KABANATA 70

5 0 0
                                    

KABANATA 70

"B-Barbie!" gulat na sambit ni Benedict nang pagdating niya ng bahay ay makita ang dalaga sa hapagkainan. Binuhat naman niya ang pamangkin na pagkakita sa kanya'y nagkukumahog na makababa sa kandungan ni Cara. Nasorpresa talaga siya.

"H-Hello, Kuya Ben." Nahihiyang bati naman ni Barbie.

"B-Buti naman at nakapasyal ka rito." Ngiting sambit na lang ni Benedict at sinadya niyang lapitan si Maggie at halikan ito sa labi para ipakita sa dalagita na epektibo ang palabas nila.

"Hinatid ko lang dito kanina si Hailey dahil pinabantay siya sa akin ni Kuya Bradley sa school at may pasok pa siya. Hinahanap na raw siya ni Hailey kaya dinala ni Ate Posh." paliwanag naman ni Barbie.

"Asan si Bradley? Hindi pa ba umuwi si Berlin?" hanap naman ni Benedict sa dalawang kapatid.

"Naroon sila sa kuwarto sa itaas at kinausap ni Bradley ang tampororot niyang kapatid. Sa tingin ko ay may problema yang si Berlin." Sagot ni Maggie at ikinuwento pa ang nangyari.

"Hailey, dito ka muna kay Tita Cara." Sambit ni Benedict nang marinig ang kuwento ni Maggie at umakyat na rin siya sa itaas para kausapin ang nagtatampo nilang bunso. Dere-deretso siyang pumasok at narinig nga niyang nag-uusap ang mga ito at hindi napansin ang pagpasok niya.

"Diyan ka naman magaling. Pinapagalitan mo ako tapos sasabihin mo na hindi mo sinasadya. Pero ilang beses na bang nangyari ito? Buong buhay ko, hindi ako sanay na pinapagalitan at pinagtataasan ng boses. Alam ko naman ang mga pagkakamali ko pero sana binibigyan mo rin ako ng pagkakataon na marinig at initindi ang point ko. Wala kayo sa tabi ko sa mga panahong nagkaisip ako. Lumaki ako at inakalang nag-iisa lang akong anak. Out of the blue, heto ako ngayon at isa sa mga bunso ninyong kapatid. Sinusubukang makisama at masanay sa bagong buhay na ibinigay sa akin. Pero nasasaktan ako sa tuwing pinagsasalitaan mo ako at pinapadama sa akin na bunso lang ako." Naluluhang sambit ni Berlin.

"Berlin, hindi totoo yan." Si Benedict na biglang sumingit at nilapitan ang kapatid.

"Kuya Ben." Anas ni Berlin at tuluyang napaiyak at parang batang nakakita ng kakampi. Sa lahat ng mga Kuya niya, dito niya lang nadama ang pagkalinga at pagmamahal. Kahit minsan, hindi siya pinagalitan nito at labis-labis na ipinapadama nito ang pagiging magkapatid nila.

"Huwag mong isipin na pinapagalitan ka o pinagsasabihan ka ng mga Kuya mo dahil bunso ka lang. Hindi ganun yon. Sadyang magkaiba lang ang buhay na kinalakihan ninyo. Kung nasanay ka na hindi ka pinapagalitan ng mga magulang mo at wala kang kapatid na sumusuway sayo, kabaliktaran naman ang Kuya Bradley mo. Buong buhay niya ay tumayo siyang Kuya sa mga kapatid niya. Buong buhay niya ay wala siyang sinunod kundi ang makapangyarihang salita ng Daddy nila. Hindi ko kayo masisisi kung bakit laging may gulo sa pagitan ninyong dalawa. Kaya nga nagpapasalamat ako na habang maaga ay natagpuan ko kayo at hindi pa huli ang lahat para makilala natin ang isa't isa bilang magkakapatid. Bilang Santillan. Kung anuman ang pagkakamali at pagkukulang ng bawat isa, huwag tayong padalus-dalos sa gagawin natin. Dahil yon ang makakasira sa atin. Yon ang magbibigay ng kahinaan sa atin. Isipin ninyo na hindi pa tapos ang laban natin sa mga taong umapi sa pamilya natin." Paliwanag ni Benedict sa dalawang kapatid.

"I'm sorry." Bulalas na lang ni Bradley.

"Hindi na maibabalik ng sorry mo ang malaking kasalanang nagawa ko sa buhay ko. Kung hindi dahil sayo, hindi mangyari ito." bulalas ni Berlin at napahagulgol na ipinagtataka nina Benedict at Bradley. Naisip ng una na ito ang ikinukuwento kanina ni Maggie na hindi nila alam kung anong nangyayari sa kapatid.

"Anong ginawa mo?" kinakabahang tanong ni Benedict. Alam niyang padalus-dalos ang kapatid at kung ano ang gusto nitong gawin ay walang makapagpipigil gaya ng nangyari sa pagitan nito at ni Frank.

Tatak Ng Isang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon