KABANATA 35

21 1 0
                                    

KABANATA 35

“YOU made the right move para huwag humingi ng tulong sa awtoridad. Tama ang kapatid mo. Isang kriminal si Edmundo Lacson! Gun smuggling at drug trafficking ang ilan sa mga illegal niyang aktibidadis pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nahuhuli dahil malakas ang kapit niya sa itaas. Lahat ay natatakot madamay kaya inaamin ko sayo na pati ako ay nagbubulag-bulagan na lang.” Sambit ni Ricky nang ilahad sa kanya lahat ni Benedict ang katotohanan ukol sa pinagdaanan ng totoo nitong pamilya.

“Natatakot ako para sa mga kapatid ko, Ricky. Wala pa siyang alam tungkol sa totoo naming pagkatao maliban kay Bimbi. Kaibigan din niya si Mayor Raul Ramirez na siyang kumupkop kay Bradley at ang abogadong si Frank Montecillo na siya namang kinikilalang ama ni Berlin.” Bulalas ni Benedict. Nagkita silang magkaibigan sa loob ng restaurant.

“Pader ang binabangga mo rito, Ben. Pero hindi naman lahat ay napapaikot ni Edmundo sa kanyang kapangyarihan. Makinig ka at sayo ko lang ito sasabihin. May isang grupo na ahensiya ng PNP na kung tawagin ay CIU o Classified Intelligence Unit. Sila ang humahawak ng mga bigating kaso. Matagal na akong nire-recruit ng CIU pero ayaw akong payagan ni Ferlita dahil mapanganib ang papasukan ko. Pero nandoon nabibilang ang mga magagaling at mabubuting pulis. Hindi makakapasok ang may mga record doon dahil mahigpit ang director. Puwede silang mapagkakatiwalaan.” Sambit ni Ricky.

“Pero wala naman akong kakilala roon, Ricky. Baka ang paghingi ko ng tulong doon ay maging daan para malaman ni Edmundo ang tungkol sa amin at tuluyan na niya kaming ipapatay.” Anas ni Benedict.

“O-Okay. Ayokong mangako sayo pero kakausapin ko muna si Ferlita. Ipapaliwanag ko sa kanya ang sitwasyon mo ngayon at kung sakaling maintindihan niya, papasok ako sa CIU. Papasok ako roon para tulungan ka na matapos itong problema mo. Dating hepe ko ang director doon. Siya nga ang nagrerecruit sa akin na pumasok sa CIU dahil alam niyang magiting at mabuti akong alagad ng batas katulad niya. Kapag nakapasok na ako roon, sisimulan ko ang pag-iimbestiga at humingi ng tulong sa kanya.” Ani Ricky at sa sinambit niya’y hindi napigilan ng kaibigan na yakapin siya. Napaluha pa ito.

“Malaking bagay ang gagawin mong ito para sa akin, Ricky. Maraming salamat at tatanungin kong malaking utang na loob ito sayo. Kung gusto mo ay ako ang kakausap kay Ferlita.” Anas ni Benedict.

“Ako na lang, Ben. Sa tingin ko kapag narinig niya ang buong kuwento, hindi magdadalawang-isip yon na payagan ako. Kilala niya kung gaano kabuti ang pagkatao mo. Paano pa’t naging magkaibigan tayo. Sakaling makapasok nga ako sa CIU, ngayon pa lang ay sasabihin ko sayo na hindi ganun kadali ang lahat. Kailangan kong sumabak sa extensive training at tatagal yon ng mahigit dalawang buwan.” Ani Ricky.

“Ikaw lang ang tanging pag-asa ko, Ricky. Kaya handa akong mag-antay. Matagal man basta sigurado na makakaganti ako kay Edmundo at sa mga taong nang-api sa amin. Gusto kong makamit ang hustisya para sa Daddy ko. Tawagan mo ako sa magiging desisyon ni Ferlita.” Sambit ni Benedict.

“MISS, nag-aaway ba sila?” naiiyak na tanong ni Jazmine nang silang apat na babae ang natira sa kusina. Wala siyang ideya sa mga nangyayari at naroon sina Bimbi at Berlin na kinakausap nina Bradley at Byron sa loob ng kuwarto. Hindi niya maintindihan kung bakit sinisigaw-sigawan ng kasintahan ito.

“Tahan na. Ang masasabi ko lang sa inyong dalawa na intindihin nyo na lang muna sina Bimbi at Berlin. May mga pinagdadaanan sila ngayon lalo na ang BF mo at sana respetuhin ninyo ang pananahimik nila.” Sambit na lang ni Maggie kina Jazmine at Therese habang dinadamayan ang una.

“Pakiramdam ko kasi ay may kinalaman sa akin ang mga nangyayari. Kanina nang dumating kami ni Therese ay napansin kong magkasama pa silang dalawa. Tapos bigla na lang sinisigaw-sigawan na ni Bimbi si Berlin. If this is something to do about me, sabihin mo naman sa akin, Miss.” Naiiyak pang sambit ni Maggie.

Tatak Ng Isang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon