XVIII

21 5 1
                                    

Tumatagos ang malalambot na liwanag ng papalubog na araw sa malalaking bintana ng penthouse ni Elliot. Nagbibigay iyon ng mainit na kulay sa modyernong kasangkapan.

Katatapos lang niya maligo, lumabas siya sa shower room na umuusbong pa ang usok. At ilang sandali rin nanatili sa ere. Sinabit niya ang puting tuwalya sa kanyang beywang. Amoy niya ang sariling pabango na humahalo sa bagong lagay na aftershave. Lumilipad ang kanyang isipan habang pinupunasan ang tubig na tumutulo sa kanyang basang buhok.

Humakbang siya palapit sa walk-in closet. Natigilan siya. Muling sumagi sa kanyang isipan ang matamis na ngiti ni Rosè. Kahit na pumikit siya'y nakikita pa rin ito. Nanginginig ang puso niya sa bawat eksenang kasama ito.

Aakma siya kukunin ang damit niya nang tumunog ang kanyang cellphone. Binasag nito ang tahimik niyang mundo.

Nakasalpok ang kilay niyang kinuha 'yon sa mesita. Naka-flash ang pangalan ni Juliette.

"Juliette, "sagot niya na may kaunting kuriosidad.

"Elliot, I didn't intend to disturb you but I really need to tell you this,"pasimula nito sa malamig na boses.

Kumunot ang noo niya. "What is it?"

"I don't want to be your partner. Instead, bring your secretary with you,"pakalma nitong saad pero sa matigas na tono. She's imposing things on him again as always. Simula pagkabata, siya palagi ang naging tulay nito kay Magnus. Ilang araw na itong hindi namamansin sa kanya at lalo pang palalain ang sitwasyon ngayon.

"Hey, did you understand me?"sabad nito nang hindi siya umimik.

Halos mabitawan niya ang hand towel na kanyang hawak. "Why on earth would I bring her? You're supposed to be by my side, not her!"

Tumahimik sila ng ilang sandali. Bago muli magsalita si Juliette. Malamig at walang emosyon ang boses nito. "Just do it."

Humigpit ang pagkahawak niya sa cellphone. Nanlaki ang mga matang hindi makapaniwala. "Juliette, gusto ng pamilya na natin na magkasama tayo. Hindi lang itong basta-bastang event -nakasalalay ang pangalan ng pamilya natuin. We can't walk in separately. What will people say?"

Hindi kumibo si Juliette. Naumid ito at ayaw tablahan sa sinasabi.

"I don't want to be with you, Elliot..."

"Let's fake it! What do you think?"putol niya.

Narinig niya ang kaunting hagik-hik nito. Nagustuhan yata ang suhestyon niya.

"Absolutely! I like your idea, El! But promise me, this is the last,"nangigil nitong tugon. Saka biglang tumahimik, nag-isip yata. "However... don't forgot to bring your secretary!"

Naguluhan siya. Sumalpok ang kilay niyang bumuga ng hangin. May ano ba ito kay Rosè? Ini-insist talaga siyang dalhin ito.

"Fine,"malamig niyang pagpayag.

"Ok! See you tonight,"dagli nito.

Ibaba na sana ang phone nang magsalita siya."Susunduin kita mamaya."

Bumuntong hininga ito. "As you wish. Isasama mo na dapat siya sa pagsundo sa 'kin,"sabi nito at mabilis na pinatay ang tawag.

Initsa niya sa kama ang cellphone. Naiinis siyang hinagod ng tuwalya ang natutuyong buhok. Napabuga ng hangin. Alam niyang magiging mahaba ang gabing ito.

Bumalik siya sa closet para kunin ang damit nang biglang bumukas ang pintuan ng marahan. Dalawang tao lang ang pwedeng gagawa non. Ang Mama niya at si Rosè dahil may duplicate itong keycard niya.

Isang masamang tingin ang ginawad niya sa isang pamilyar na mukhang bumungad sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya.

Si Rosè. Ang secretary niya. Habol ang hininga na may kaba at pagkaapurado sa mukha. He can't take off his eyes on her. Her glamorous and classy look stunned him. Ang ganda nito sa suot na red dress.

"Sir pasensiya na po kayo kung wala akong paalam na pumasok dito,"panimula nito habang hinuhuli ang hininga.

Napansin niyang panay ang iwas ng tingin ito sa kanya. Sino ba ang makatingin ng deretso sa half-naked niyang katawan. Walang babae ang makaka-resist kapag makita ang 6 pack abs niya. Resulta ng pagsusumikap niya sa gym at pagkahilig sa sports.

"A-Anong problema,Rose?"nauutal niyang tanong. Nahiya siya sa itsura niya ngayon. Nakatapis lang siya.

"Tinatawagan niyo ako kanina at hindi ko nasagot. Para kasing urgent kaya naisipan kong pumunta dito,"patay malisya itong lumapit sa kanya.

Tumaas ang kilay niya. Napaisip. "I don't remember calling you."

"Ha? Unknown number kasi. Inakala ko na kayo 'yon,"napaurong nitong sabi sabay titig sa sahig.

"Never mind. Wala naman masasawi sa maling akala,"sabi niya. Nalaman niyang nakangiti na siya.

"Pasensiya ulit,Sir. Mabuti pa siguro mauna na ako sa venue." Umakma itong maglakad patungo sa pintuan. Ngunit bago ito makalabas ay mabilis niyang hinabol. Hinarangan niya ang pinto. Tumibok ang puso niya. Gusto niya sa maging sa kanya ang atensiyon nito. Kahit labas na sa trabaho nito na pabihisan siya. Pipilitin niya ito para makasama niya.

"Wait, Rose,"aniya, sa malambot na boses na parang may hinihiling.

Pumaskil ang kalituan sa mga mata nito. "Bakit po,Sir? Ano ang maipaglilingkod ko?"

"Wag ka munang umalis. You need to help me,"nag-aalinlangan niyang saad.

"Ano po 'yon,Sir?"tanong nito sa nagtatanong na mga mata.

Lumapit siya rito. Hindi niya inalintana kung basa man siya o nakatuwalya lang. He wants to convince her to be by his side at this moment. "Tulungan mo akong bumihis,"pakli niya. Apat na salita pero nanuot sa kalaman niya. Wala na siyang pakialam sa iisipin nito.

Ngumiwi si Rosè. Biglang kinabahan. "Sir, hindi na po kayo baby. Kayang-kaya niyo na pong magbihis. Saka hindi ako magaling mambihis ng tao,"pakipot nitong tanggi.

Sumama ang mukha niya. "Bakit baby lang pwedeng bihisan? Wag mo ngang i-downgrade ang sarili mo. You're one of my best employees of all times!"

Tumahimik ito. Inikot ang tingin sa ibang dereksyon. Hinawaka niya ang panga niyo para ituon sa kanya ang tingin nito. Niyanig siya nang magtapo ang kanilang mga mata. Hindi siya makapag-isip ng deretso nang makita ang refleksyon niya sa pupil nito. As if, tinamaan siya ng pana ni Kupido. He suddenly wants to be intoxicated by her.

"S-Sir?" Binasag nito ang naguguluhan niyang isipan. Binagsak niya ang kamay at napalunok na tumingala sa kisame.

"I will not let you go this easy, Rose. Panindigan mo yang 24/7 service na palagi mong sinasabi sa akin... saka wala na akong ibang aasahan pa. Ikaw ang pumili ng suit kaya dapat ikaw rin ang bibihis sa akin,"mabilis niyang salita kahit hindi nito maintimdihan.

Bumuntong hininga si Rose. "Fine,"sabi nito, nakita niya ang pagkatalo sa mukha nito. "Pero mabilis lang,Sir,ha?"

Pigil siyang tumawa. May mga paru paru na nagliliparan sa t'yan niya. "Oo naman. May tiwala ako sayo,"sabi niya na tila siya mismo ay may tinatagong intensyon sa simpleng pakikipag-usap.

Humakbang siya pabalik sa closet. Kinuha ang suit para iabot dito. Kaswal na kinuha nito. Kinagat nito ang labi pero nagdududa siyang kinakabahan ito.

Natapos niya nang suit ang suit. Inaayos niya ngayon ang cufflinks. Hindi makatingin ng deretsong hinihintay siya ni Rose. Hawak nito ang necktie niya. Pasimple siyang ngumiti at yumukod dito.

"Ano pa'ng hinihintay mo? Isuot mo ma sa akin,"pilyo niyang pag-agaw ng pansin dito.

Napalunok si Rose habang sinuot sa leeg niya ang necktie. Mukha itong pinapawisan habang tinatali 'yon sa leeg niya. Wala sa sariling hinawakan niya ang kamay nito. Nagulat siya nang maramdamang malamig ang kamay niyo.

"Ako na ang tatapos,Rose. Hintayin mo 'ko at sabay tayong aalis,"anas niya.

Umuwang lang ang bibig niya. Nang matapos niyang itali ang necktie. Sinulyapan niya ito. Kinibot niya ang gilid ng labi. Saktong tumingin ito sa kanya. Pilyo niyang kinindatan ito.

Umuwang ang bibig nito. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Kinuha niya ang kaliwang kamay nito. Hinolding hands niya na para hindi makawala. Mabilis siyang lumakad palabas ng unit niya. Tinangay niya si Rose. Ang salarin sa pagiging adik niya ngayon.

Sana hindi matapos ang pagkakataong kasama ito. Malamang masasagot nito ang nagugulumihan niyang damadamin.

Stealing ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon