KABANATA 53

17 0 0
                                    

KABANATA 53

"Kaya ka ba hindi sumama dahil alam mong pupunta rito si Jazmine?" banat kaagad ni Bimbi sa kambal nang pasukan siya nito sa kuwarto maski na nakikinig si Benedict. Parang naiinis siya na hindi niya maintindihan ang sarili. Pakiramdam niya ay pumaparaan ang kanyang kambal.

"No! Hindi ko alam na pupunta siya rito. At bakit naman ako sasama sa inyo gayong hindi naman kami nag-uusap ni Therese? Para ano?" depensa ni Berlin sa sarili.

"Tama na yan." Saway kaagad sa kanila ni Benedict at baka mapunta na naman sa away.

"Ito kasi eh. Lahat na lang binibigyan ng kahulugan. Di ba ito ang gusto mo? Na magkabalikan kami ni Jazmine? Ba't nagagalit ka ngayon?" sambit pa ni Berlin.

"Hindi ako nagagalit. Ikaw naman ang nagsabi na ayaw mong makipagbalikan sa kanya. So, ano? Bumabaliktad ka na ba ngayon, huh?" depensa naman ni Bimbi sa sarili.

"Ikaw lang naman nag-iisip na magkakabalikan kami ni Jazmine eh. Wala ka na bang tiwala sa akin ngayon? O nagseselos ka lang at magkasama kaming dalawa dito?" ani pa Berlin.

"I said tama na." saway uli ni Benedict.

"Sorry, Kuya. Nagpunta lang naman ako dito dahil nag-alala ako sa kambal ko dahil napaano ang bestfriend niya. But it seems na pinag-iisipan naman pala niya ako ng kung anu-ano." Bulalas ni Berlin at tinapunan ng masakit na tingin si Bimbi bago lumabas na ng kuwarto.

Hindi na bumalik ng kusina si Berlin. Napaupo na lamang siya sa sofa at binuksan ang TV at nanood na lang ng balita. Tumabi na rin sa kanya si Maggie at nag-aabang kung may pasok kinabukan.

"Yes! Yes!" sabay pang sigaw nina Berlin at Maggie nang eksaktong yon ang lumabas sa balita. Nagtatakang magkasabay na lumabas naman ng kusina sina Brent at Jazmine.

"Brent, walang pasok bukas. Suspended pa rin ang klase." Sambit ni Berlin at kapwa napa-YES na rin ang binatilyo at si Jazmine. Napailing naman si Byron dahil akala niya kung ano na dahil sumunod din siya.

"Dadalaw tayo kay Therese bukas." Ani naman Jazmine kay Brent.

NAKAAKBAY si Bradley kay Cara nang magtungo sila sa kusina dahil kinatok sila kanina ni Byron para sabay-sabay na silang maghapunan. Nakangiti ang lahat sa kanilang dalawa.

"Kuya Brad!" anas bigla ni Berlin sabay turo ng daliri sa gilid ng labi nito.

"Bakit? May dumi ba?" ani Bradley at napahawak na rin sa kanyang labi.

"Wala. Tumutulo pa rin kasi ang laway mo eh." Ngiting anas ni Berlin na sinundan nila ng tawa. Umikot naman ang kapatid at pasakal na niyakap siya mula sa likuran.

"Mas masaya kapag marami tayo di ba? Baby Ron, doon ka sa kuwarto ko matutulog mamaya. Pagamit mo muna ang kuwarto mo sa Kuya mo at kay Cara. Kayong tatlo naman sa sala at maglabas lang ng foam. Si Jazmine doon matutulog sa tabi ni Maggie." Sambit ni Benedict nang magsimula na silang maghapunan. Napatingin naman sa isa't isa ang hindi pa ring nag-uusap na kambal.

"Akala ko ba tatabi sa akin si Jazmine?" pang-iirita ni Berlin sa kambal.

"Berlin, nagsisimula ka na naman." Saway ni Benedict sa katigasan ng ulo ng kapatid.

"Did you ask her kung tatabi siya sayo? I don't think so. Sige nga tanungin mo kung sino ang gusto niyang makatabi." Ganti naman ni Bimbi sa pang-iirita sa kanya ng kambal.

Tatak Ng Isang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon