KABANATA 23

31 0 0
                                    

KABANATA 23

Gaya ng bilin ng mga magulang, maagang umalis si Berlin sa bahay nina Bimbi at malayu-malayo na rin ang lalakbayin niya gamit ang big bike pauwi. Isa pa’y wala na siyang kaangkas at ayaw din naman ng kaibigan na gabihin siya sa daan. Masaya naman silang nagkuwentuhan kasama pa ni Cara. Ipinasyal pa siya ni Bimbi sa niyugan sa likod-bahay ng mga ito at nag-enjoy kumain ng buko.

Mabagal lang naman ang pagpapatakbo ni Berlin ng motorsiklo pero mas maaga pa rin siyang nakarating at wala naman gaanong traffic kaya naisipan niyang dumaan sa condo ni Benedict. Alam niyang alas otso pa ng gabi dumadating ang mga magulang sa bahay at may dalawang oras mahigit pa siyang natitira para tumambay roon. Gusto niya rin makausap si Miss Pontanal kung ano nangyari sa school.

DING! DONG!

Napatayo si Byron para pagbuksan ang pinto. Kasalukuyan silang nanonood ni Bradley ng DVD sa sala sa bagong showing na Robocop. Napadaan sila kanina sa mga bilihan ng DVD tapes.

“Kuya Byron.” Ngiting bulalas ni Berlin nang pagbuksan siya nito pero nagulat siya sa mga pasang nakita sa mukha nito. Masayang inakbayan naman siya nito at hinila papasok.

“Kuya Bradley, may bisita tayo.” Ngiting anas ni Byron nang dalhin si Berlin sa sala.

“Kuya Bradley?” gulat na bulalas naman ni Berlin at nagtaka kung bakit naroon ito.

Hindi naman napigilan ni Bradley ang sarili. Napatayo siya mula sa pagkakahiga sa sofa at sinalubong niya ng yakap ang ngayon palang nalamang bunso na kapatid. Napailing-iling naman sa kanya si Byron na para bang pinapaabot niya rito na hindi dapat siya umasta ng ganun at baka makahalata ang bunso.

“Anong nangyari sa mukha nyo?” bulalas ni Berlin at napansin niyang may pasa rin ito.

Lihim namang ipinagpasalamat ni Byron at hindi nabigyang kahulugan ni Berlin ang pagsugod ng yakap ni Bradley rito. Ngunit, wala namang lusot ang mga pasa nila sa mukha.

“Ito kasi eh. Nakipagsuntukan doon sa bar na pinuntahan namin kagabi. Akalain mo ba namang sampu sila at dalawa lang kami.” Pagsisinungaling ni Bradley at itinuro pa si Byron na dahilan. Napakamot naman ng ulo ang kapatid samantalang napatawa naman ng malakas ang kanilang bunso.

“Sana isinama nyo ako. Bakit nga ba nandito ka?” sambit ni Berlin.

“Isinama niya na lang ako rito pagkatapos kaming sunduin ni Kuya Ben.” Sagot ni Bradley.

“Hindi ko alam na magkaibigan pala kayo ni Kuya Byron. Sama nyo naman ako minsan sa lakad nyo para may panlaban din kayo.” Pagmamayabang ni Berlin at napatawa ang dalawang binata.

“Sige, gimik tayo sa sabado. Nagugutom ka ba? Tara may inorder kaming pizza sa kusina.” Sambit ni Bradley at inakbayan pa ang bunsong kapatid patungong kusina. Sumama na rin si Byron at hinayaan nilang nakabukas lang ang palabas doon sa sala.

“Nagugutom nga ako dahil malayo pa ang binyahe ko. Galing ako sa Cainta kina Bimbi. Hinatid ko siya kaninang umaga at doon siya natulog sa bahay.” Sambit ni Berlin at napaupo sila sa mesa.

“Bimbi Lacson as in yung umagaw sa GF mo?” pagtatama ni Bradley at natawa naman si Byron na noo’y kinuha ang Pepsi sa loob ng refrigerator na tira nila kanina ng kapatid.

“Magkaibigan na kami ni Bimbi. Wala na sa akin yon. Dito nga kami galing kahapon at nalasing kaya isinama ko na sa bahay. Suspended kasi kami dahil may sinuntok kami sa school.” Ngiting anas ni Berlin.

“Hanep ka ‘tol ha? Dapat nga isinama ka namin doon sa bar.” Bulalas ni Byron habang nilalagyan niya ng pepsi ang baso at ibinigay sa bunsong kapatid na noo’y kumakain na ng pizza.

Tatak Ng Isang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon