XI

14 6 0
                                    

Nagbuga ng hangin si Rosette habang nasa dibdib niya ang isang kamay. Nakalimutan niyang huminga ng sandaling 'yon. Naimbyerna siya sa ina ni Elliot. Grabe! Tila evil stepmother ni Cinderella kung umaasta. Wala naman siyang ginagawa ng masama pero kung makatitig sa kanya ay para siyang kakainin ng buhay. 

Gayunpaman, pamilyar sa kanya ang mukha ng bruha. Parang nakita niya ito sa isang event na pinuntahan niya noon kasama ang ama niya. Di maaari, paano kung makilala siya nito? No! Kailangan niyang magdasal na walang makakilala sa kanya. Taong bahay siya at opisina lang ang palagi niyang pinupuntahan maliban kung may mga party na ini-invite siya.

Narinig niya ang pagbayo ng dibdib niya. Kinakabahan siya sa di malamang dahilan. Nandito siya para akitin si Elliot para sa kaligtasan ng kompanya niya. Hindi siya pwedeng matakot. Nagsisimula pa lang siya at hindi siya pwedeng mabagsak.

She should only care about her mission, nothing else. Saka nauubusan na siya ng oras. 

Bumalik siya sa pagkakaupo sa working table niya. Pinagpatuloy asikasuhin ang lahat ng appointment ng boss niya. She's biting her lips while scanning the documents. Nalaman niyang may pina-appoint na meeting si Ranier. Si Mr. Unpredictable dadayo ulit sa opisina ng Mallary Group. CEO kasi ito ng marketing sa ilalim ng Mallary at responsabilidad nitong asikasuhin ang bagong proyekto nila sa Palawan. Bakit ba kasi nag-iisang corporation lang sila?

Napahilamos niya ang mukha. Nanlumong sinubsub ang mukha sa itaas ng mga papeles. Abala siya sa pagda-drama nang tumunog ang cellphone. Sa sobrang lakas ng kanta na My You ni Jungkook, nabulabog ang mga co-worker niya. Tarantang hinalughog ang bag at napa-peace sign pa bago sinagot ang tawag.

"Rosette! Come and rescue us!" Humahagul-hol na bulalas ni Cristina sa kabilang linya. Nilayo niya agad ang cp sa tenga niya bago pa siya mabingi.

"Ano'ng problema mo?"bulong niya na tinakpan ng isang kamay ang gilid ng bibig niya. 

Desperadang umungol ang VP niya. "Parang awa mo na. Umiwi ka na dito. Hindi ko na kaya! Nagpatung-patong na ang mga papeles sa lamesa mo. Alam mo naman na ikaw lang ang may kakayahan sa pagpapatakbo ng company, Roseee!"

Nagtagpo ang kilay niya.

"May tiwala naman ako sayo Chris eh. Wag ka mag-alala-"

"Gusto ko na mag-asawa. 30 na ako alam mo ba yon? Kung hindi ka uuwi magiging matandang dalaga talaga ako!"putol nito na bahagyang huminahon.

Nadulas ang ngiti sa mga labi niya. "Wag ka ngang OA. Kailangan mong magtiwala sa galing mo. Don't worry pagbalik ko, ipapa-leave kita ng three months din at ipapa-blend date kiya, maliwanag?"

"Rose naman!" Reklamo nito na kinatawa niya 

"Oh, papaano... i-scan mo lahat ng documents sa lamesa ko. I-email mo sa akin para ma-check ko. Ako na bahala sa ibang task. H'wag masyadong ma-stress out,"aniya na pinalitan ng seryosong mukha ang tawa niya.

Naging seryoso ang boses ni Christine. Tumikhim ito bago nagsalita. "Alam mo bang dumalaw dito si Mr. Ranier Gonzales kahapon. Balak yata niya ipasailalim ang kompanya mo sa Mallary Group. Maliit ang Fashion retail company natin pero sapat na yon para maitakbo at makabayad ng mga utang. "

Pinandilatan niya ng mga mata ang narinig. "What? He's selling my company without my consent? How dare he? Gusto niya bang magsuntukan kami? Walang hiya siya!" Umuusok ang ilong niyang pahayag. Napasigaw siya nang makalimutan na nasa opisina siya. Nalilitong tumingin ang ibang emplyedo sa kanya. 

"Susuntukin ko talaga ang mukha ng lalaking 'yon!"patay malisya niyang pinatuloy ang pakikipag-usap sa VP niya.

"Inakala naman na alam mo ang tungkol dito. Buti na lang naisipan kong tawagan ka." May ganihawaan na wika nito.

Stealing ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon