KABANATA 78

12 0 0
                                    

KABANATA 78

"This is a busy and stressful month for all of us. This coming Saturday ay kasal namin ni Maggie. Next week ay debut ni Barbie at pageant ni Berlin. Sa katapusan nama'y presentation ko with Del Rio's billion project. Nakaka-stress! Whew!" sambit ni Benedict habang sabay-sabay silang nag-aalmusal.

"Kuya Ben, don't worry at ako na ang bahala sa kasal ngayong Sabado. Ako na ang bahala sa mga bibilhin at catering. Just give me your budget." Sambit ni Cara at napangiti sa huling sinambit.

"Oh thank you, Cara. Kay Bradley mo na lang kunin ang mga panggastos at sa kanya ko pinapahawak ang pera at mga panggastos dito sa bahay." Sagot naman ni Benedict.

"Berlin, kumusta na ang preparations ninyo ni Therese? Yung talent ninyo? Yung mga damit mong susuutin? Mga kailangan mo?" sunud-sunod na sambit naman ni Maggie.

"Miss, huwag mo akong alalahanin at si Mommy ang nag-asikaso ng lahat ng yon. Siya ang umatend ng meeting about the pageant. Everything is being taken care of except sa talent namin ni Therese. Hindi pa kami nakapagpractice masyado at nasa rehearsals at pictorials kami lagi." Sagot ni Berlin.

"You have to double time, Berlin. Yayain mo si Therese na pumunta rito at puwede kayong makapagpractice dito sa bahay. Huwag mo kaming ipahiya at hindi ako tumatanggap ng runner-up lang. I want you to win the pageant. Kayo ni Therese!" Ngiting sambit naman ni Benedict.

"Kuya naman eh. Wala ka bang tiwala sa kaguwapuhan ko?" bulalas naman ni Berlin.

"Naku! Sa kayabangan ay talagang ikaw na ang panalo." Anas naman ni Bimbi na sinundan nila ng tawa. Napanguso naman sa kanya ang kambal at dinuro pa siya ng tinidor.

"Hindi lang naman kaguwapuhan ang basehan. Mamaya sa school ay pumunta ka sa akin at bibigyan ko kayo ni Therese ng mga possible question and answer. Malaki naman ang kumpiyansa ko kay Therese na confident siya sa pagsagot ng tanong dahil napakatalinong bata. Tanga nga lang at nagpavirginized siya sayo." Sambit naman ni Maggie na natawa sa huling sinabi na sinundan na rin ng tawa ng iba.

"Wow ha? Kung makapagsalita ka sa kapatid ko ay parang hindi lang ikaw nagpakatanga. Tingnan mo nga yang tiyan mo at kung hindi dahil sa katangahan mo rin ay hindi yan lolobo." Anas ni Benedict na mas sinundan nila ng halakhakan. Hindi naman nakasabat pa ang dalaga sa sinabi niya.

"Brad, ba't hindi ka pa nakapagbihis? Wala ka bang pasok?" ani naman Benedict at napansin niyang nakapantulog pa rin ito katulad nina Cara at Byron samantalang sila ay nakagayak na.

"Absent muna ako ngayon at sasamahan ko si Cara. Asikasuhin naming dalawa yung mga bibilhing bulaklak at mga gagamitin sa kasal. Isasama ko si Baby Ron." Sagot ni Bradley at natuwa naman ang huli.

"Magdala kayo ng bodyguard ha? Mabuti na yung sigurado." Sambit naman ni Benedict.

"Yes! At makakalabas uli ako sa hawla ko!" excited namang bulalas ni Byron.

"Brent, Berlin, siguraduhin nyo na mamaya kung makakadalo ng kasal sina Lyla at Therese para ma-finalize ko na ang line-up. And please don't forget to remind them to wear any shades of pink." Paalala naman ni Cara sa dalawang binatilyo at napatango naman ang mga ito.

"OH, I love to come!" excited na bulalas ni Lyla nang yayain siya ni Brent sa kasal nina Benedict at Maggie. Kararating lang niya sa gazebo nang dumating ito kasama nina Berlin at Bimbi.

"Pero Lyles, this is would be a secret wedding. Walang dapat may makakaalam nito even your parents. Inimbita ka namin kasi gusto namin na kumpleto tayong lahat doon." Paalala ni Bimbi.

"Ganun ba? Anong idadahilan ko kay Mommy?" anas ni Lyla.

"Well, you can tell her that you'll attend Bimbi's birthday. A formal 17th birthday ball." Kaagad na nakaisip ng dahilan si Berlin na sinang-ayunan naman ng mga ito maski ayaw sana ng kambal.

Tatak Ng Isang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon