KABANATA 57

21 0 0
                                    

KABANATA 57

"Hindi ako papayagan nina Kuya kung hindi ka kasama dahil sa nangyari kay Ate Cara. Please?" pakiusap ni Bimbi sa kambal na sumama ito bukas sa dinner sa bahay nina Therese.

"Bimbi naman. Nakikiusap ka sa akin na alam mo naman ang dahilan kung bakit hindi ako sasama. Saka anong gagawin ko roon? P-Partner-partner pa kayo." Bulalas ni Berlin. Talagang hinintay siya ng kambal sa gate para kausapin ang tungkol dito dahil kumpirmadong sasama si Lyla. Nakikinig lang sa kanila si Brent.

"Pupunta ako roon para kay Therese at hindi para kay Lyla. Nahihiya ako sa Mommy niya kung hindi ako pupunta. Hindi naman kita pababayaan doon eh. I promise." Sambit pa ni Bimbi rito.

Hindi nakapagsalita si Berlin dahil alam niya sa sarili na hindi naman niya mahihindian ang kambal. Naudlot naman ang pag-uusap nila nang dumating si Therese at lumapit sa kanila.

"Magjo-join pala sa atin si Jessy bukas ng gabi." Balita kaagad ni Therese.

"Great. May makakausap ka na roon." Biglang bulalas naman ni Brent kay Berlin. Tumayming naman ang ibinalita ni Therese dahil yon ang kasalukuyan nilang pinag-uusapan.

"Bakit? Iniisip mo ba na wala kang makakausap doon? Doo naman ako." Sambit ni Therese kay Berlin. Parang hindi niya naisip na hindi pa siya gaanong pinapansin ng dalagita. Napatingin sa kanila si Brent.

"S-Sige." Parang napipilitang sambit na lamang ni Berlin.

"Thanks." Masayang bulalas ni Bimbi at inakbayan pa ang kambal.

"BEN, are you alright?" bulalas ni Gregorio dahil napapansin niyang wala sa sarili ang binata. Kanina pa siya nagsasalita at hindi man lang kumikibo ito na para bang kay lalim ng iniisip.

"Y-Yeah. Are you asking me something?" anas naman ni Benedict na parang nagising mula sa pagkakatulog. Mula nang pumasok siya sa opisina, hindi maalis ang pag-aalala niya kay Brix.

"No. Maybe you should need some rest. Hindi ka ba nakakatulog ng mabuti? Huwag mong masyadong i-pressure ang sarili mo sa mga sinabi ko kahapon." Nag-aalalang sambit naman ni Gregorio.

"I'm sorry, Sir. I admit na napi-pressure ako at hindi ako masyadong nakatulog kagabi dahil pinag-aralan ko yung mga inputs na binigay sa akin ni Gian." Pagsisinungaling ni Benedict.

"You should better go home. Maghalf-day ka na lang ngayon. And I thank you for putting so much effort for this project. Kapag nakuha natin ang project na ito, I can give you a vacation you deserve." Anas ni Gregorio na sinang-ayunan naman ni Gian.

"Thank you, Sir." Tanging nasambit ni Benedict at lumabas na sila ni Gian sa opisina ng boss. Pagbalik nila ng kanilang opisina, naroon si Bella na naghihintay. Sinadya niyang iwasan ito.

"Bella, you're so early." Bulalas naman ni Gian pagkakita sa dalaga.

"Akala ko kasi mata-traffic ako eh." Ngiting sagot ni Bella pero lihim siyang nakatingin kay Benedict.

"Ben, do you want to come with us? Lunch kami sa labas." Yaya naman ni Gian sa binata.

"Thanks but I better go home. S-Sige." Sagot ni Benedict at tinalikuran na ang mga ito at hindi man lang tiningnan ang dalaga. She is his least problem at ipinagpasalamat niya at nangyari ito sa kanila ng dalaga. Mas may mahalagang bagay siyang dapat tutukan at distraksyon lang ito sa kanya.

"Is Ben alright?" curious na tanong ni Bella nang sila na lang ni Gian naiwan sa loob ng opisina nito.

"Yeah. Napi-pressure lang siya dahil malapit na ang presentation namin. Ba't parang hindi kayo nagpapansinan sa isa't isa?" sagot ni Gian at curious na nagtanong.

Tatak Ng Isang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon