KABANATA 63

21 0 0
                                    

KABANATA 63

"Where's Berlin and Jazmine?" tanong ni Lyla nang magkita sila ni Bimbi pagkatapos ng klase. Nalaman na niya kaninang lunchtime na nagcutting classes si Brent dahil sinugod sa ospital ang Mommy nito.

"Hindi na sila bumalik sa klase pagkatapos nilang pumunta sa mall." Matamlay na sagot ni Bimbi. Nabasa niya kanina ang text ng kambal pero hindi niya nireplayan. Abot na niya na magdi-date pa ang mga yon. Buong hapon nga siyang hindi makapagconcentrate kahit anong pilit niyang huwag isipin ang mga yon.

"Hmm maybe they watched a movie. Anyway, may sundo ka ba?" anas na lang ni Lyla.

"Yup. Pero ayoko pang umuwi eh. Uuwi ka na ba? You want to hang-out with me?" ani Bimbi. Gayong hindi pa naalis sa isip niya ang posibleng nangyayari sa dalawa, gusto niyang mag-unwind.

"Sorry pero hinihintay na kasi ako ng parents ko sa pag-uwi. If you want, we can hang-out together sa bahay. Okay lang naman sa kanila yon. Mas prefer nila na doon tayo kaysa sa labas." Anas ni Lyla.

"Okay. Magpapaalam lang ako sa driver namin." Ngiting anas ni Bimbi.

"J-JAZMINE?" bulalas ni Benedict nang dumating sila ni Maggie sa condo at nadatnan ang dalagita na naglalaro kay Haley kasama ni Berlin. Naroon ang mga ito sa sala at nakahiga sa foam. Napatingin pa siya sa relos at mag-aalas siyete na ng gabi. Galing naman sila ng huli sa supermarket.

"Good evening po." Bati naman ni Jazmine ngunit nagulat siya nang biglang pagkukurutin silang dalawa ni Maggie. Napabalikwas naman ng higa si Berlin at tumawa ng malakas si Haley.

"Ouch! Para saan yon?" anas ni Berlin at natawa rin sa kanila sina Benedict at Byron.

"Aba at nagtanong ka pa? Hindi mo ba naalala na nagcutting classes kayong dalawa?" sambit ni Maggie at natawa na rin sina Bradley at Cara na noo'y lumabas ng kuwarto pagkarinig sa boses ni Maggie.

"Bumili nga kami ng isusuot ko bukas sa pictorial. It's too late para makabalik kami sa school. Kaya dinalaw na lang namin ang Mommy ni Brent sa hospital." Dahilan ni Berlin.

"How is she?" nag-aalalang tanong naman ni Benedict.

"She's okay now. Nandoon pa si Brent nagbabantay sa hospital. And guess what, Kuya. Kuwento sa amin ni Brent, doon na raw siya titira uli sa bahay nila sa Fairview. Siya raw ang dahilan kung bakit na-heart attack ang Mommy niya dahil sobrang nag-aalala ito sa kanya." Sagot ni Berlin.

"Pero natatakot pa rin siya baka sasaktan siya uli ng Daddy niya." Dugtong naman ni Jazmine.

"Well, it's their family's problem. Huwag na lang tayong makialam pa. Ang mahalaga ay tinuring natin na kapamilya si Brent. He is always welcome here." Sambit naman ni Benedict.

"Pero Kuya –" nag-aalalang bulalas ni Berlin.

"Berlin, hayaan mo na kung yon ang kagustuhan ng pamilya niya." Putol naman ni Bradley.

"Ate Maggie, hindi mo ba kasama si Bimbi?" nag-aalalang sambit naman ni Cara. Akala niya kanina nang magtext sa kanya ito ay kasama nitong nang-grocery ang binatilyo.

"H-Hindi. Wala pa ba siya rito?" nag-aalalang bulalas ni Maggie.

Kaagad namang inilabas ni Benedict ang kanyang cellphone at tinawagan ang kapatid. Nawala ang kaba sa kanyang dibdib nang marinig na nagri-ring ito at sinagot naman ng kapatid.

"Bim, where are you?" nag-aalalang tanong kaagad ni Benedict.

"I'm here at Lyla's house, Kuya. I met her parents. Niyaya ako ni Lyla at uuwi na rin ako mamaya after dinner. Nahihiya kasi akong humindi sa Mommy niya." Sagot ni Bimbi.

Tatak Ng Isang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon