KABANATA 22

39 0 0
                                    

KABANATA 22

“Ayaw ka niyang kausapin.” Anas ni Bella kay Bradley sa cellphone.

“Sige na. Sabihin mo may good news ako sa kanya.” Ani Bradley at naka-loudspeaker ang cellphone para marinig ni Byron na nasa tabi niya. Nakikiramdam naman sa kanila si Benedict.

“Sa akin mo lang daw sasabihin. Galit siya sayo.” Ani pa Bella.

“Sabihin mong June 18.” Bulong ni Byron sa kapatid.

“Okay, sabihin mo sa kanya na June 18.” Ani Bradley at sinunod ang sinabi ng kapatid.

“June 18? Ano ba yon?” ani naman Bella.

“Basta. Sige na, ate. Sabihin mo na lang sa kanya at pagkatapos gusto ko na siyang makausap.” Ani Bradley sa kapatid. Naghintay naman sila sa sasabihin nito.

“Hello, Kuya Bradley?” ani bigla ni Barbie sa kabilang linya.

Ipinasa naman ni Bradley kay Byron ang cellphone. Napapangiti lang sa kanila si Benedict at inilapag sa mesa ang juice. Nilagyan naman niya ang baso at ibinigay kay Byron.

“Hello, Barbie Doll?” Naluluhang bulalas ni Byron sa kasintahan.

“Ate, sandali ha? Punta lang ako ng CR.” Ani Barbie nang marinig ang pamilyar na boses ng kasintahan. Ayaw naman niyang marinig ng kapatid at baka malaman nito na si Byron ang kausap niya.

“Baby Ron?” bulalas ni Barbie nang nasa loob na siya ng CR.

“I miss you. I love you.” Sunud-sunod na sambit ni Byron.

“I love you, too. Oh God at buhay ka. Paanong magkasama kayo ngayon ni Kuya Bradley?” ani Barbie at hindi siya makapaniwala. Napaluha siya sa sobrang kagalakan.

“Mahabang kuwento. Sasabihin ko na lang sayo kapag nagkita tayo. Ang mahalaga ay buhay ako kaya huwag ka na uli magpapakamatay ha? Huwag mo akong iwan.” Naiiyak na sambit ni Byron.

“Akala ko kasi ay iniwan mo na ako eh.” Naiiyak din na sambit ni Barbie.

“Hindi mangyayari yon. Huwag ka na rin magalit sa kuya mo. Wala siyang kasalanan. Saka ko na ipagtapat sayo ang lahat. Magpahinga ka na riyan para lumakas ka. Mahal na mahal kita.” Ani Byron.

“Mahal na mahal din kita. Ikaw ang bahala kay kuya ha? Sinabi sa akin ni Mommy na naglayas siya. Nag-aalala ako para sa kanya. Sige, ibalik ko na itong phone kay ate.” Sambit ni Barbie.

“Salamat, tol.” Anas ni Byron nang ibalik niya ang cellphone at niyakap ito.

“Patawarin mo ako.” Naiiyak na bulalas ni Bradley nang yakapin siya ng kapatid.

“Kung hindi ka lang mahalaga sa akin, sana hinayaan na kitang patayin ni Kitbol sa kabila ng ginawa mo sa akin. Pero ikaw si Kuya Boodie eh. Kapatid ko.” Naluluhang sambit ni Byron. Nagulat na lamang sila nang kapwa silang yakapin ng Kuya Benedict nila.

“ANONG ginagawa mo? Sino matutulog diyan?” bulalas ni Maggie nang lumabas siya ng kuwarto at kukuha ng maiinom nang makita niyang naglalatag ng kama si Benedict sa sala.

“Kaming tatlo!” bulalas nina Bradley at Byron nang lumabas ng kuwarto at may dala-dalang unan.

“Naku at mag bahay-bahayan pa.” Bulalas ni Maggie na sinundan ng tawa ng tatlong binata.

MAGKAAKBAY na bumaba ng kuwarto sina Berlin at Bimbi at kapwa nakaramdam ng gutom. Hindi na sila nagising kagabi para maghapunan dahil sa kalasingan kaya alas kuwatro pa lang ng madaling araw ay nagtungo sila kusina para maghanap ng makakain.

Tatak Ng Isang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon