KABANATA 44

13 0 0
                                    

KABANATA 44

"Hindi na ligtas si Bimbi doon, Kuya Ben. Gayong walang kaalam-alam si Frank sa nangyayari, maglalabas-masok na si Edmundo roon sa bahay nina Berlin at kahit anong oras ay puwede niyang kidnapin ang kapatid ko. Kaya lumipat na lang tayo roon sa bahay na binabalak nating bilhin." Sambit ni Byron at kanina pa siya hindi mapakali. Mabuti na lang at dumating si Bradley at sinundo nila ang kapatid at si Maggie.

"Yon na rin ang iniisip ko. Sa pag-aakala ni Frank ay bumibisita lang doon si Edmundo pero hindi niya alam ang binabalak nito. Hindi natin alam kung paano nito natunton doon si Bimbi. Ibig sabihin ay nagmamanman pa rin siya at huwag na nating hintayin pa na matunton niya ang condo na ito at malaman niya ang tungkol sa atin." Sambit naman ni Bradley nang ikuwento sa kanya ni Byron ang nangyari kanina.

"Tama ang mga kapatid mo, Ben. Titingnan natin ang bahay na binabalak mong bilhin bukas dahil hindi pa naman ako papasok. Kapag nandoon tayo, puwede kang kumuha ng mga bodyguards na siyang magbabantay sa atin. Ano na ang balita kay Ricky?" sambit naman ni Maggie.

"Kasisimula pa lang ni Ricky magtraining sa CIU noong huli ko siyang tinawagan. Aabot pa yon ng dalawang buwan. Pero sige at kukunin na natin yung bahay na yon. Mahigit sampung milyon din yon. Kakausapin ko uli siya at baka may kakilala siyang security agency na puwede nating pagkatiwalaan para magbantay sa atin." Sambit ni Benedict at sang-ayon din sa mga kapatid.

"Kuya, hindi ka dapat manghihinayang sa sampung milyon kung kaligtasan naman natin ang nakataya rito. Mom left us this money to be used on purpose. Sasama ako bukas para matingnan ang bahay." Sambit naman ni Bradley na sinegundahan ni Byron.

"Pero mapapalayo ka roon, Maggie." Anas naman ni Benedict sa dalaga.

"Mas importante pa ba yon kaysa sa kaligtasan ng mga kapatid mo? Puwede naman akong mag-adjust, Ben. Huwag mo akong intindihin at unahin mo ang mga kapatid mo." Sambit ni Maggie.

"Nakausap mo pa ba uli ang kambal kanina? Ano raw mga pinagsasabi ni Edmundo?" ani Bradley.

"Hindi kami masyadong nag-usap dahil nandiyan si Frank. Pero napapansin ko ang takot sa mga mata nila. Kanina ay nakahanda na akong pumatay ng tao sakaling maabutan ko na may nangyaring masama sa mga kapatid natin. Bukas na bukas din ay babalik muna rito si Bimbi. Kakausapin ko siya para gumawa ng dahilan para makaalis na siya sa bahay nina Berlin." Sagot ni Benedict.

"Paano naman si Berlin, Kuya? Nakakasiguro ako na may alam na si Edmundo tungkol sa pagiging magkambal nila. Di ba nga sabi ni Mommy, ibinigay nito si Berlin kay Frank Montecillo? At hindi yon magtataka kung bakit magkasama ang kambal. Iniisip nga natin ang kaligtasan ni Bimbi pero baka si Berlin naman ang mapapahamak kung sakali." Bulalas ni Byron.

"Walang gagawin si Edmundo kay Berlin hangga't hindi nito nalalaman ang connection niya sa atin na magkapatid tayo. Magkaibigan pa rin sila ni Frank at sa tingin ko naman ay may pinag-usapan sila tungkol kay Berlin. Hindi nito basta-basta mahahawakan ang kapatid natin." Sagot ni Benedict.

"Dapat pa rin nating siguraduhin ang kaligtasan ni Berlin. Kausapin natin siya para maghanda siya na kahit anong oras ay babawiin na natin siya sa mga kinikilala niyang mga magulang. I know mapuprotektahan siya nina Frank at Paris pero iba pa rin kapag tayo ang puprotekta sa kanya." ani Bradley.

"FLOWERS, huh?" bulalas ni Violet nang sinadya niyang lapitan si Brent na mag-isang nakaupo sa gazebo. May ideya na siya kung para kanino ang pumpong na bulaklak na hawak nito.

Hindi kumibo si Brent. Ayaw niyang patulan ang kasintahan ni Kurt. Wala naman siyang atraso rito. Ayaw niyang sirain ang araw niya gayong ngayon niya simulan ang panliligaw kay Therese at nakausap na niya si Berlin tungkol dito.

Tatak Ng Isang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon