KABANATA 52

11 0 0
                                    

KABANATA 52

"Kuya, nandiyan ang honda civic. Big bike ko ang ginamit ni Kuya Bradley." singit naman ni Berlin. Naintindihan niya ang kambal at maski papaano ay nag-aalala na rin siya kay Therese.

"Then, I'll go with you. Ako na ang magmamaneho." Ani na lang Benedict.

"Puwede rin ba akong sumama?" singit naman ni Brent at nag-aalala rin siya.

"Sige, Brent. Magbihis na kayo." Payag naman ni Benedict.

"How about you? Hindi ka ba sasama?" tanong naman ni Cara kay Berlin dahil nanatiling nakaupo ito sa mesa at kumakain ng bibingka samantalang nagbihis naman ang dalawang binatilyo.

"Nah." Matipid na sagot ni Berlin at napatingin naman sa kanya sina Maggie, Byron at Benedict.

"Akala ko ba ay okay na kayo ni Therese?" nagtatakang tanong ni Cara.

"Something happened again, Ate Cara." Sagot ni Berlin at ikinuwento ang nangyari.

"Mahal ka talaga ni Therese. Ginagawa niya ang lahat to win your heart." Sambit ni Cara pagkatapos niyang marinig ang kuwento. Marami nga siyang na-miss sa mga nangyayari.

"Mahirap turuan ang puso eh. Ilang beses ko ng binigyan ng pagkakataon si Therese para maging magkaibigan kami uli pero paulit-ulit na lang niyang sinisira yon." Malungkot na sambit ni Berlin.

"Si Jazmine pa rin ba ang mahal mo?" tanong ni Cara.

Hindi nakasagot si Berlin dahil nakita niyang nakatayo sa bungad ng kusina sina Bimbi at Brent. Napadako ang tingin sa kanya ng kambal na para bang naghihintay ng sagot niya.

"Let's go?" singit naman ni Benedict para ibsan ang tensyong namamagitan.

"Hindi ka ba sasama?" tanong naman ni Bimbi sa kambal.

"Hindi na. Kayo na lang. I'll spend time with Ate Cara. Ingat kayo." Sagot ni Berlin.

"INDAY, tawagin mo si Jazmine sa kuwarto niya at sabihin mong nagluto ako ng champorado." Utos naman ni Victoria sa katulong. Naawa siya sa anak dahil buong araw itong nagkulong sa kuwarto nito.

"Mam, wala ho siya roon sa kuwarto niya." Ani Inday nang makabalik.

"Ha?" kinabahang bulalas ni Victoria at siya na mismo ang umakyat sa kuwarto ng anak ngunit wala nga ito roon. Hinanap niya sa kabilang kuwarto o maski sa terasa pero hindi niya mahagilap ito.

Samantalang hindi naman alam ni Jazmine kung saan siya pupunta. Sinadya niyang huwag magpaalam sa ina dahil alam naman niyang hindi siya papayagang lumabas dahil masama ang panahon pero gusto niyang makaalis sa bahay nila dahil nagagalit siya sa Daddy niya.

"Mam, saan ho tayo pupunta?" nakailang tanong na ng kanilang driver dahil kanina pa sila paikut-ikot sa loob ng Makati at wala namang sinasabi sa kanya ang anak ng amo. Dagdagan pa ng mahabang trapiko dahil sa kalakasan ng ulan.

"Kuya, hatid nyo na lang ako sa Latoya Condominium." Naisip ni Jazmine na doon na lang siya pupunta. Gusto niyang matahimik ang isipan niya saka isa pa ay gusto niyang makausap si Miss Pontanal at baka may balita ito sa kanyang kapatid. Hinatid naman siya ng driver doon.

"Kung magtanong si Mommy kung nasaan ako, sabihin mo sa kanya na nagpahatid ako sa MegaMall. Huwag mong sabihin sa kanya na nandito ako." Ani Jazmine at napatango naman sa kanya ang driver. Binigyan pa niya ito ng pang-meryenda at alam niyang nagugutom na ito sa kakaikot nila.

Ding! Dong!

"Baka may naiwan sina Kuya." Bulalas naman ni Byron at lumabas ng kusina at siya na ang nagbukas ng pintuan. Naiwan naman doon sina Berlin, Maggie at Cara na nag-uusap.

Tatak Ng Isang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon