KABANATA 37

21 0 0
                                    

KABANATA 37

“Kuya, malapit lang naman ang Mandaluyong sa opisina ninyo. Yon na lang ang kunin natin. May anim na kuwarto pa sa itaas tapos nasa loob pa ng subdivision. Hindi tayo basta-basta pasukin doon.” Excited na bulalas ni Byron nang lumabas na sila sa opisina ng Vista Residences.

“Kakausapin muna natin ang ibang mga kapatid mo at saka si Maggie. Mapapalayo siya sa pinapasukan niyang eskuwelahan. Saka medyo nanghihinayang ako sa ten million. Baka may makita pa tayong medyo mas mura.” Sambit ni Benedict pero nagustuhan na rin niya ang bahay na yon.

“Maintindihan naman yon ni Ate Maggie. Bakit ka naman manghihinayang? Permanenteng bahay na natin yon. Kasya tayo lahat doon at may swimming pool pa.” ngiting sambit ni Byron.

“Saka na tayo magdesisyon kapag napuntahan na natin ang bahay at pumayag ang mga kapatid mo. Ang mabuti pa’y kumain muna tayo sa MegaMall at nagugutom na ako.” bulalas na lang ni Benedict at kaagad na sumakay sila sa taxi na huminto sa gilid nila.

NAGPASYA si Bradley na kumain sa labas ng campus dahil puno na ng mga estudyante ang dining hall. Dala ang kotse ay nagtungo siya sa paborito niyang resto bar at hinahanap-hanap niya ang sisig. Pinarada niya ang sasakyan sa harap ng Zizzlers at kanina pa siya nagugutom. Isang oras lang ang vacant time niya at kailangan niyang bumalik sa susunod na subject.

Napakunot-noo si Bradley nang matagpuan niya roon si Posh na mag-isang nakaupo sa sulok at umiinom ng beer. Andami ng nainom nito base sa mga boteng nakapatong sa ibabaw ng mesa at sa tingin niya’y lasing na rin ito at nagyoyosi pa.

Akmang tatalikod palabas ng resto ang binata ngunit nakukunsensiya siya. Alam niyang siya ang dahilan ng paglalasing ng dalaga. Nasaktan niya ang dalaga sa mga pinagsasabi kanina. Awtomatikong napalingon siya at tinahak ang direksyon palapit dito.

“Tama na yan.” Ani Bradley at inagaw niya ang baso sa kamay ng dalaga na may lamang beer. Medyo nagulat ito pagkakita sa kanya ngunit tuluyan itong napaluha.

“P-Pabayaan mo na ako, Brad. I just want to forget everything about you. Pinapangako ko sayo na pagkatapos ng araw na ito ay makakamove-on na rin ako sayo gaya ng sinabi mo.” Sambit ni Posh at akmang aagawin ang baso sa kamay ng binata ngunit mas mabilis nitong inilayo sa kanya.

‘Posh, you don’t need to do this. You are better than this. Hindi mo kailangang magpakalasing. Tara na at ihahatid na kita sa inyo.” Sambit ni Bradley at akmang alalayan ang dalaga ngunit tinulak lang siya nito.

“As if you care? Just leave me alone! Ito ang gusto mo di ba?” asik ni Posh.

“I-I still care about you. Hindi kita lalapitan dito kung wala na akong pakialam sayo. Hindi naman automatic na maibabalik kaagad ang pinagsamahan nating dalawa even as friends. Okay, I’m sorry kung nasaktan kita sa mga sinabi ko kanina. I don’t mean it. Gusto ko lang naman na klaruhin sayo ang status nating dalawa at hindi para saktan ka.” Paliwanag ni Bradley.

“Well, I was hurt. Deeply hurt. Honestly, kaya ako bumalik ng Pinas dahil sayo. No one can replace you in my heart, Brad. Sayo ko lang binigay ang lahat-lahat. Kung maibabalik ko lang ang mga panahong yon na iniwan kita at piniling mag-aral sa states, I will do it for you. Sana sinunod ko na lang si Daddy. Sana isinantabi ko na lang ang ambisyon ko just to be with you but I was too late and I hate myself for that. Wala rin akong napala because all this time ay ikaw lang talaga.” Naiiyak na sambit ni Posh.

“Hindi mo na maibabalik ang nakaraan.” Anas ni Bradley maski na naawa sa dalaga.

“But I am willing to start all over again kung pagbibigyan mo lang ako ng pagkakataon. Alam kong nasaktan kita ng sobra but I will make it up to you.” bulalas ni Posh at hinawakan ang pisngi ng binata.

Tatak Ng Isang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon