KABANATA 77

11 0 0
                                    

KABANATA 77

Nagfe-free throw ng bola si Bimbi sa bagong gawang basketball ring nang mapansin niyang lumabas ng terasa si Jazmine. Hindi niya ito pinansin at pinagpatuloy lamang niya ang kanyang paglalaro. Sa gilid ng kanyang mata ay nakikita niyang napaupo ito habang may hawak na juice at nakamata sa kanya. Hindi naman sinasadyang tumalsik ang bola palapit sa dalagita kaya wala siyang choice kundi kunin ito.

"Sorry na." anas ni Jazmine at napatingin lang sa kanya ang binatilyo. Napansin niyang pawisan ito. Sino ba namang matino ang maglaro ng basketball sa kainitan ng araw? Napatingin siya sa relos at mag-aalas 3pm pa lang. Pumasok ito sa loob ng bahay at akala niya'y dinedma siya nito ngunit mabilis din itong nakabalik bitbit ang pitsel ng orange juice at baso at umupo sa tabi niya.

"Sabi ko, sorry na." ulit ni Jazmine sa binatilyo habang umiinom ito ng juice.

"Sorry saan? Na sinisira mo ang buhay mo?" anas ni Bimbi sa dalagita. Hindi ito nakasagot.

"Ganyan ka na ba kababaw ngayon?" ani pa Bimbi.

"Mababaw ba ang tingin mo roon, Bim? Niloko ako nina Berlin at Therese. Sa tingin mo ay hindi ako nasasaktan? Sa tingin mo ay basta ko na lang tatanggapin yon?" nagsimulang mapaluha ang dalagita.

"At sisirain mo ang buhay mo dahil lang doon? Sa tingin mo rin ba ay makukuha ng alak at sigarilyo ang nararamdaman mo? Jazmine naman!" asik ni Bimbi sa dalagita at tuluyan itong napaiyak.

"Hindi ko kinukunsenti ang ginawa nila sayo at nasasaktan din ako dahil doon dahil mga kaibigan ko kayo! Pero mas lalo akong nasasaktan dahil sa ginagawa mo! Wala na bang silbi sayo ang lahat? Hindi mo man lang ba iniisip ang pamilya mo lalong-lalo na si Kuya Brix? Nangako ako sa kanya na hindi kita pababayaan! Kung maari pa lang ay itakwil ko sina Therese at Berlin sa ginawa nila sayo pero kaibigan ko rin sila! At masakit din sa akin na gawin yon sa kanila!" patuloy ni Bimbi.

"Hindi lang si Berlin ang lalake sa mundo! Hindi lang siya ang makapagbibigay sayo ng pagmamahal na hinanahap mo! We're only teenagers at marami pang mangyayari sa buhay natin! Marami pang Berlin ang darating sa buhay mo at hindi lang puro lovelife ang importante sa mundong ito!" patuloy pa ni Bimbi.

Sa sala ay napapangiti si Byron at hangang-hanga siya sa mga sinasabi ng kapatid dahil hanggang doon ay dinig niya ito na para bang isang ama na pinapangaralan ang anak nitong nabigo.

"Tahan na. Halika nga rito." Bulalas na lang ni Bimbi at biglang nanghina ng boses. Ramdam niya ang pag-iyak ni Jazmine. Niyakap niya ito at hinayaan niyang maiyak ito sa kanyang dibdib.

"Bagay naman pala sayo ang jersey ko." ngiting sambit ni Bimbi na ngayon lang napansin ang suot ng dalagita at napangiti ito sa kanya maski na napapaluha at mahinang hinampas pa siya sa dibdib.

"Tara sa loob at hahanapan kita ng damit ni Ate Cara na magkakasya sayo." Anas na lang ni Bimbi at hinawakan pa ang kamay ng dalagita at hinila ito papasok sa loob ng buhay deretso sa hagdanan.

"At saan kayo pupunta at anong gagawin ninyo?" makahulugang bulalas sa kanila ni Byron.

"Shut-up, Kuya. Papahiramin ko lang siya ng damit ni Ate Cara." Sagot ni Bimbi na sinundan ng tawa ng kapatid. Nahihiyang napangiti naman ang dalagita at alam niyang na-gets nito ang sinabi ng kapatid.

"BEN, this is Edmundo Lacson, isa rin sa mga stockholders." Pakilala ni Gregorio nang ipatawag nito si Benedict sa kanyang opisina. Hindi ito nakadalo sa party ni Leilani noong nakaraang Sabado.

"Benedict. Benedict Santillan." Pakilala ni Benedict sa sarili at gaya ng ginagawa niya sa iba, diniinan niya rin ang pagbigkas ng kanyang apelyido at matamang nakatitig sa kanyang mga mata ito. Pigil ang galit na nararamdaman niya ngayon at hindi niya inaasahan na dito makakaharap ang demonyong ito.

Tatak Ng Isang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon