KABANATA 40

49 0 0
                                    

KABANATA 40

“TIGILAN mo na yan! Matulog na tayo. Ang ingay mo.” Bulalas ni Berlin dahil hindi siya makakatulog sa daldal ng kambal at kausap nito si Tabitha sa cellphone. Kanina pa ito nakatelebabad.

“Kakausapin ko muna si Berlin kung makakasama siya sa Sunday. Uhm, sige. It’s very late na at may pasok pa tayo bukas. Goodnight.” Paalam na ni Bimbi sa dalagita. Pinagpawisan na rin ang teynga niya dahil mahigit ilang oras na rin silang nag-usap ng kung anu-ano ni Tabitha. In fairness, masaya itong kausap.

“Anong kakausapin mo ako? Ano naman yon?” anas ni Berlin nang marinig ang pangalan.

“Nagyayaya kasi si Tabitha na pumunta sa City Circle sa QC sa Linggo. Maganda raw pasyalan doon. Isasama raw kita para maisama niya si Julia. Kaya sumama ka na.” Ngiting sambit ni Bimbi at nahiga na rin.

“Kayo na lang. Huwag mo akong idamay sa mga pinaplano mo. Di ba nag-usap na tayo na huwag mo ng dagdagan pa ang pasakit ni Jazmine? Ano naman ito?” sambit ni Berlin.

“Masama ba na makipagkaibigan ako kay Tabitha? Saka hindi naman date yon. Nakausap na niya ang Mommy niya tungkol sa plano ng mga alumni. Yon ang pag-uusapan namin sa circle.” Sagot ni Bimbi.

“Eh di kayo na lang. Huwag mo na akong isama. Saka baka nakalimutan mo na mainit ka pa sa mata ng Daddy mo. Goodluck kung papayagan ka ni Kuya Ben.” Ani Berlin.

“Kaya nga sasamahan mo ako para payagan ako ni Kuya Ben. Sige na.” sambit ni Bimbi.

“Ayoko. Linggo nga lang ang pahinga ko dahil may rehearsal kami tuwing Sabado. Yon lang ang time ko para makasama sina kuya sa condo.” Sambit ni Berlin at tinago ang katawan sa kumot.

“Anlabo mo naman eh. Akala ko ba susuportahan mo ako sa mga ginagawa ko? O baka naman ayaw mong sumama dahil iniisip mo na may kinalaman na naman ito kay Jazmine?” ani Bimbi ngunit malakas na hilik ang sinagot sa kanya ng kambal. Alam niyang gising pa ito.

“Alam mo, kung mahal mo pa yung ex-GF natin at kung matatanggap mo ang ginawa ng Daddy niya sa atin, sige sayo na lang siya.  Iyong-iyo na siya. You can both go to hell for all I care.” Inis na sambit ni Bimbi at kinumutan din ang sarili sabay talikod sa kambal.

“Puwede ba matulog ka na? Andami mong satsat! Para kang babae.” Asik na lang ni Berlin.

“BEER pa nga.” Hingi ni Cara kay Diego nang maubos niya ang laman ng kanyang baso. Nagsisiyahan silang lahat sa loob ng private room na yon kung saan-saan sila-sila lang ang nandoon.

“Cara, nakakarami ka na. Tama na yan. Mamaya niyan ay hindi ka na makakauwi.” Sambit ni Diego at nag-aalala siya sa dalaga. Mukhang lasing na rin ito at kanina pa nakasandal sa balikat niya.

“I’m not drunk. Saka ihahatid mo naman ako mamaya di ba? At baka nakakalimutan mo na ikaw ang pumilit sa akin na sumama rito. So, be my host. Huwag kang epal.” Ani Cara at siya na ang kumuha ng beer na hindi pa nabubuksan. Pasayaw-sayaw pa siya kay Kevin habang kumakanta ang huli.

Kahit malakas ang aircon sa loob ng KTV room na yon, pinagpapawisan pa rin ang dalaga kaya inalis niya ang blazer ng damir at hindi na nahiyang ilantad ang suot na spaghetti dress. Medyo nakalabas pa ang kanyang cleavage at napa-wow naman bigla sina Kevin at Archie.

Napailing na hinayaan na lang ni Diego ang dalaga. Pinagmamasdan lamang niya ito habang nakikiagaw ng mikropono kay Kevin at sumasayaw habang kumakanta. Hindi naman patatalo sina Yvonne at Luisa at nakisayaw na rin at halatang tinamaan na rin ng lintik.

Ang hindi napansin ni Cara ay ang kanina pang tumutunog na cellphone sa kanyang bag. Hindi nila marinig yon dahil sa sobrang lakas ng tugtog. Napagod bigla ito sa kasasayaw at pasalampak na napaupo sa sofa at medyo nadaganan pa niya si Diego. Inayos naman ng binata ang kanyang pag-upo.

Tatak Ng Isang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon