KABANATA 82

10 0 0
                                    

KABANATA 82

Puspusan na sina Bimbi at Jazmine ganundin sina Brent at Therese sa paghahanda sa Centennial Celebration na magsisimula sa Miyerkules. It's a 3-day celebration kung saan ang highlight nito ay ang Search for Ginoo at Binibining Centenaryo na gaganapin sa Biyernes ng gabi kaya napi-pressure na rin sina Berlin at Therese. Bihira na nga silang nagkikita sa loob ng campus.

"BEN, I told you na hindi ganun kadali ang gusto mong mangyari. Lahat ng mga investors ay takot kay Gregorio including me. Maraming galamay si Gregorio and they also aware what happened to your Dad." Sambit ni Lauro nang magkita sila sa restaurant uli nito para pag-usapan kamo ang tungkol sa magazine.

"That's the only way para madagdagan ang shares ko sa kompanya, Sir. Wala akong mapapala sa ibang stockholders dahil pag-aari ito ni Laurel Montecarlo at ni Edmundo Lacson." Bulalas ni Benedict.

"I don't know if that's a good idea at kung yon talaga ang gusto mo, you should be careful to talk to them na hindi makakarating kay Gregorio. But why don't you consider Brix's advice?" anas ni Lauro.

"Hangga't wala pa akong kontrol sa Calderon Builders ay hindi dapat malaman ng buong sambayanan na buhay ang mga anak ni Brandon Santillan. Malalagay kami sa peligro." Sambit ni Benedict dahil naikuwento na rin niya ang tungkol sa gustong mangyari ng kapatid.

"No, Ben. Hindi ka dapat matakot dahil kayo ang biktima rito. It will change everything lalo na sa mga investors. Kapag nalaman nila na anak ka ni Brandon Santillan, magbabago ang paniniwala nila. You can not just talk to them one by one at sabihing anak ka ni Brandon at kailangan mo ng tulong. Wala kang basehan doon. Pero kapag lahat kayong magkakapatid are brave enough para humarap at ipabatid sa buong mundo na anak kayo ni Brandon Santillan, they will believe you. Everyone will believe you at makukuha ninyo ang simpatiya ng lahat. Your father is a good businessman. Marami siyang kaibigan including me. Maraming nalungkot, naiyak, at nakiramay noong sumabog ang balita 15 years ago." Sambit ni Lauro.

"Natatakot ako sa maaring mangyari sa mga kapatid ko lalo na ngayong buo na kaming lahat. Minsan ay parang gusto ko na lang ilayo sila lahat dito at mangibang bansa para doon ay magsisimula kami uli. Pero hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nababawi ang lahat ng amin at maigaganti ang ginawa ng mga taong nanakit sa amin." Madamdaming sambit ni Benedict.

"That's why you need to be strong. Nabuo mo na ang iyong mga kapatid at kapit-bisig ninyong harapin ang labang ito. Panahon na para itaas ang bandila ng dugong Santillan. Tutulungan kita, Ben. Sa pamamagitan nito." Anas ni Lauro sabay hawak sa magazine na nakapatong sa mesa.

"Buena Mags?" bulalas ni Benedict.

"Sa bagong edition ng Buena Mags gaya ng gusto mong mangyari, kayong magkakapatid ang una-unang ife-feature ko. Lahat ng gusto mong sabihin at ipabatid sa publiko ay ilalathala ko sa magazine. This would be the start, Ben. We can both benefit from each other dahil sinisiguro ko na ito ang simula ng pagbabago ng ikot ng mundo. Sa pamamagitan ng pagtitiwala mo, makikilala ang negosyo ko at maging sentro ng lahat. Nakahanda akong magpagamit sayo." Seryosong sambit ni Lauro.

"Kailangang kausapin ko uli ang mga kapatid ko, Sir. Kapag sang-ayon silang lahat sa planong ito, we can start as soon as possible. It seems na wala na talaga akong ibang option kundi ang ilantad ang sikreto ng pamilya ko at magiging simula ng mas madugong laban." Sambit ni Benedict.

"KUYA, nakakababa ka na rito." Masayang bulalas ni Berlin kay Brix nang dumating siya kinagabihan at nagsisimula ng kumain ang mga kapatid sa hapagkainan. May supporter nga lang sa balikat nito. Dalawang gabi na siyang late umuuwi dahil sa puspusang pagpapractice.

"Gusto ko na talagang gumaling dahil manonood ako ng pageant mo." Ngiting ani Brix.

"Excuse me. Nagpaalam ka ba sa akin? Porke't hinayaan na kitang bumaba rito para makisalo sa mga kapatid mo ay hindi ibig sabihin na puwede ka ng lumabas." Singit bigla ni Maggie at nakatingin kay Brix.

Tatak Ng Isang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon