XX

10 3 0
                                    

Hindi mapakali si Rosette. Hindi niya kayang um-acting sa harap ni Ranier. Mahahalata kaagad siya nito. Sinikap niyang wag tignan ito sa mata. 

"Miss, would you care for a drink?" Alok ni Ranier, nakangiti habang inaabot sa kanya ang glass of champange. Kumislap ng may kuryosidad ang mga mata nito na tila ba siya 'yong misteryosong babae na kailangan nitong tuklasin. He had no idea he was speaking to his fiance.

Kinuha niya ang champagne na may magalang na ngiti, tinatago ang kanyangd discomfort sa ilalim ng kanyang maalindog na tawa. "Salamat po, pero hindi ako masyadong umiinom,"tugon niya sa malambing na boses. Niliit niya ang boses para hindi siya mahalata. Uminom siya ng kaunti habang nililibot ang paningin sa paligid. She looking for a way out. Kailangan niyang matakasan ito hangga't maari.

"Mukhang bago ka sa ganitong mga event,"patuloy nito, humakbang pa palapit sa kanya. "Hindi pa ako nakakita ng gaya mo noon."

Pinigilan niya ang tawa. Sumakit bigla ang tyan niya sa kakaibang modo ng pakikipapg-usap nito sa kanya. Badoy nitong manligaw. Ang fiance niyang nonchalant hindi marunong manligaw.

Kunwari magaan siyang tumawa sabay wave ng kamay. "I suppose I don't stand out to much."

Bumungisngis into. "On the contrary, you stand out in all the right ways. Kahit may maskara ka alam kong maganda ka, Rose."

Parang hindi niya mapigilan ang tawa niya. Kailangan niyang magtimpi bago siya sumabog. Hinawakan niya ang tiyan saka kunwari kabadong simsim ang champagne. 

Tinignan niya muna si Elliot na abal sa pakikipag-usap sa ibang guest bago ibalik ang sarili kay Ranier.

"I'm flattered,Sir. Pero sorry po hindi na ako available. Taken na po ako saka next month kasal ko na,"walang preno niyang siwalat na kinapako nito sa kinatatayuan. Nanginig din ang kamay nitong hawak ang champange.

"W-Wala naman akong balak ligawan ka. Sinasabi ko lang na maganda ka,"nahihiya nitong rason saka napakamot sa leeg.

"Ah, thank you po, Sir." Pasimpleng pahayag niya na kumuha ulit ng champagne sa dumaang waiter.

"Ang totoo nga, may fiance din ako at malapit na rin ako ikasal,"amin nito na inimon rin ang champange.

"Maswerte po ang mapapangasawa niyo, Sir,"kaswal niya pahayag.

Tumahimik ito. Inikot ang mga mata sa paligid. Naramdaman yata ng hiya sa kanya.

"Siguro maganda rin ang mapapangasawa n'yo,"sabi niya ulit.

"I don't think so,"nag-aalinlangan nitong salita. "Kung pareho sana tayong single-"

"Sandali lang Sir. Urgent lang po. Teka lang, magsi-CR lang ako,"putol niya. Umatras siya at mabilis na tinakbuhan si Ranier bago pa man ito makasalita.

Kunwari patungo siya sa CR pero as soon as she was out of sight, she made a detour to the garden of the hotel. Kanina pa niyang gusto ng preskong hangin para maaliwasan ang magulo niyang utak. Maingay ang yapak ng heels niya habang binabagtas ang pasilyo patungo sa pool, dumampi sa kanya ang malamig na simoy ng hangin sa gabing ito.

Nakatayo siya sa tabi ng pool, humuhugot ng malalim na hininga, nakaramdaman din siya ng kapayapaan sa unang pagkakataon sa gabing ito. She hummed silently while thinking about her plan. But the tranquility was short-lived. A pair of sharp voices cut through the air like knives.

"Uh-Uh! So, dito ka pala nagtatago,"singhal ng maliit na dalaga. Kumibit balikat ito habang pinagmamasdan siya ng malalim. Sumunod sa likod nito ang kasamang babae kanina. Sila 'yong tumingin ng masama sa kanya noong papasok siya ng venue. 

"Quite the nerve to show your face here,don't you think?"dugtong ulit nito

Pinatili niyang neutral ang kanyang ekspresyon. Hindi dapat siyang magpa-apekto sa dalawang bully. "Secretary lang po ako ni Sir Elliot. There's no need for hostility."

"Secretary? Please, we all know what you're really after. Wag kang magpa-inosente. Nandito ka para i-seduce si Elliot, tama?"

Kinabahan siya. Paano nalaman ng dalawa na ito yong ginagawa niya e ngayon niya lamang nakilala ang mga 'to. Teka sila pa 'yong mga fangirl ni Elliot? Nandito sila ngayon para i-bully at bigyan siya ng death threat.

"I'm Euphemia, the sister of Elliot. Please, kung anuman iyang binabalak mo sa kuya ko. Please, wag mo ng ituloy," maiyak-iyak pa na babala ni Euphemia.

"Wala naman ho akong masamang binabalak. Nagtatrabaho lang po ako sa kanya,"rason niya pero ayaw nitong maniwala. Red flag pala itong kapatid ng boss niya, na impluwensiyahan siguro ng red flag nitong kaibigan.

Stealing ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon