunan. Malakas siyang umubo. Hindi siya makahinga.

"Sir, okay lang po ba kayo?"tanong nito na may pag-alalang mga mata.

Uminom siya ng tubig. Mabuti naagapan siya kaunti. Nahihiya tuloy siya sa itsura niya ngayon. Sa sobrang pagiisip ng masama kay Rose ay kinarma siya.

"Rose, pagkatapos ng dinner. Kailangan mong sumama sa akin,"aniya na kinalaki ng mga mata nito.

"Saan po?"

"May ipapakita lang akong halaman sayo sa greenhouse,"pasimple niyang paliwanag at parang walang nangyaring pinatuloy ang pagkain.

Nakita niya sa gilid ng kangyang mata ang hindi matatagong ngiti sa mukha nito. Lihim siyang napangiti.

Pagkatapos ng hapunan, niyaya ni Elliot si Rose palabas. Madilim na, at ang buong lugar ay sinisinagan ng malambot na liwanag ng buwan. Pumunta sila sa greenhouse, at nang pumasok sila, napabuntong-hininga si Rose.

Hindi ito makapaniwala sa nakita. Puro matatabang halaman ang nandito. Iba-ibang variety. Kunuha niya ang kamay nito para dalhin sa isang halaman na special sa kanya.

Sa isang bulaklak na minsan lang sa sampung taon namumukadkad.

Stealing ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon