KABANATA 60

37 1 0
                                    

KABANATA 60

"Komportable ba ang tulog mo, Berlin?" tanong ni Benedict nang sama-sama silang mag-almusal kinabukasan ng Lunes. Nag-aalala siya at baka hindi sanay matulog sa lapag ang kapatid.

"Okay lang ako, Kuya. Huwag mo akong alalahanin at masasanay na rin ako. Mas masaya ako ngayon dahil dito na talaga ako nakatira sa inyo at nakakasama ko pa ang mga 'to." Sagot ni Berlin sabay turo kina Bimbi at Brent. Napapangiti naman ang mga ito sa kanya.

"Huwag kayong mag-alala at aasikasuhin ko mamaya ang maagang paglipat sa bagong bahay natin. Masikip na itong condo para sa ating lahat. Tumawag pala sa akin ang Mommy mo, Berlin. Susunduin pa rin daw kayo rito ni Mang Eddie para ihatid sa school ninyo. Actually, nandoon na siya sa baba." Ani Benedict.

"Great! Makakalibre na rin ako ng pamasahe." Ngiting sambit ni Maggie.

"Siyanga pala Kuya Ben, after the class this afternoon ay deretso muna kami sa bahay. Kunin ko yung ilang mga gamit ko. Magpapahatid din kami kay Mang Eddie pabalik dito." Ani Berlin at napatango lang ito.

Malayo pa lang sa gate ng SLA ay namataan na ng kambal si Jazmine na kausap si Josh. May bitbit pang bulaklak ang dalagita at mukhang masayang-masaya ang pag-uusap ng dalawa.

"Ipinagpatuloy pa rin pala ni Kuya Josh ang panliligaw niya kay Jazmine noh?" bulalas naman ni Brent dahil napansin din niya ang dalawa nang mapadaan ang sinasakyang van.

"Choice ni Jazmine yan. Suportahan nyo na lang o di kaya'y hayaan nyo na lang siya sa gusto niya dahil kaibigan nyo pa rin naman siya." Sambit naman ni Maggie na nakaupo sa tabi ni Mang Eddie.

Wala namang kibo ang dalawa. Napatingin sa isa't isa na para bang tinitimbang nila ang sinabi ng teacher. Tahimik na bumaba na lang ang mga ito sa van nang marating ang parking lot.

"Ba't magkasama kayong dalawa?" kunot-noong tanong ni Bimbi kay Therese nang magtungo sa gazebo na laging tagpuan nila at naroon na ito kasama si Lyla.

"Nagkasabay kami sa gate kaya niyaya ko rin siya tumambay rito." Sagot ni Therese.

"Aalis na lang ako. Baka ayaw ni Bimbi na nandito ako." Biro naman ni Lyla at akmang lalabas ng gazebo pero hinarangan siya ng napapangiting binatilyo. Napapaatras siya dahil lumalapit ito sa kanya hanggang sa mapasandal siya sa poste. Napataas siya ng kilay at mukhang hinahamon pa ang binatilyo habang patuloy na pinagmamasdan siya ng nakangiting si Bimbi. Napapangiti naman sa kanila ang tatlo.

"Ehem!" sabay pang tukso nina Therese at Brent at nahiya naman bigla ang binatilyo.

"T-Tinatanong ko lang naman kay Therese kung bakit magkasama kayo. Wala naman akong sinabi na hindi ko gusto na nandito ka. Besides, I just want to aplogize about what happened last Friday. First time mong sumama sa amin tapos hindi naging maganda ang kalabasan." Paliwanag naman ni Bimbi.

"Nakailang beses ka ng nag-apologize sa akin and I will tell this again that it's okay. Nag-usap na rin naman kami ni Therese. Naintindihan ko naman ang nangyari." Sambit ni Lyla.

"Ako ang dapat mag-aplogize sayo, Lyla. I messed-up everything." Singit naman ni Berlin.

"It's okay, Berlin. But you know what? Napapangiti ako sa tuwing maalala ko yon. I find it romantic for a guy like you na ilabas yung mga nararamdaman mo. I was touched actually about how you feel for Jazmine. Nasorpresa ako dahil nakikita ko kayong magkakasama lagi but underneath your friendship, there's a great story to tell. But here you are. Magkakasama pa rin." Ngiting anas ni Lyla.

"Hindi naman lahat ng pagkakaibigan ay nasisira dahil sa nabigong relasyon. Sometimes, nakikita mo yung kahalagahan ng tao sa buhay mo kung kailan nawala na siya sayo. Hindi man maibabalik ang dati pero sinusubukan namang maging matatag ang pagkakaibigan." Malungkot na sambit ni Berlin. Di sinasadyang napalingon siya at doon lang napansin si Jazmine na nakatayo sa bungad ng gazebo.

Tatak Ng Isang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon