KABANATA 68

13 0 0
                                    

KABANATA 68

"Kuya, bakit?" tanong ni Bradley nang ipatawag siya kay Bimbi at naroon sila sa terasa sa ikalawang palapag ng bahay paharap sa gate. Nakaupo rin doon si Byron at may Tequila pang katabi at pulutan. Nasa kuwarto siya at papatulog na sana sila ni Cara. Naiwan doon ang kasintahan. Hindi siya nakapaghindi nang abutan siya ng Tequila ng kapatid at nawewerduhan siya sa ikinikilos nito na para bang may sasabihin.

"Is this about Berlin, Kuya?" tanong naman ni Bimbi na napaupo sa veranda ng terasa.

"No, this is not. Bumaba ka nga at baka mahulog ka pa diyan." Sagot ni Benedict at inilalayan niya ang bunsong kapatid na makababa. Tumabi na lang ito kay Byron.

"Speaking of Berlin, kasama niya si Therese sa Batangas." Pagtatapat na lang ni Benedict dahil alam niyang nag-aalala sa kanya ito maski sabihin niyang safe ang kambal nito. Pero sinusubukan pa rin niyang tawagan ang number ng kapatid pero hindi na niya ito makontak pa.

"What?" sabay-sabay na sambit ng tatlong kapatid maliban kay Byron na ANO naman ang sinambit.

"Pero hindi niya sinabi sa akin kung bakit si Therese ang kasama niya roon at hindi si Jazmine. Saka na lang natin siya tanungin pag umuwi na siya bukas. Pero kampante naman ako at may kasama siya roon at alam naman ni Therese ang tungkol sa mga banta sa buhay natin. Hindi niya pababayaan ang kapatid natin." Mahabang sambit ni Benedict sa mga nagulat na kapatid. Maski siya ay nagulat na rin.

"Mas okay nga na si Therese ang kasama niya kaysa kay Jazmine at baka may mangyari pa kung GF niya ang kasama nito lalo na't galit sa akin yon." Sambit naman ni Bradley.

"Puwede ka ng ngumiti, Bim." Tukso naman ni Byron sa kapatid.

"Ulol. Mas nakakatakot pa nga na si Therese ang kasama niya roon, Kuya. Alam nyo naman kung gaano kamanyakis yon at nagtitimpi lang siya sa alindog ni Therese." Seryosong sambit ni Bimbi na sinundan nila ng tawa. Pero hindi siya natuwa roon pero parang may bahagi ng kanyang isipan na nagpapasalamat na rin at hindi nga si Jazmine ang kasama nitong nag-overnight sa resort sa Batangas.

"Bago ako umuwi rito kanina ay dumeretso ako sa bahay nina Therese para kausapin ang mga magulang niya at sabihin na kasama ni Berlin ang kanilang anak. Wala naman silang alam dahil hindi raw nagpaalam si Therese at sinubukan nilang kontakin pero naka-off ang cellphone nito." Ani pa Benedict.

"Anong sabi ni Tito Theo?" nag-aalalang tanong ni Berlin.

"Parang galit siya. Sinabi ko na lang na kasama ka naman nila at umatend kayo ng birthday party roon. Kaya kapag magtanong siya sayo, yon ang sasabihin mo." Sagot ni Benedict.

"Buti na lang at wala akong number sa kanila." Anas na lang ni Bimbi.

"Hindi ba sila nagtataka sayo Kuya at bakit ikaw ang pumunta roon at hindi si Frank para sabihin ang kinaroroonan nina Berlin at Therese?" curious na tanong naman ni Byron.

"Well, sinabi ko sa kanila na galing kayo sa condo kanina. Ikinukuwento naman ni Therese sa kanila na lagi kayong tumatambay roon kaya hindi na sila nagduda pa. Hay! Ang hirap pala na tumayong magulang sa inyo at kailangan ko ring harapin ang magulang ng mga kaibigan ninyo." Sagot ni Benedict.

"Wala namang problema sa mga magulang ni Therese kapag alam nilang ako ang kasama niya. Napatunayan ko na ang sarili ko sa kanila at alam nilang magbestfriend kami." Sambit naman ni Bimbi.

"Anyway, anong gusto mong sabihin sa amin?" tanong naman ni Bradley kay Benedict. Napansin niyang nagsalin ito ng Tequila at napalagok bago sinagot ang kanyang tanong.

"It's about your Kuya Brix." Sambit ni Benedict at kasabay ng panlulumo. Sinadya niyang umiwas ng tingin sa mga nag-aalalang kapatid dahil hindi niya napigilang mapaluha.

Tatak Ng Isang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon