VIII

14 6 1
                                    

Umismid si Elliot nang makitang nilalasap ni Ranier ang kape. Nawala ito sa saril habang  abala siya sa pag-uusap tungkol sa proposal nito na mag-open ng bagong resort sa Palawan at isang theme park sa Bohol.

He felt disgusted. Mukhang manyak kasi ito habang umiinom. Naalala niyang si Rose ang nagtimpla non.

Hinapas niya ang hawak na papel sa lamesa. Naiirita siyang niluwagan ang necktie.

"Dude, sino ang nagtimpla ng kape mo? Parang pamilyar,"tanong ni Ranier sa namamanghan eskpresyon.

"Syempre si Rose. Ang secretary ko! Bakit may balak ka bang agawin siya akin?"sabi niya sa naniningkit na mga mata.

Nakakunot noo itong  tinaas ang dalawang kamay. "Hindi ako magkakainteres sa taong hindi ko kilala. Nagtatanong lang kung sino ang nagtimpla. Pamilyar kasi parang timpla ng fiance ko,"paliwanag nito.

"Oo nga pala, hindi mo pa pinapakilala ang fiance mo. Halos isang taon na kayo diba?"singit ni Sirius. Nalalayo na ata sila sa usapang business nila. Ngunit nagka-interesado siya. Na-curious siya sa fiance ni Ranier.

"Palaging abala si Rosette. Walang time yon makipag-meet up sa inyo,"rason ni Ranier na parang nawalan ng panlasa nang pinagusapan nila ang fiance nito.

"Diba anak siya ni Gregory Valentino yong bagong client ng Mallary Group na may maliit na food chain industry sa Batangas. Balita ko nalulugi na ang kompanya nito. At kumakapit na lang ito sa kompanya ng mga anak niya,"balita ni Sirius na tila news reporter sa sobrang kaalaman na nasagap nito.

Binigyan nila ito nang nakakatusok na tingin. Ginagat nito ang labi at pa-inosenteng tinitigan ang silang dalawa ni Ranier.

"Wow, saan ka nakasagap ng fake news?"tudyo niya.

Inayos ni Ranier ang pag-upo. "In fact, totoo yon. Kaya pumunta sa Bukidnon ang fiance ko at tatlong buwan siya magpapahinga doon,"pagsang-ayon ni Ranier sa statement ni Sirius. "Pero mabuti na lang may magandang loob na client ang nag-invest ng malaking pera sa kompanya nila. Mababayaran din nila ang malaking utang sa Mallary Group."

Tinukod niya ang kamay sa mesa. Humugot ng malalim na hininga at binalik ang atensyon sa sketch at proposal ni Raniel. 

"Fine. Pwede na ba tayong bumalik sa pinag-uusapan natin?"aniya.

Tumango ang dalawa at nag-usap muli sila.

Matapos ng dalawang oras na usapan ay pareho silang sumang-ayon at isa-isa nang tumayo. Bumalik si Elliot sa working table niya para magtrabaho pa, may ilang oras pa bago ang mag-uwian ang mga empleyado. Inakala niyang umalis si Ranier pero nanatili ito. Nababalisa itong tumanong ng bagay sa kanya.

"May problema ba, Ranier?"usisa niya.

"Pwede ko ba makilala ang secretary mo?"tanong nito na medyo nahihiya.

Tinaas niya ang isang kilay,"sabi ko na nga bang may ulterior motives ka sa kanya eh!"biro niya na kina kunot ng noo nito.

"Wala, Elliot. I just want to confirm something,"giit nito.

"Fine,"bumuga siya hangin. Mabilis na tumayo at giniya ito sa pwesto ng secretary niya. Subalit nadatnan nilang bakante ang upuan nito at nakakalat ang mga papel sa lamesa. Nandoon pa ang mug ng kape na hindi nito ininum.

"Sir, nakita namin na tumakbo palabas kaninang alas  3 si Rose. Siguro po may emergency,"pagbibigay informasyon ng lalaking empleyado niya nang mapansin silang nagtatakang tinitignan ang desk ng secretary niya.

Napatingin siya sa lupa, nilagay sa beywang ang dalawang kamay at tumingin kay Ranier. Dismayado siya kasi tinakbuhan sila ni Rose. 

"Pasensiya na. Maybe next time,"sabi niya na inangat pa ang dalawang balikat.

Stealing ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon