Binalot ng takot at pangamba ang mga naninilbihan sa Daikirin Dukedom nang bigla na lamang mawalan ng malay ang prinsesa nito at tila matindi ang naging pagbagsak sa lupa.
Naging maagap naman ang mga kawal na malapit sa lugar at maingat na binuhat ang walang malay na prinsesa. Dinala sa sarili nitong silid at agad na ipinaalam ang hindi magandang balita sa Duk. Kasabay ng pag tawag ng healer.
Napahawi at nakayuko ang mga katulong nang dumating na ang Duk na may mabibigat na yabag dala narin nang kanyang pagmamadaling mapuntahan ang kanyang kapatid.
"Anong nangyari sa prinsesa?" Agad na tanong ng Duk at saka dinaluhan ang prinsesa. Naupo siya sa isang silya sa gilid ng kama ni Nefeli.
"Marsha?" Nilingon niya ang personal maid ni Nefeli na sa mga oras na iyon ay hindi magawang mag-angat ng ulo. Sinisisi niya ang sarili sa nangyari. Naging pabaya siya. Hindi niya napansin na may nararamdaman na pala ang kanyang kamahalan.
Pabagsak na napaluhod si Marsha habang tumatangis.
"Paumanhin kamahalan. Naging pabaya ako at hindi ko naagapan ang kalagayan ng mahala na prinsesa. Bigla na lamang itong nawalan ng malay at bumagsak sa lupa," puno ng pagsisisi na panambitan nito. Bakas din kaba rito.
"Wala kang kasalanan, Marsha. Ang nais ko lang alamin ay kung bakit nagkakaganito ang aking mahal na kapatid. Wala ka bang napansin sakanya sa mga lumipas na araw?" Seryoso, ngunit malumanay na kuwestyon ng Duk. Inalalayan din ng mga kasamahang katulong nito si Marsha na makatayo.
"Wala naman pong kakaiba sa prinsesa. Normal lang naman ito kumilos. Magana rin siyang kumain. Hindi rin mababakas na mayroong dinaramdam na sakit ang prinsesa," pahayag ni Marsha.
Napatango ang Duk at itinuon ang buong atensyon sa prinsesa.
"Wala pa ba ang healer?" Tanong ng Duk, sakto namang muling bumukas ang pinto at nagmamadaling pumasok ang healer na agad tumungo sa Dukedom nang ipatawag ito.
"Maaari ko bang hawakan ang prinsesa, kamahalan?" Paghingi ng permiso ng healer.
"Gawin mo lang ang dapat gawin para masigurong maayos ang kalagayan ng aking kapatid," ang naging tugon ng Duk.
Tumango naman ang healer at sinimulang tignan ang kalagayan ng prinsesa.
Itinapat nito ang kanyang palad sa nuo ng dalaga at pumikit. May puting enerhiya ang lumabas mula ro'n at pumasok sa katawan ng dalaga.
Dumaan ang ilang minuto ay muli itong napamulat kasabay nang pagkawala ng liwanag mula sa kanyang palad.
"Kumusta ang aking kapatid?" Tanong ng Duk nang wala itong sinabi at nakakunot lamang ang kanyang nuong nakatitig sa dalaga.
Halo-halo ang emosyong bumakas sa mukha ng healer sa mga oras na iyon. Masasabi niyang nasa maayos na kalagayan ang prinsesa, ngunit may bagay na hindi niya maipaliwanag. May kakaibang enerhiya siyang naramdaman mula sa dalaga. Malamig at nakakapanindig balahibo sa pakiramdam.
"Maaari ba kitang makausap ng tayong dalawa lamang kamahalan?" Sawakas ay naiwika ng healer.
Kaagad napagtanto ng mga kasambahay ang ibig sabihin ng healer kung kaya't sabay-sabay na nagsilabasan ang mga 'to, kasama na roon ang butler at iba pang kawal na bantay sa pintuan ng kwarto ng prinsesa.
"Ano ang iyong natuklasan, Damian?" Deretsuhang tanong ng Duk.
"Positibo, nasa maayos na kalagayan ang prinsesa. Ngunit ang rason kung bakit ito nawalan ng malay ay dahil sa malakas na enerhiyang bumigla sakanyang katawan," pahayag ni Damian.
"Ano itong iyong sinasabi, Damian? Hindi kita lubos na maintindihan." Bakas sa seryosong mukha ng Duk na naguguluhan ito.
"Pakiwari ko'y ngayon lamang dumaloy ng tuluyan sa katawan ng prinsesa ang kanyang natatanging kapangyarihan. At alam kong alam mo iyon kamahalan."
BINABASA MO ANG
Nefeli: The Reincarnated Villainess
FantasyRune Nefeli was a former assassin before she died because of someone dear to her. She already accepted her faith, which is to be dead and welcome Satan's abode, but when she opens her eyes she didn't expected to find herself inside a cold and dark p...