KABANATA 36

22 0 0
                                    

KABANATA 36

“PATAWARIN mo ako, Benny. Nagawa ko lamang yon dahil sa hirap ng buhay. Inuusig ako ng kunsensiya ko sa loob ng labinlimang taon. Napakabuti ng ama mo sa akin pero nagawa ko pa rin siyang pagtraiduran. Nakahanda akong pagbayaran ang mga kasalanan ko. Nakahanda akong magtestigo laban kay Gregorio. Ibabalik ko rin ang dapat na sa inyo.” Naiiyak na sambit ni Caridad sa binata.

Hindi napigilan ni Benedict ang mapaiyak sa katotohanang ipinagtapat ng ina ni Lydia. Nakatingin siya sa mga dokumentong ibinigay nito sa kanya at naroon lahat ang kasagutan sa mga tanong niya. Kung hindi lamang dahil sa kabutihan ng kalooban niya ay kanina pa siya nakapatay ng tao. Nanginginig ang buong katawan niya at kung hindi pa siya aalis, patawarin siya ng Diyos pero baka masakal niya si Caridad.

“Benny!” habol ni Caridad sa binata ngunit tuluyan na itong lumabas ng kanyang kuwarto.

“Ben, b-bakit umiiyak ka? Anong nangyari?” gulat na sambit ni Lydia nang makasalubong ang binata galing sa kuwarto ng ina. Dadalhan pa sana niya ito ng pagkain dahil kanina pa ito sa loob.

“S-Salamat, Lydia. Uuwi na kami.” Tanging nasambit ni Benedict at dali-daling hinanap ang kambal. Tinawag pa siya ni Lydia ngunit dere-deretso siyang lumabas ng bahay bitbit ang mga dokumento.

“Uuwi na tayo.” Asik ni Benedict sa mga kapatid na ipinagtataka naman ng mga ito.

“We have to go.” Paalam ni Berlin kina Julia at Tabitha at nagmamadaling sinundan nila ni Bimbi ang kapatid na nakalabas na ng gate. Kailangan pa nilang tumakbo para mahabol lang ito.

“Kuya, sandali. What happened?” maang na tanong ni Bimbi nang masabayan na nila ito ngunit nagulat sila nang tuluyang itong mapahagulgol at napayakap sa kanilang dalawa ni Berlin.

“Berlin, tawagan mo ang Kuya Bradley ninyo na umuwi na sa condo ngayon din. Doon na lang tayo mag-usap magkakapatid.” Bulalas ni Benedict nang medyo humupa sa pagkakaiyak. Sinunod naman siya ng kapatid samantalang nag-aabang naman ng taxi si Bimbi.

“KUYA, what’s going on?” sambit ni Bradley nang makauwi sa condo at lihim na naiinis sa panganay na kapatid dahil naudlot ang panonood nila ng sine. Nahihiya pa siya kay Barbie at pinasakay na lamang nila ito sa taxi para umuwi na rin. Walang nabanggit kanina si Berlin nang tawagan siya nito.

“Maupo kayong lahat at may dapat kayong malaman.” Seryosong sambit ni Benedict. Hinayaan niyang nandoon sina Maggie at Cara dahil pamilya na rin ang turing niya sa mga ito.

“Nakausap ko si Caridad, ang ina ni Lydia na dating sekretarya ni Daddy.” Panimula ni Benedict.

“Sino si Lydia?” maang na tanong naman ni Byron.

“Siya ang sekretarya ngayon ni Gregorio.” Sagot ni Benedict sa kapatid.

“And then what happened?” ani Bradley at biglang nacurious bigla.

“Kinumpirma niya sa akin na ang Calderon Builders ay dating Santillan Landholdings na pagmamay-ari ni Daddy.” Sambit ni Benedict at unti-unting tumulo ang kanyang mga luha. Nagulat ang lahat.

“Paano nangyari yon? Paano napunta sa pamilya ni Jazmine ang kompanya natin?” bulalas ni Bimbi.

“Ninakaw ni Gregorio ang kompanya natin. Isa lang pala siyang business partner ni Daddy together with a certain Abram Mendez pero hindi ko siya kilala. Ayon kay Caridad, gustong bilhin ni Gregorio ang ilang shares ni Daddy pero hindi ito pumayag. 50% ang shares na pagmamay-ari ni Daddy sa partnership nila at 20% lang kay Gregorio samantalang 30% naman kay Abram.” Paliwanag ni Benedict.

“Pero paano napunta sa kanya ang lahat?” tanong ni Bradley.

“Dahil makasarili siya at ganid sa kapangyarihan! Gaya ko, he was also a Marketing Specialist samantalang si Abram naman ang Web Designer at si Daddy ang Structural Engineer. Pinagbantaan nito si Daddy na kapag hindi raw binigay ang gusto niya, babawiin nito ang 20% shares but Dad didn’t give a damn! Maraming gustong magsosyo kay Daddy kaya binayaran siya nito ora-mismo katumbas ng 20% shares niya sa kompanya. Pero ilang araw ang lumipas, he asked for Dad’s forgiveness at gusto niyang bumalik uli. Tinanggap naman siya ni Daddy without knowing na may maitim pala siyang balak. And worst of all, isa siya sa mga taong nanakit sa atin noong gabing yon!” napapaiyak na si Benedict.

Tatak Ng Isang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon