KABANATA 24

43 1 0
                                    

KABANATA 24

“Kuya naman. Hindi mo naman kailangang ipamukha pa yon kay Ate Bella dahil galit din siya kay Daddy sa ginawa nito.” Sambit ni Bradley kay Benedict pagkatapos niyang sundan at pasakayin sa taxi ang nagwalk-out na kapatid. Nasaktan ito sa mga salitang ibinato ng kadugo.

“Anak pa rin siya ng taong tumangkang pumatay kay Baby Ron! Kung alam ko lang sana noon pa ay hindi ko na siya tinulungan kagabi para maramdaman din ni Raul kung gaano kasakit na nakikitang nasasaktan ang mahal niya sa buhay!” anas ni Benedict at napatayo para dalhin sa lababo ang kanilang pinagkainan. Nagtungo naman doon si Byron at siya na ang naghugas pero nakikinig sa kanilang dalawa.

“Walang kinalaman si Ate Bella sa pinanggagawa ni Daddy, kuya. Be reasonable enough. Hindi ibig sabihin na anak siya ni Daddy ay ganun na rin ang tingin mo sa kanya. Hindi mo dapat siya idinadamay sa gulong ito.” Paliwanag pa rin ni Bradley sa kapatid.

“Bakit, Brad? Hindi ba tayo dinamay ng mga taong walang awang pumatay sa mga magulang natin? Naawa ba sila sa atin? Sa kahayupang ginawa nila sa ating lahat? Walang pinagkaiba ang kinikilala mong ama sa mga taong yon! Gaya ni Raul na kayang pumatay ng tao para lang protektahan ang mga mahal niya sa buhay, magagawa ko na rin yon. Tama na ang pang-aapi nila sa atin! It’s an eye for an eye and a tooth for a tooth!” naluluhang sambit ni Benedict at ramdam niya ang pananakit ng ulo.

“Then you make no difference to them, kuya. Magiging pareho ka rin nila sa gagawin mo. Hindi lahat ng tao ay gagantihan mo. If you want justice, do it in a right way.” Bulalas ni Bradley.

“At ano ang tama, huh? Ang manahimik na lang at tanggapin ang pang-aapi nila? Ng mga taong katulad ng kinikilala mong ama? Alam mo ba kung ano ang pinakamasakit sa lahat? Wala man lang akong magawa para maipakulong siya dahil naiipit ka sa sitwasyon! Makukulong ka rin ayon kay Frank at ikamamatay ko yon! Kaya hindi mo ako masisisi kung kinamuhihian ko pati ang Bella na yon. At gagawa ako ng ibang paraan para makaganti kay Raul. I will do everything to tear him down no matter what it takes!” puno ng poot na sambit ni Benedict.

“Kuya, paano naman ako? Anong mangyayari sa amin ni Barbie?” singit ni Byron.

“Hinding-hindi ko siya matatanggap para sayo, Baby Ron. Isipin mo mang makasarili ang kuya pero hindi ako papayag na mabilang siya sa pamilya natin. Bata ka pa. Marami ka pang makilala diyan. Hindi ko hahayaan na matapakan ang prinsipyo at dignidad ng mga Santillan dahil yon lang ang natitira sa atin.” Sagot ni Benedict nang linguhin ang kapatid.

Pumatak ang luha sa mga mata ni Byron at kahit hindi pa siya tapos maghugas ng mga plato ay tinalikuran niya ang panganay na kapatid at nagkulong sa kuwarto.

Napailing na rin si Bradley at sinundan ang kapatid sa kuwarto nito. Sinusubukan niyang intindihin ang lahat ng mga sinabi ni Benedict pero taliwas ito sa kanyang paniniwala. Kaya niyang burahin sa kanyang buhay ang kinikilalang ama pero hindi niya kayang talikuran ang mga kinikilalang kapatid.

Napahagulgol naman si Benedict nang iwan siya ng dalawang kapatid. Wala siyang intensyon na saktan ang mga ito. Sa paglipas ng mga panahon ay naging matigas na ang kanyang puso. Nagagalit siya sa mga taong umapi sa kanilang pamilya noon at maging sa kasalukuyan.

“Anlabo mo naman eh. Akala ko ba tatambay tayo sa condo ni Kuya Ben?” bulalas ni Berlin nang tawagan niya si Bimbi sa cellphone. Yon kasi ang napag-usapan nila kahapon.

“Pinagalitan kasi ako ni Daddy kagabi pagkatapos niyang pumunta sa school kaya grounded ako ngayon. Hindi ako puwedeng lumabas ng bahay o mag-overnight kapag walang pasok.” Sambit ni Bimbi.

“Hindi ka pala makakasama sa sabado kung ganun? Nagyayaya pa naman si Kuya Bradley na gumimik sa Malate. Hinihintay niya lang si Cara na magday-off.” Bulalas ni Berlin.

Tatak Ng Isang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon