KABANATA 51

17 1 0
                                    

KABANATA 51

"Berlin! Bimbi! Brent!" tawag ni Maggie sa tatlong binatilyo nang makita niyang nagpapaulan ang mga ito. Sabay-sabay na napalingon naman ang mga ito at lumapit sa kanya. Bigla niyang pinagkukurot ang hita ng mga ito at huli na'ng marealize na maraming mga estudyante ang naroon.

"Aray!" bulalas ni Berlin sabay hawak sa hitang kinurot. Ganundin ang reaksyon ng dalawa at nahiya sila dahil pinagtawanan sila ng ilang mga kapwa-estudyante na nakasaksi.

"Bakit kayo nagpapaulan? Magkakasakit kayo." Mahina ngunit may awtoridad na sambit ni Maggie. Nahihiya rin siya sa ginawa dahil parang tinrato niyang bata ang mga ito.

"Nabasa na kami ng ulan, Miss. Kaya naisip na lang naming maligo tutal suspended naman ang klase ngayob." Sagot ni Bimbi at hanggang ngayon ay napapahawak pa rin sa kanyang hita.

"Isusumbong ko kayo sa Kuya ninyo. Tara at doon na kayo sa condo dumeretso para makapagpalit kaagad kayo ng damit." Anas na lang ni Maggie at sumunod naman ang mga ito sa kanya palabas ng gate.

"BUMABAGYO na nga pero mukhang masayang-masaya pa rin kayo ngayon, Sir Ben." Ngiting puna ni Yvonne nang pumasok sa kanilang opisina ang kanilang boss. Natawa pa ito bigla sa sinabi niya.

"Oi si Sir Ben inlove." Tukso naman ni Luisa na sinegundahan nina Archie at Kevin.

"Hmm kilala ko ba siya, Sir Ben?" makahulugang tanong naman ni Cara.

"What are you saying, Guys? Masaya lang ako dahil kahit bumabagyo ay kumpleto pa rin kayo. This is what I want for my time. At dahil diyan, I will submit a request to the CEO that he will declare this day as a critical day. That means, dadagdagan ang sahod ninyo by 30% dahil pumasok pa rin kayo." Ngiting sambit ni Benedict pero totoo naman ang sinabi niya. Iba nga lang ang totoong dahilan kung bakit masaya siya ngayon maski wala siyang gaanong tulog. Napahiyaw naman sa tuwa ang kanyang mga tauhan.

"You are really the best boss!" bulalas pa ni Yvonne.

"Thanks, Yvonne. Kaya habang abala ako sa preparation na makuha ang bagong kontrata, I want you to do your job maski wala ako para i-supervise kayo. Cara and Diego are here para tumulong sa inyo at kayo na muna ang bahala sa kanila para matuto pa sila sa mga gawain natin. And congratulations at naging successful ang presentation ninyo last week. Sorry at ngayon lang ako nagkaroon ng time sa inyo. I'm too much pressured for more important thing. Dagdagan pa ng mga problemang pinagdadaanan ko sa pamilya ko." Mahabang paliwanag ni Benedict at huli na para bawiin ang huling sinambit.

"May pinagdadaanan ho kayo, Sir? Baka may maitulong kami." Nag-aalalang anas ni Luisa.

"Thanks for your concern, Luisa. But I can handle it. Huwag ninyo akong alalahanin at pasensiya kung hindi ko muna kayo matutukan for the next couple of weeks." Sambit naman ni Benedict.

"Don't worry, Sir. We're doing fine." Kampanteng anas naman ni Kevin.

"Good. O sige, maiwan ko muna kayo rito. But still knock me on my office if you need anything." Paalam na ni Benedict at lumabas na siya nang opisina nang habulin naman siya ni Cara.

"Kuya Ben, k-kumusta sila?" nag-aalalang tanong ni Cara.

"Ganun pa rin, Cara. Nangangapa pa rin kami sa dilim." Malungkot na sagot ni Benedict. Hindi naman iba sa kanya ang dalaga dahil alam nito ang sikreto nilang magkakapatid. Napayakap ito sa kanya.

"Malaki ang tiwala ko sayo na malulutas mo na rin ang problema ninyong magkakapatid. I am sorry at iniwan ko kayo sa ere. Hangad ko na mabigyang-kasagutan ang lahat ng pinaglalaban nyo. Gustuhin ko mang makatulong sa inyo pero hindi pa naghihilom ang sugat ko." Naluluhang sambit ni Cara.

Tatak Ng Isang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon