KABANATA 03

48 1 0
                                    

KABANATA 03

“KUMPADRE, napadaan ka?” ani Mayor Raul Ramirez nang mapagsino ang naghahanap sa kanya ayon sa sekretarya niya. Nasorpresa niya nang dalawin siya ng isang kaibigan at suporta. Ngayon lang ito nagparamdam uli sa kanya. Kaagad na kinamayan niya ito at napayakap pa rito.

“Kailangan ko kasi ng tulong mo ulit.” Sambit ni Edmundo na napaupo sila sa waiting couch na nasa loob ng opisina ng alkalde. Ito lang ang naisipan niyang lapitan.

“Anything basta kaya ko.” Ngiting sambit naman ni Raul.

“May ipapaligpit akong tao, Raul.” Direktang sabi ni Edmundo na ikinatigagal ng alkalde.

“Bakit? Ano bang nangyari?” gulat na tanong ni Raul. Nakinig naman siya nang magsimulang magsalaysay ang kaibigang matagal ng hindi nakikita.

“Hindi ba puwedeng bayaran mo na lang o di kaya takutin?” suhestyon ni Raul nang marinig ang buong detalye. Hindi na siya magtataka pa at hindi pa rin nagbabago ito.

“Ayokong magkaroon pa ng problema in the future kaya gusto kong patahimikan na lang siya for good. Marami siyang nalalaman at ayokong pumutok yon. Kasalanan na rin naman niya at nagpahuli siya sa anak ko.” Sagot ni Edmundo.

“Wala ka bang tiwala sa mga tauhan mo?” tanong pa ni Raul.

“Ayokong magkaroon ng sabit. In fact, busy ang mga yon sa negosyo ko. I want an outsider to do it and I’m willing to pay kahit magkano. Alam ko marami kang contacts.” Anas ni Edmundo.

“Of course. Isang tawag ko lang yan. Kailan mo ba balak ipaligpit ang Wanchong ito?” sagot ni Raul at hindi naman niya mahihindian ito. Marami na ring pera ang naipasok nito sa kaban niya.

“Tonight.” Walang kagatul-gatol na sagot ni Edmundo.

“Okay. Pero sino ang mag-aalaga sa asawa mo?” tanong pa uli ni Raul.

“Yon nga ang pinuproblema ko eh. Maghahanap pa lang. Yung hindi tatanga-tanga katulad ni Wancho.” Sagot ni Edmundo. Napalingon siya nang biglang bumukas ang dahon ng pintuan.

“Dad, I need your help.” Kaagad na sambit ni Bradley nang deretsong pumasok sa opisina ng ama. Hindi niya alam na may kausap pala ito. Napakunot-noo siya dahil matamang tinitigan siya nito.

“What is it, son?” tanong ni Raul at ikinuwento naman sa kanya ng anak ang kalagayan ng kasintahan nito. Nakikinig lang sa kanila si Edmundo.

“Yon nga ang problema, Dad. Knowing Cara, she doesn’t want to accept the scholarship dahil sinabi ko na rin yon sa kanya. Pero gusto ko pa rin siyang tulungang makahanap ng trabaho. May mga connection ka bang hospitals or hospice na puwede niyang pasukan kaagad? Puwede siyang maging nursing aide or health attendant.” Sambit pa ni Bradley dahil katulad niya, scholarship din ang inofer ng ama sa kasintahan. Napansin niyang napadako ang tingin nito sa bisita.

“Nasagot na ang problema mo, Kumpadre. Di ba naghahanap ka ng health attendant para sa asawa mo?” ngiting bulalas ni Raul sa kaibigan. Napatingin din dito si Bradley.

Pero, Raul –“ protesta pa sana ni Edmundo dahil kung maari pa lang ay ibang tao na lang ang gagawa nun para sa asawang maysakit. Ayaw niya magkaroon ng koneksyon rito maski na kasintahan ito ng anak ng kaibigan.

“Why don’t we call it QUITS? I’ll take care of your problem and you take care of mine.” Putol ni Raul sa sasabihin nito at parang nag-uusap pa ang kanilang mga mata.

“T-That’s a deal then.” Bulalas na lang ni Edmundo at ayaw niya ring hindian ito. Ito nga lang ang tinatakbuhan niya lagi at marami na rin ang naitulong nito sa kanya.

Tatak Ng Isang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon