KABANATA 34

31 0 0
                                    

KABANATA 34

“MOM, Dad, I need to talk to you.” Salubong ni Berlin sa mga magulang nang dumating ito ng bahay pagkatapos niyang humalik. Sinadya talaga niyang hintayin ang pagdating ng mga ito sa terasa.

“What is it, son?” nagtatakang tanong ni Frank.

“Okay lang ba na dito si Bimbi mag-stay sa atin during weekdays? Malapit na kasi ang Centennial Celebration at marami kaming inaasikaso sa school. Incharge siya kasi sa mga school activities namin at medyo late na ang pag-uwi niya starting on Monday. Sa Cainta pa siya umuuwi. Saka naisip ko na rin na mas makabubuti na may kasama ako sa kuwarto ko after what happened. I know na kumuha na kayo ng security guard pero mas kampante pa rin ako kapag nandito siya lalo na’t late din ang pag-uwi ninyo everyday galing ng office.” Sambit ni Berlin sa mga magulang at yon lang ang naisip na dahilan. Hindi naman niya masabi na naglayas ang kambal at talagang hindi papayag ang mga magulang na dumito ito.

“That’s fine, baby. I agree para may makakasama ka rito sa bahay habang wala kami.” Masiglang bulalas ni Paris dahil sa totoo lang ay nag-aalala siya masyado para sa anak.

“Pero alam na ba ito ng mga magulang ni Bimbi?” tanong naman ni Frank.

“Yes, Dad. Balak nga sana ni Tito Edmundo na magdo-dorm na lang siya sa school pero naisip ko na dito na lang siya sa atin. He’s now my bestfriend, Dad. Ilang beses ko na siyang pinatulog dito sa atin and I think kilala nyo naman siya na hindi siya bad influence sa akin at mapagkakatiwalaan.” Sagot ni Berlin.

“Well, it’s okay with me then. Ipapalinis ko ang guest room kay Yaya Saleng bukas.” Anas ni Frank.

“Thanks, Dad. Pero doon na lang siya sa kuwarto ko at malapad naman ang kama ko. Kasya naman kaming dalawa roon.” masayang sambit ni Berlin at niyakap ang mga magulang.

“Sige, tatawagan ko muna siya para sabihin na pumayag na kayo.” Excited pang sambit ni Berlin.

“KUYA, tumawag si Berlin. Payag daw ang mga magulang niya na doon ako mag-stay sa kanila.” Masayang bulalas ni Bimbi nang lumabas siya ng kuwarto at eksaktong tinawag siya para maghapunan.

“That’s great. Pero mag-ingat ka roon. Be vigilant. Hindi natin alam na baka pumayag si Frank para madali para sa kanya na ibigay ka kay Edmundo. Kahit anong oras, tawagan mo ako o sinuman sa amin ng mga kuya mo o maski sina Ate Maggie at Ate Cara mo .” Sambit ni Benedict.

“Opo, kuya. Sa Sunday na raw ako lilipat doon.” Sagot ni Bimbi.

“Sige. Pero may pupuntahan tayong birthday party sa Sunday ng gabi. Gusto ko kayong isama lahat kung gusto ninyong sumama sa akin.” Payag naman ni Benedict.

“Uhm Kuya, manonood din kasi kami ng sine ni Cara sa Sunday night at isasama ko si Baby Ron. Tumawag kanina si Barbie at niyaya kami. Pumayag na ako. Hindi ko naman alam na may party tayong pupuntahan.” Sambit naman ni Bradley. Napag-usapan na nila yon kanina ni Byron.

“Hindi rin ako puwede, Ben. Magni-ninang ako sa anak ng co-teacher ko at baka gabihin na akong umuwi. Sa Bulacan pa kasi yon. Nahihiya naman akong huwag pumunta.” Sambit naman ni Maggie.

“Ganun ba? O sige, ang kambal na lang ang dadalhin ko. Basta Bradley, huwag na huwag mong pababayaan si Baby Ron. Baka hindi natin alam na pinapasundan pa rin ni Raul si Barbie at mapahamak na naman ang kapatid mo.” Paalala ni Benedict. Nahihiya na rin siya kay Byron dahil hindi na ito nakakalabas ng condo para maglibang-libang o makakasama si Barbie paminsan-minsan. Kung siya lang ang masusunod ay ayaw sana niyang payagan ito.

“Naisip ko na yan, Kuya. Pinaalalahan ko na si Barbie. Baka nga sumama na rin si Ate Bella. Sayang at may party ka palang pupuntahan. Makakasama mo sana siya.” Sagot ni Bradley at napapangiti sa kapatid. Sinundan naman nilang lahat yon ng tukso lalo na si Maggie.

Tatak Ng Isang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon