KABANATA 84

12 0 0
                                    

KABANATA 84

Sa unang pagkakataon, parang may namatayan sa loob ng Casa Santillan. Tahimik na kumakain ang magkakapatid dahil isang upuan ang nabakantehan. Unang gabi na wala si Berlin sa hapagkainan.

"Tapos ka na, Bim?" ani Benedict nang tumayo ang kapatid. Napatango lang ito at sumunod namang tumayo si Brent at sabay na nilisan ng mga ito ang hapagkainan at umakyat sa kanilang kuwarto.

"Brix, walang binanggit sa akin ang Daddy mo tungkol sayo. I guess na hindi sinabi sa kanya ng Mommy mo na nagkita na kayo. Bukas, sasamahan kita sa hospital para sa weekly check-up mo. Baka puwede mo ng matanggal yang supporter sa balikat mo." Anas ni Benedict.

"Wala ka bang pasok bukas?" tanong naman ni Brix.

"Mayroon pero sasamahan muna kita bago ako pumasok ng opisina." Sagot ni Benedict.

"Kuya, dumating kanina rito ang invitation ni Barbie para sa debut niya." Ani naman Byron.

"Hindi ko nga alam kung makakapunta ako sa Sabado. Namumrublema pa ako kay Ber –" natigilan si Benedict at hindi tinapos ang kanyang sasabihin. Napatingin naman sa kanya ang lahat.

"Kuya, I'm sorry. I know na hindi ko dapat sinabi kay Berlin yon." Anas ni Bradley.

"Nangyari na ang nangyari." Bulalas ni Benedict at napatayo siya sa hapagkainan. Hindi maikakaila na nagtatampo siya kay Bradley dahil ilang beses na niya itong pagsabihan tungkol sa ugali ni Berlin.

"Galit ka ba sa akin dahil sa ginawa ko kay Berlin?" hindi nakatiis na sambitin ni Bradley. Mula pa kaninang umaga sa almusal hanggang ngayon ay hindi siya kinakausap ng kapatid at hindi siya manhid para hindi makuha yon. Napahinto ito at hinarap siya.

"Hindi ko gusto ang ginawa mo, Brad. Ilang ulit kitang pinakiusapan na ako ang kakausap sa kapatid mo pero hindi mo ako sinunod. Imbes na solusyunan natin ang problema tungkol sa kanya pero lalo pang nagkaletse-letse. Tingnan mo ngayon kung nasaan siya?" mahinahong sambit ni Benedict.

"Ako pa ang mali, ganun? Lagi mo na lang kasi pinagbibigyan si Berlin kaya lalong lumalakas ang loob niya para suwayin tayo. Kuya, ginawa ko lang naman ang nararapat para tumino siya!" asik ni Bradley.

"Hindi sa paraang gusto mo, Bradley!" asik din ni Benedict.

"Tama na!" saway naman ni Brix at tumahimik naman ang mga ito. Maya't maya'y magkasabay na bumaba ng hagdanan sina Bimbi at Brent nang marinig ng mga ito ang sigawan nila sa ibaba.

"Ginawa ko ang lahat para mabuo tayong magkakapatid. Hinanap ko kayo kahit saang lupalop man kayo dahil yon ang ipinangako ko sa sarili ko. May kanya-kanya man kayong buhay pero nagawa kong i-adjust ang sarili ko para lang makasabay sa buhay na kinalakihan ninyo. Ginawa kong magpakumbaba para kahit papaano ay maipadama ko na patas akong magmahal bawat isa man sa inyo. Wala kayong alam kung gaano ako nahihirapan maabot lang kayo, masunod ang gusto nyo at magmalimos ng kunting pagmamahal sa inyo. Ako ang panganay at tumatayong magulang ninyo. Sana ipinaubaya nyo man lang sa akin si Berlin dahil ako ang mas nakakaintindi sa kanya. Nasaan ang pagkakaisa natin sa ating pakikipaglaban gayung tayo mismo ay nagsimula ng magwatak-watak." Sambit ni Benedict at tinalikuran ang mga ito.

"GOOD morning, Sir Berlin." Ngiting bati ng dalawang bodyguards nang lumabas ng bahay ito.

"Sino kayo?" kunot-noong anas ni Berlin pero may ideya na siya sa dalawang bodyguards nang makita ang pamilyar na unipormeng suot ng mga ito. May final rehearsal sila ngayon at mamayang gabi na ang kompetisyon. Late siya nagising at hindi na niya naabutan ang mga magulang.

"Pinadala ho kami ni Sir Ben para bantayan at samahan kayo, Sir. Kami ang bagong bodyguards ninyo. Nakausap rin naman kanina ang mga magulang nyo. Ako si Ernesto at siya naman si Rigor." Ngiting sagot ni Ernesto at ipinakilala rin ang kasama. Napa-salute naman ang huli.

Tatak Ng Isang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon