KABANATA 81

14 0 0
                                    

KABANATA 81

Dahan-dahang iminulat ni Brix ang mga mata. Noong una'y hindi klaro ang imahe na nakikita niya ngunit palinaw ito ng palinaw hanggang sa makita niya ang anim na mukha na nakangiti sa kanya.

"Kumusta ang pakiramdam mo, Kuya?" ngiting tanong ni Byron.

"N-Nasaan ako?" ang naisagot ni Brix. Naalala niyang sinalo niya ang bala para kay Byron pero alam niyang hindi siya sa hospital dahil sa sky blue na pintura sa kisame at may chandelier pa sa gitna.

"Nandito ka sa kuwarto mo. I mean, sa kuwarto nyo ni Miss." Ngiting sagot ni Bimbi.

Pinagmamasdan maigi ni Brix ang mga kapatid na nakatingala sa kanya ngayon na nakaikot sa kanyang higaan. Mula kay Brent sa kaliwa pakanan at nagtama ang mga mata nila ni Benedict na panghuli. Ginagap niya ang kamay ng huli kasabay ng pangingilid ng kanyang mga luha.

"B-Ben." Bulalas ni Brix at tuluyang napaiyak.

"Ssh baka makasama sayo ang pag-iyak." Bulalas ni Benedict na tumulo rin ang mga luha. Mabuti na lang at sa balikat lang tinamaan ito. Sinadya niyang huwag itong isugod sa hospital at nagpatawag na lang siya ng emergency doctor para dito na i-confined sa bahay ang kapatid.

"Nasaan si Jazmine? Gusto ko siyang makausap." Anas ni Brix.

"Nandoon siya sa baba at hindi siya umalis para matiyak ang kalagayan mo, Kuya. Tatawagin ko siya." Sagot ni Bimbi at lumabas siya ng kuwarto nito at maya't maya'y kasama na nito ang dalagita.

"Kuya!" bulalas kaagad ni Jazmine at napayakap sa kapatid.

"Kiddo, ayokong iparating mo kay Daddy ang narinig mo kanina sa akin. Huwag mo rin sabihin sa kanya na natagpuan ko na ang tunay kong pamilya." Kaagad na sambit ni Brix sa kapatid.

"Oo, Kuya. Nag-usap na kami ni Bimbi. All this time, hindi ko akalain na sila ang mga kapatid mo. Kaya pala malapit din sila sa puso ko dahil nagmamahal din sila sayo." Naluluhang sagot ni Jazmine.

"I never expected it either. Siguro kay Bimbi dahil noon pa man, naramdaman ko ang lukso ng dugo. Na sobrang gaan ng pakiramdam ko sa kanya na parang itinuturing ko siyang kapatid." Sagot ni Brix na napalingon sa nakababatang kapatid at napangiti naman ito sa kanya.

"Yeah. Kaya pala ganun na lang ang saya niya noong ibinigay ko sa kanya ang pasalubong mo. Gusto ko nga'ng magtampo sa kanya dahil all this time, hindi niya sinabi sa akin ang tungkol sa pagiging magkapatid ninyo. Na ako lang ang walang alam sa sikretong ito." Anas ni Jazmine at inakbayan siya ni Bimbi.

"Dahil gusto namin na kami mismo ang magsasabi kay Kuya na kapatid namin siya." Ani Bimbi.

"Huwag na kayong magtalo. Basta Kiddo, hindi dapat malaman ni Daddy o ni Mommy ang totoo. Hindi nila dapat malaman na nandito na ako sa Pilipinas." Ulit ni Brix at napatango ang kapatid.

"Nagugutom ako, Ben." Bulalas na lang ni Brix.

"Ayaw mo bang mag-Kuya sa akin?" ngiting ani Benedict na sinundan nila ng tawa.

"Nagugutom ako, Kuya." Ulit ni Brix na napapangiti at tumawa sila uli.

"Tingnan ko kung nakapagluto na ang Misis ko. I mean, Misis mo." Natatawang anas ni Benedict at natawa uli sila. Sumabay naman sa kanya si Jazmine para makatulong na rin sa pagsisilbi sa kapatid nito.

"Berlin, alam ko na hindi maganda ang simula natin noon pero babawi ako sayo. Babawi sayo ang Kuya ha?" madamdaming sambit ni Brix nang maiwan ang mga ito at napayakap sa kanya ang kapatid.

"Alam mo ba Kuya na kambal ko siya?" ngiting anas ni Bimbi.

"Really? Tapos pinag-aawayan nyo pa noon si Jazmine." Hindi makapaniwalang bulalas ni Brix.

Tatak Ng Isang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon