Kabanata Veinte

1.6K 52 5
                                    

Third Person's Pov

Gamit ang gawa sa hangin na salamin ay sabay-sabay na pinapanood ng ilan sa mga panginoon ng Heavenly Resident and kaganapan sa lugar na Engklateya. Binabantayan ng mga ito ang galaw at kung paano ang pamumuhay ng mga nilalang sa lupaing ito.

Dahil trabaho nilang bantayan ang balanse ng bawat mundo. Lalo na ang mundong kasalukuyang pinapanood nila sa hangin na salamin. Ito ay pinamumugaran ng mga halimaw at mga nilalang na pinagkalooban ng ilang diyos at diyosa ng kapangyarihan.

Nang tingin nila ay matiwasay ang lahat, bigla namang napunta ang senaryo sa isang lugar na pamilyar sa diyosa ng paglikha at diyos ng kapalaran.

Isang dalagang lulan ng magarang karwahe ang biglang tinambangan ng mga nilalang na nakasuot ng pulang takip sa bibig at may mga matatalim na sandatang dala.

"Kawawang dalaga. Sino ang dadating upang iligtas siya sa kamay ng mga armadong nilalang na iyan?" Tanong na naisatinig ng diyos ng hangin. Sensero ito at walang kaalam-alam kung anong klaseng babae ang kanyang pinapanood sa hangin na salamin.

"Hindi ang dalaga ang dapat mong alalahanin Aureon. Kundi ang mga mananambang," turan ng diyosa ng paglikha.

"Ano ang nais mong iparating Marenthia?" Tanong ni Aureon. Kuryoso sa mga binitawang salita ng diyos.

"Just watch," pagsingit ng diyos ng kapalaran. Hindi nito nais na ipaalam ng kanyang kabiyak na nasa katauhan ng dalagang pinapanood nila ang diyosa ng pagkawasak- ang kanilang anak.

Muling natuon ang buong atensyon nila sa hanging salamin. Doon ay makikita nilang pinaslang ng mga mananambang ang kutsero at ang dalawa pang kawal na sakay ng kabayo na siyang eskorta ng dalaga.

Isa sa mga mananambang ay walang habas na sinipa ang pinto ng karwahe. Ngunit agad itong tumilapon sa malaking puno. Napaatras ang lahat ng mananambang at naging alerto dahil sa nangyari.

Dahan-dahang lumabas ang dalaga. Bakas sa mukha nitong hindi natutuwa sa nangyayari sa mga oras na iyon. Wala sa hinuha niyang may maglalakas ng loob na asalantahin siya lalo na't may tatak ng kanilang dukedom ang karwaheng sinasakyan niya. At isa pa ay malapit na nilang marating ang boarder ng dukedom.

Dumilim ang mukha ng dalaga matapos makitang wala nang mga buhay ang mga kasama niya. Lalo na ang mga kawal. Ito ay kawal na galing sa Ehiptous, ibinigay sakanya ng ikatlong prinsepe upang maging eskorta niya pabalik ng dukedom. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nawalan ng buhay ang mga 'to.

Nawalan ng emosyon ang mga mata ng dalaga at walang buhay na tinapunan ng tingin ang mga mananambang. Mula sa orihinal na kulay ng kanyang mga mata ay naging kulay pula at itim.

Sa pangyayaring iyon ay halo-halong emosyon at reaksyon ang naipalabas ng mga diyos at diyosa.

"Kakaibang dalaga," naisatinig ng diyos ng hangin.

"Her eyes are familiar," turan naman ng diyos ng kamatayan.

"Isn't that.." hindi naituloy ng diyos ng kaguluhan at napatingin sa diyos ng kapalaran, "may dapat ba kaming malaman Draethis?" Lahat ay napatingin sa diyos ng kapalaran. Nagtataka sa nais ipahiwatig ng diyos ng kaguluhan na si Raxus.

"Let's just tell them, Draethis," turan ng diyosang si Marenthia.

Napatiim ang diyos ng kapalaran at pagkuway napabuga ng hangin. Itinuo ang atensyon sa hanging salamin- kung saan sa mga oras na iyon ay isa-isa nang pinapaslang ng dalaga ang mga mananambang gamit ang kakaibang mga paru-parong alaga nito.

"That child.. she's our daughter." Maikling mga salita na sinambit ni Draethis ngunit mabigat na rebelasyon ito sa lahat ng mga diyos at diyosa na naroon sa mga oras na iyon.

Nefeli: The Reincarnated Villainess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon