KABANATA 06

30 0 0
                                    

KABANATA 06

“SIGE, Mom. Okay lang. Maghihintay na lang ako rito.” Ani Jazmine nang makatanggap siya ng tawag sa ina nang palabas na siya ng gate ng SLA. Mali-late ang pagsundo sa kanya ng kanilang driver dahil ilalabas na sa hospital ang kapatid dahil pamimilit nito.

Mag-isang napaupo si Jazmine sa waiting shed na nasa gilid lang ng gate ng SLA. Hindi na sila nagkausap pa ni Berlin hanggang sa matapos ang klase ng hapong yon. Siguro hinayaan muna siya ng kasintahan pagkatapos ng nangyari kanina sa World History class nila. Napapagod na siya sa away nilang dalawa sa isang bagay na hindi naman dapat pag-awayan.

“Tatay Elmo, sandali. Pakihinto naman ho ng sasakyan sa tabi.” Sambit ni Bimbi nang mamataan niya si Jazmine na mag-isang nakaupo sa waiting shed. BUmaba siya ng sasakyan at nilapitan ito. Naroon pa rin ang lungkot sa mga mata nito.

“Wala ka bang sundo? Puwede kitang idaan sa bahay ninyo.” Ani Bimbi na ikinagulat ng dalaga. Hindi nito napansin ang paglapit niya dahil nakatingin ito sa malayo.

“T-Thanks pero mali-late lang yung driver namin.” Sagot ni Jazmine. Kung maaari pa lang, ito ang taong ayaw niyang Makita o makausap sa mga oras na ito. Ano na naman ang sasabihin ni Berlin sakaling makita silang nag-uusap at dalawa lamang sila sa waiting shed na ito.

Ramdam pa rin ni Bimbi ang kalungkutan maski sa boses ng dalaga. Para bang buong hapon itong umiyak dahil namumugto pa ang mga mata. Ayon sa tsismosang si Robbie na kaklase nilang bading, nalaman daw kasi ni Berlin ang tungkol sa parusang ibinigay sa kanila ni Miss Pontanal.

“Alam mo, puwede naman akong hindi pumunta sa Sabado para sa makeover ng classroom ni Miss. Maghahanap na lang ako ng rason. Ayaw ko na ako ang dahilan ng away ninyong dalawa. Ayoko na ako ang dahilan ng kalungkutan sa iyong mga mata.” Sambit ni Bimbi at napatingin ito sa kanya na para bang nag-uusap ang kanilang mga mata.

“Huwag mo nga’ng sisihin ang sarili mo dahil wala ka naman ginagawang masama at hindi mo naman kagustuhan yon. Ako pa nga ang nahihiya dahil dinamay pa kita kaya napagalitan tayong dalawa ni Miss Pontanal. Si Berlin lang talaga ang hindi makakaintindi.” Sambit ni Jazmine pero parang kanta sa kanyang pandinig ang huling sinambit ng binatilyo.

“Minsan, gusto ko na lang idaan sa tawa ang mga ginagawa niya sa akin. But sometimes, it hurts. Kahit anong iwas ko sa kanya, lagi pa rin siya nandiyan at binabantayan ang bawat kilos ko. Hindi pa ba siya kuntento na siya ang BF mo at nagseselos pa siya sa akin?” seryosong sambit ni Bimbi.

“Hindi ko nga siya maintindihan, Bim. Wala naman tayong ginagawang masama at ngayon nga lang uli tayo nag-uusap eh. Pasensiya ka na ha?” bulalas ni Jazmine at nahiya sa binatilyo.

“Wala ba siyang tiwala sayo?” patanong na sagot ni Bimbi.

“Yon nga lagi ang pinag-aawayan namin eh.” Bulalas ni Jazmine.

“Jazz, you’re still here! Wala ka bang sundo?” anang bigla ni Violet na hindi nila napansing lumabas ng gate kasama ni Kurt. Lumapit pa ang mga ito sa kanilang dalawa.

“Paparating na. Medyo na-late lang.” sagot ni Jazmine sa kaibigan. Napatingin pa siya kay Bimbi dahil nababasa niya ang mukha ng binatilyo gayong nahuli silang magkasamang dalawa.

“Well, puwede naman namin kayong samahan rito.” Bulalas na lang ni Violet.

“T-Thanks. Sinasamahan nga rin ako ni Bimbi dahil wala akong may makausap.” Dahilan na lamang ni Jazmine at ayaw niyang mag-isip ang mga ito lalo na si Kurt at close it okay Berlin.

“Uhm sige, Jazz. Tutal andito na si Violet.” Bulalas naman ni Bimbi at nagpaalam na sa dalaga. Napdako pa ang tingin niya kay Kurt na matamang nakatingin sa kanya.

Tatak Ng Isang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon