KABANATA 09

41 1 0
                                    

KABANATA 09

Lihim na nagngingitngit si Barbie nang pag-akyat niya ng building patungo sa first subject niya ng umagang yon ay nakita si Bradley na kausap sina Patricia at Krista. Sinadya niyang huwag sumabay sa kapatid dahil nabubuwisit siya rito para madatnan lamang na kinakausap nito ang kanyang mga kaibigan. Malayo pa lang ay napalingon na sa kanya ang kapatid kaya umalis ito at sinalubong siya.

“I’ve talked to Pattie and Krista. Alam mo na ang ibig sabihin nun, Barbie.” pamukha ni Bradley sa kapatid. Gumaan ang pakiramdam niya dahil sinabi naman ng huli na magkasama nga sila ng kapatid.

“Sa ginagawa mo ay mawawalan ako ng kaibigan, kuya. Pinamumukha mo sa kanila na hindi mo ako mapagkakatiwalaan. You know what, uuwi na lang ako at magkukulong sa kuwarto ko para wala kang masabi.” asik ni Barbie at akmang tatalikuran niya ito ngunit pinigilan siya.

“Pag ginawa mo yan, you just admitted na may ginagawa kang masama. Why? Natatakot ka ba na malaman ko sa mga kaibigan mo ang pinanggagawa mo?” sambit ni Bradley.

“Wala akong ginagawang masama. But you pushed me to do it dahil sa mga ginagawa mo sa akin. I’m tired of you, kuya. Kapag dumating si Mommy, sasabihin ko sa kanya ang lahat ng ginagawa mo sa akin. Ikaw man ang pinapakinggan ni Daddy, but I still have Mom.” asik ni Barbie at tinalikuran ang kapatid. Dumeretso na lang siya patungo sa kanilang classroom. Hinayaan na lang siya ng kapatid.

“Barbie –“ ani Patricia.

“Don’t talk to me, Patricia. You’re not my friend anymore, remember?” asik ni Barbie at kay Krista siya sumama. Base sa pag-uusap nila ng kapatid, nabatid niyang hindi siya binuking ng huli na hindi naman talaga sila magkasamang nagsimba at hindi katulad nito na kinukutsaba ang kuya niya.

“Thanks at hindi mo ako binuking sa kuya ko.” sambit naman ni Barbie nang magsolo sila ni Krista. Iniwan nilang natigilan si Patricia sa labas ng classroom.

“Grabe pala ang kuya mo. Hindi ko nahindian nang kunin niya ang cellphone number ko. Bakit ba ganyan siya sayo? Overprotective! But so handsome.” ngiting bulalas naman ni Krista na walang ideya.

“Ganyan lang talaga siya. Sabihin na lang natin na may ginawa ako in the past kaya wala na siyang tiwala sa akin. Don’t worry at hindi kita dadamayin. Salamat uli.” anas na lang ni Barbie.

“WELCOME on your first day.” ngiting panimula ni Benedict sa apat niyang marketing researchers. Kaagad niyang pinasimula ang mga ito dahil kailangan na niyang umaksyon kaagad.

“Luisa and Yvonne, I want you to contact our client lists na ibibigay ko sa inyo mamaya. Make an appointment with them as early as possible para maka-set tayo ng date para masimulan ko na ang pagpi-present ng property sa balak nilang pagkuha ng condo units. If possible, isang target date lang sana para isang presentation na lang ang gagawin ko.” sambit ni Benedict sa dalawang researchers.

“Archie, gumawa ka ng Page sa FB where we can advertise all selling properties na gawa ng Calderon Builders. I will give you the lists afterwards.” anas naman ni Benedict sa isa pa.

“And you Kevin, I want you to make flyers na ipamimigay natin sa mga sidewalks all along Metro Manila. Hindi naman lahat ay nasa client lists natin at isa pa’y hindi naman lahat may FB account. Don’t worry at hindi ikaw ang gagawa nun.” bulalas ni Benedict na sinundan nila ng tawa.

“Guys, by the end of this week, sana ay may makuha tayong buyers. So I need your dedication and don’t worry, everytime na may maibenta tayo, you’ll receive an incentive from me.” ngiting ani Benedict.

“SINCE apat lang tayo nina Jazmine at Berlin ang natitirang Senators noong previous election, then nagkataon pa na sasali kayong dalawa ni Berlin sa contest, kaming dalawa ni Jazz ang inatasan ni Mrs. Torres na manguna sa student body. After centennial celebration pa raw magkakaroon ng student government.” masayang balita ni Bimbi kay Therese nang magkita na sila noong recess time. Nag-usap pa kasi sila ni Miss Pontanal na siyang bagong student government adviser para sa activities sa darating na selebrasyon.

Tatak Ng Isang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon