KABANATA 47

14 1 0
                                    

KABANATA 47

"Berlin, sandali. Mag-usap muna tayo." Pigil ni Benedict nang akmang bumaba ito sa sasakyan nang maihatid na nila ito sa harap ng gate ng bahay nito. Nauna namang bumaba sina Bimbi at Brent.

"What is it, Kuya?" tanong ni Berlin at nababasa niyang may mahalaga itong sasabihin.

"May dapat kang malaman. Nakausap ko na ang mga kapatid mo about this. Hindi lang kita matiyempuhan kanina dahil kasama mo si Brent. Gusto ko lang sabihin sayo na ang Daddy mo, isa siya sa mga shareholders ng Calderon Builders." Pagtatapat ni Benedict.

"Anong ibig sabihin nun, Kuya?" gulat na tanong ni Berlin.

"Ibig sabihin ay may kinalaman talaga siya sa mga nangyari sa ating pamilya. All this time, may parte pala siya sa kompanyang ninakaw ni Gregorio kay Daddy." Si Bradley ang sumagot.

"Pero hindi ko pa alam kung ano talaga ng papel niya sa nangyari. Sinabi sa akin ni Tito Abram, siya raw ang may hawak ng kaso para depensahan ang nangyari sa atin noon pero binasura ng korte dahil walang sapat na basehan para pagbintangan si Edmundo." Sambit naman ni Benedict.

"Gusto ko ng kasagutan, Kuya Ben. Gusto kong malaman kung anong ginawa niya. Hinding-hindi ko siya mapapatawad kapag malaman ko na isa siya sa mga nananakit sa atin." Anas ni Berlin.

"Huwag kang mag-alala at malapit na nating mahanap ang kasagutan at hustisya. Kaya ko sinasabi sayo ito ngayon dahil gusto ko na mag-ingat ka lalo na't hindi mo na makakasama si Bimbi. Ipinapangako ko sayo na matatapos na rin ang lahat ng ito at magkakasama na tayong magkakapatid." Sambit ni Benedict. Napatango lang ito at bumaba na ng sasakyan at hinihintay na siya nina Bimbi at Brent.

"WHAT do you think, Ate? Okay lang ba kung ito ang isusuot ko bukas sa date namin ni Byron?" ngiting sambit ni Barbie nang pasukin siya ng kapatid sa kuwarto at eksaktong nagsusukat siya ng damit.

"That's perfect! Mas lalong mapapainlove sayo si Byron." Hangang sagot ni Bella nang tingnan niya ang suot ng kapatid. Nakasuot ito ng bulaklaking sleeveless na may taling nakasabit sa leeg nito at tinernuhan ng maong na palda na hanggang tuhod ang haba at alligator sandals.

"Tagal ko ng hindi nasusuot ito. How about you? Anong susuutin mo bukas?" ani Barbie at napaupo sa kama at tinabihan ang kapatid habang hinuhubad ang alligator sandals.

"Huwag mo akong alalahanin at hindi naman ako ang may date." Ngiting sagot ni Bella.

"Well, dapat magpaganda ka na rin at makakasama mo si Kuya Ben. Sabi ni Baby Ron noong tumawag siya kanina, tinutukso raw nila ang kuya niya. Double date daw kasi ang mangyayari bukas." Excited na bulalas ni Barbie at siya pa ang kinilig.

"No. Nandoon lang kami para bantayan kayo noh!" bulalas ni Bella pero lihim siyang nasiyahan sa sinambit ng kapatid. Sa totoo lang, parang kinakabahan na rin siya at hindi niya maintindihan ang sarili kung na-e-excite ba siya at makakasama niya si Benedict buong araw.

"Yon nga rin daw ang sabi sa kanila ni Kuya Ben. Nakapagpaalam ka na ba kina Daddy at Mommy na may lakad tayo bukas? Baka mamaya niyan ay mabuwelyaso pa tayo." Sambit ni Barbie.

"Saan ba kayo pupunta?" anang boses ni Barbara na hindi nila napansing nasa bungad ng pintuan. Nakabukas ito at sinadyang pumasok sa kuwarto ng bunsong anak at may sasabihin siya.

"Kuwan, pupunta kami bukas doon sa gagawa ng cake ni Barbie sa kanyang debut, Mom. Gusto ko kasi na si Barbie mismo ang pipili." dahilan kaagad ni Bella na nagulat sa presensiya ng ina.

"Ganun ba? Yon nga rin ang sadya ko sana sa kapatid mo. Tumawag sa akin ang kaibigan ko at gusto niya na sa kanila tayo magpapa-order ng cake sa debut ni Barbie. Kaya gusto ko sana na dalhin doon bukas ang kapatid mo para siya ang pumili." Bulalas ni Barbara.

Tatak Ng Isang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon