KABANATA 55

12 1 0
                                    

KABANATA 55

"Sinong kausap mo kanina sa phone?" pasimpleng tanong ni Brent sa dalagita nang tabihan niya ito sa upuan. Wala pa naman ang kanilang teacher sa susunod nilang subject.

"Si Josh, yung kapatid ni Therese." Ngiting sagot ni Jazmine. Mula pa kagabi ang telebabad nila ng binata at hatinggabi na siyang nakatulog dahil sa kakulitan nila sa phone.

"Ah." Tanging bulalas ni Brent. Hindi nga sila nagkamali. Lihim na napasenyas siya kay Berlin na totoo nga ang naisip nila. Wala namang pakialam si Bimbi at tanging ito lang ang masyadong apektado.

"Tuloy tayo sa Friday ha? Makakapasok na rin daw si Therese bukas. Nakalabas na siya kaninang umaga. Ipagluluto daw tayo ni Josh. Culinary Arts pala ang course nun." Sambit ni Jazmine.

"Yeah. Excited na nga ako." Bulalas naman ni Brent.

"YOU see? Si Josh nga ang kausap ni Jazmine sa cellphone." Anas ni Berlin kay Bimbi nang yayain niya itong magrestroom tutal wala pa naman ang kanilang adviser. Pero gusto niya lang sisihin ang kambal.

"I don't care anymore. Kung gusto mo siyang pigilan, go ahead. Huwag ako ang pagbuntunan mo ng inis mo." Bulalas naman ni Bimbi sa kambal pero lihim din siyang naiinis sa sarili.

"Hindi ka lang nakakainis. Nakakairita ka pa! Pag ako ang nabadtrip Bimbi, hahamunin ko ng suntukan yung Josh na yon. I don't care kung kapatid siya ni Therese!" iritang sambit ni Berlin.

"You're pathetic! Lumaban ka ng patas kung gusto mo! Hindi ka pa rin nagbabago dahil yon din ang ginawa mo sa akin noon. Dinadala mo lahat sa basag-ulo." Asik ni Bimbi.

"Ikaw naman kasi eh! Ikaw lang naman ang nagpupumigil sa akin kung bakit hindi ko magawang makipagbalikan kay Jazmine! Ikaw lang naman ang nagpapahirap ng kalooban ko!" asik din ni Berlin.

"Hindi kita pinipigilan! It's your choice kung makipagbalikan ka sa kanya." Anas ni Bimbi pero naintindihan naman niya kung bakit hindi ito magawa ng kambal. Hindi ito nakapagsalita.

"Hindi mo pagmamay-ari si Jazmine. Wala kang karapatang hadlangan kung gusto niyang humanap ng iba. Berlin, love is not all about happiness. Sometimes, it deals with sacrifices. Most of the time, it means letting go. Pareho nating ayaw masaktan ang isa't isa. I broke-up with her because I chose you at hindi ko sinasabi na piliin mo rin ako. Ang gusto ko lang mangyari na burahin na siya sa buhay natin and move-on with our lives. Di ba yon din naman ang gusto mong mangyari?" mahabang pahayag ni Bimbi.

"Mas lalo akong nasasaktan kapag naisip ko na mapupunta lang siya sa iba. Mas kakayanin ko pa na mapunta siya sayo atleast ikaw ay kambal ko." Malungkot na sagot ni Berlin.

"Hanggang kailan ba tayo magkakaganito? Wala na nga kami ni Jazmine pero siya pa rin ang pinagtatalunan natin. Akala ko kapag wala na siya sa buhay ko ay makapagsimula na tayo pero heto pa rin tayo, Berlin. Heto pa rin tayo at paulit-ulit na lang. Hindi ka ba napapagod?" anas ni Bimbi.

"Mali naman kasi ang desisyon mo. Sana hindi mo siya hiniwalayan. Sana hinintay mo ang tamang panahon na tuluyan kong makalimutan ang pagmamahal ko kay Jazmine." Sambit ni Berlin.

"Kailan pa yon, Berlin? Kailan pa yon?" desperadong tanong ni Bimbi at hindi nakasagot ang kambal.

"BAGUIO? Hindi ako puwede, Posh." Bulalas ni Bradley nang yayain siya ng dalaga. Balak nitong ipasyal ang bata at guso nito na sasama siya para mas lalong makapaglibang ang kanilang anak.

"Two days lang naman tayo roon eh. Aalis tayo ng Sabado ng madaling araw then uuwi din Sunday ng gabi. I am just doing this to Haley." Pagpupumilit pa ni Posh.

"Okay. Susubukan kong magpaalam kay Cara kung papayagan niya ako pero kung hindi, pasensiyahan na lang tayo. I can make a way to spend time with my daughter na hindi na kailangan pang pumunta ng Baguio." Sagot na lamang ni Bradley. Pakiramdam niya na ngayong nagkabalikan sila ng kasintahan, gumagawa naman ng paraan ito para pag-awayin silang magkasintahan.

Tatak Ng Isang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon