KABANATA 43

12 0 1
                                    

KABANATA 43

Mabilis na nagkalat sa loob ng campus ang isyung pagbubuntis ni Maggie lalo na at hindi ito nakapasok kinabukasan. Tahimik lamang ang kambal maski na alam nila ang totoo. Patuloy namang dinedepensahan nina Jazmine at Therese ang butihing teacher.

"I'll give you five minutes to think of any topic that you will going to discuss in the class tomorrow. Minimum of 7 sentences and maximum of 10. You will include our lesson pertaining to introduction, body and conclusion." Sambit ni Miss Ortega sa klase at tahimik namang nag-isip ang mga ito.

"Time is up. When I call your name, please give me your topic and I will right it down. Let's start with Mr. Lacson." Bulalas ni Miss Ortega pagkatapos ng limang minuto.

"The Art of Letting Go." sambit ni Bimbi na sinundan ng ugung-ugong ng mga kaklase. Napatingin siya kay Jazmine at matamang napatingin din sa kanya ito at siya ang unang umiwas.

"Good choice. How about you, Miss Falcon?" ani Miss Ortega kay Violet.

"Betrayal: A Friendship's Disease." Sagot ni Violet at tiningnan sina Jazmine at Therese.

"That's true. And you, Miss Nietes?" anang teacher.

"Perhaps Love." Sagot ni Therese at napahanga sa kanya si Brent.

"Wow! How about you, Miss Calderon? Is it also about love?" ngiting ani Miss Ortega.

"Kind of. Twin Hearts." Ngiting sagot ni Jazmine at tuluyang natawa ang teacher.

Napatingin naman sa isa't isa sina Berlin at Bimbi. Parehong may katanungan sa kanilang mga mata. Hindi kaya may alam na si Jazmine sa tunay nilang pagkatao?

"I can't imagine how you come-up with that topic. Self-experience?" Anang teacher.

"Sort of." Naisagot ni Jazmine at sinadyang huwag tingnan si Bimbi o si Berlin.

"I see. Mr. Montecillo?" tukso pa ni Miss Ortega sa estudyante.

"Fact or Fiction: Is Blood Thicker Than Water?" sagot naman ni Berlin.

"You tell me?" Ngiting ani Miss Ortega at sinundan ng tawa ng mga estudyante.

"And Mr. de Jesus?" tukso naman ni Miss Ortega kay Kurt.

"Why Student Expelled From School." Taas-noong sagot ni Kurt.

"Interesting topic, Mr. de Jesus. I can't wait to hear your insights." Ngiting bulalas ni Miss Ortega.

Masakit na tinitigan ni Brent ang nakangising kaklase. Napatingin sa kanya sina Jazmine at Therese ganundin sina Berlin at Bimbi na para bang ipinaparating ng mga ito ang simpatiya sa kanya. Bigla niyang binura ang topic na nakasulat sa kanyang notebook at pinalitan yon.

"And how about our transferee. Mr. Montecarlo?" sambit ni Miss Ortega.

"Fraternity." Walang kagatul-gatol na sagot ni Brent. Siya naman ang nakangisi ngayon habang nakatingin kay Kurt at nakita niyang namutla ito bigla sa sinabi niya.

"Very interesting. I like that, Mr. Montecarlo. I know it is a broad topic but I want you to pick-up the most important details." Bulalas ni Miss Ortega at napahanga sa bagong estudyante.

"Yes, Mam. I am also giving an insight to Mr. de Jesus' topic as to why student expelled from school. I've read the school's code of conduct and fraternity is subject to expulsion." Sagot pa ni Brent.

"Good point for you, Mr. de Jesus." Bulalas pa ni Miss Ortega na walang kaalam-alam.

"OH, BEN." Naiiyak na sambit ni Maggie at napayakap sa binata nang kumpirmadong buntis nga siya ng dalawang buwan nang samahan siya nitong magpa-test sa hospital kinabukasan.

Tatak Ng Isang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon