KABANATA 17

33 0 0
                                    

KABANATA 17

Habang tulog pa ang lahat, dahan-dahang lumabas sa kanyang kuwarto si Barbie. Madaling araw na silang nakauwi galing sa party. Hindi na siya natulog at hinintay na lamang na mag-alas singko ng umaga at excited siyang makita si Byron. Usapan nila ng kasintahan ay magsisimba sila ng 08AM pero hindi na siya makapaghihintay pa. Isa pa’y baka mabuwilyaso na naman kung makialam ang Kuya Bradley niya.

Bumaba ng hagdanan si Barbie at dere-deretsong nagtungo sa pintuan palabas ng bahay. Alam niyang gising na ang kanilang mga katulong pero wala siyang balak magpaalam pa rito. Binati at pinagbuksan siya ng guwardiya. Naroon din ang ilan sa mga bodyguards na nagkakape sa guardhouse. Ang hindi alam ng dalaga na may nagmamasid sa kanya buhat sa bintana sa ikalawang palapag ng bahay.

Sa party pa lang ay ramdam na ni Bradley na iba ang pinagkakaabalahan ng kapatid. Panay lang ang pindot nito ng cellphone na napapangiti pa’t napapatawa. Hindi lingid sa kanya na sumama lang ito sa party dahil sa kagustuhan ng ama at hindi katulad nila ni Bella na mahilig sa mga social gatherings na pinupuntahan. Gusto niyang matukoy kung sino ang pinag-aabalahan nito. Sana hindi magkatotoo ang kutob niya. Mabilis siyang nagsuot ng damit at iniwang tulog sa kanyang kama ang hubo’t hubad na kasintahan. Dali-dali siyang bumaba para sundan si Barbie. Ito na ang pagkakataong hinihintay niya.

Pinagbuksan ng gate ng guwardiya si Bradley para mailabas niya ang sasakyan pagkatapos ng ilang minutong makalabas ang kapatid. Nakikita nga niya ito sa di kalayuan na nagmamadaling naglalakad dahil wala pang gaanong traysikel ang pumapasok sa subdivision ng mga ganoong oras. Nang makalabas na ito ng gate, hinintay niyang makasakay ito ng taxi. Naroon na siya at nakabuntot ang minamanehong kotse rito.

Pangiti-ngiti naman si Barbie sakay ng taxi at malaya siyang nakalabas ng subdivision na walang nakapansin sa kanya. Sinadya niyang huwag tawagan o itext si Byron. Gusto niyang sorpresahin ito. Nami-miss na niya ang binata. She wants to be with his arms again bago man lang sila pumunta ng simbahan. Madaling araw na rin itong nakatulog dahil hinintay siyang makauwi ng bahay. Ganun siya kamahal ni Byron. Maski hindi man siya nag-enjoy sa party kagabi, masaya naman siya at nagtetext ito sa kanya.

Dahil hindi na makapasok ang taxing sinasakyan ni Barbie sa makipot na eskinitang yon, doon na lang siya sa bungad bumaba at tinahak ang daan na yon patungo sa lagusan ng lumang gusali kung saan doon tumutuloy ang kasintahan na nasa ikatlong palapag pa. May mga taong nagkakape na sa hallway nang dumaan siya roon paakyat ng 3rd floor.

“Kit!” bulalas ni Barbie nang makasalubong ang binata nang nasa ikalawang palapag na siya. Pababa naman ito ng hagdanan at halatang kagigising lang. Nagulat ito nang makilala siya.

“Barbie? Anong ginagawa mo rito?” bulalas din ni Kitbol.

“Gising na ba ang Baby Ron ko?” Ngiting ani Barbie sa binata.

“Naku naghihilik pa. Alam ba niya na pupunta ka?” sagot ni Kitbol.

“Oo pero hindi niya alam na ganito kaaga ako pupunta. Magsisimba kasi kami mamaya. Gusto ko siyang sorpresahin.” Natatawang sambit naman ni Barbie.

“Sige, pasok ka lang dun. Hinayaan ko naman nakabukas ang pintuan. Itulak mo lang. Bibili lang ako ng kape at pandesal” ngiting sambit na lang ni Kitbol.

“Thanks, Kit.” Anas ni Barbie at umakyat na siya sa hagdanan.

Ngiting nilingon na lamang ito ni Kitbol at lumakad na rin pababa ng hagdanan. Naisip niya na masuwerte talaga ang kaibigan niya kay Barbie. Mayaman, mabait at maalalahanin pa maliban sa maganda.

“Oops! Sorry.” Bulalas ni Bradley at medyo nabangga niya ang lalakeng nakasalubong sa sobrang pagmamadali na mahabol ang kapatid. Kanina pa siya hindi mapalagay nang sundan niya ang taxi na sinasakyan nito. Tama ang kutob niya. May ideya na siya kung sino ang katatagpuin ng kapatid. Narito ito sa Divisoria at isa lang ang ibig sabihin nun. Sinundan niya ito at tila hindi naman siya nito nahahalata.

Tatak Ng Isang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon